Kabanata 28

5.7K 374 75
                                    

"Bag ko!"

Agad kong tinakbo ang distansiya namin ng bag ko mula sofa hanggang sa kusina kung saan ko ito nakalimutan.

"Amanda, come back here." Wika ni Papa.

"Boss Baby, huwag ka namang tumakbo. Paano kung madapa ka? Naku naman!" Napahawak sa kaniyang noo si Diego.

Ngumuso ako habang sinasakbit ang bag ko at tinatago ang ngiti sa labi. Sa totoo lang ay excited na akong pumasok sa paaralan ngayong lunes dahil ito ang kauna - unahang araw na papasok ako sa paaralan.

Sabi ni Papa, ako ay isang Grade Four na estudyante na pagpasok. Alam naming lahat na hindi sapat ang kaalam ko para sa baitang ko ngunit wala na sinumang nakapigil kay Papa na sa baitang na iyon ako ipasok dahil lamang upang hindi ako makutya.

Naisip din naman namin na makukutya pa rin ako sa baitang ko dahil wala akong sapat na alam na mayroon sila ngunit mas ayaw ni Papa na makita akong nagaaral sa isang paaralan na pumapasok ngunit hindi mga kaedaran ko ang mga kasama ko.

Ewan ko ba. Ganoon ang gusto ni Papa, eh. Wala akong magagawa. Gusto ko rin naman!

"Papa, masakit ba 'yan?" Bulong ko habang nakatingin sa contact lenses na nirekumenda ng kaibigang doktor ni Papa.

"It will hurt a bit but it will go away naman agad. Papa is here, okay?" Marahan niyang bulong.

Kulay ginto ang kulay noon.


"Papa, bakit kailangan pa itago ang mga mata ko? Maganda naman mata ko, ah?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Color green."


Mahina siyang natawa at hinalikan ang noo ko.

"Yes, love. Your eyes are so beautiful. They are the most beautiful eyes I've ever met . . . " Wika niya habang nakatingin sa akin.

Tinagilid ko ang ulo ko dahil hindi ko iyon masyadong naiintindihan.

"Kailangan mong itago ang mga matang ito upang protektahan ang sarili mo sa mga taong may interes sa 'yo. Ang berdeng mga mata ay maalamat at . . . pinaniniwalang pagmamay - ari ng mga Diwata. Bibihira lamang ito makita kaya tuwing nakakakita sila nito, kinukuha nila."

Kumunot ang noo ko. Si Elatasia nga ganito ang mata, eh!

"Bakit naman nila kukunin?" Tanong ko.

Sumingit si Diego. "Pinaniniwalang pampaswerte ito sa buhay ngunit ang totoo, kapag pumatay ka ay isa iyong pagkakamali. Ang pagpatay ng isang taong inosente ay mali, Amanda. Hindi ba?"


Tumango ako nang marahan. Oo . . . Pumasok tuloy muli sa isipan ko ang itsura ng lalaking napatay ko sa ampunan. Sinubukan niya akong hawakan kaya siya namatay.


"Anak, come here na. Ilagay na natin ito."


Tumango ako at lumapit kay Papa. Wala man lamang takot at kaba sa dibdib ko habang iniisip kung paano iyon ilalagay sa akin ni Papa dahil sa kagustuhan ko rin na makapareho si Papa ng mata.

Nang tuluyang ikabit iyon sa akin ay pumikit ako nang ilang beses bago sinalubong ang tingin ni Papa. Natigilan silang dalawa at napatitig sa akin.

"Ni wala man lamang silang pinagkaiba," bulong ni Diego.

Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi. Mabilis kong nakuha ang ibig sabihin niyang iyon.

"Stop, Diego." Mabilis na sabi ni Papa. "Amanda-"

"Tara na, Papa!" Bahagya kong tinaasan ang boses ko upang hindi mahalata ang panginginig nito dahil tila naiiyak ako. "Baka malate na ako!"

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now