#UNHOLY4

5.6K 68 3
                                    

Malakas ang tugtog sa loob ng club kung nasaan ako ngayon. This is actually my first time in a club. Sa dami ng nangyari at rebelasyon na natuklasan ko sa pagtataksil ng asawa ko ay mukhang alak ang solusyon nito.

Inisang lagok ko ang shot ng tequila at kaagad rumehistro ang pait nito sa lalamunan ko.

"More." sabi ko sa bartender. Mas madaling maka order ng drinks kapag nasa bar counter ka lang pumu pwesto.

Kaagad naman tumalima ang bartender kahit kita kong nagdadalawang isip ito. Maybe because nakarami na ako. Ramdam ko nang umiikot ang paningin ko ngunit ayoko pang umuwi. Gusto ko pa. Gusto kong malasing at malimutan pansamantala ang iniisip.

"Give me more."

"Kaya n'yo pa po ba, ma'am?"

"Yesh...kaya ko pa. Akin na nga!"

Nagdadalawang isip pa ang bartender at mas tiningnan ako ng maayos. Alam ko naman na concern siya sa akin ngunit hindi ko kailangan iyan ngayon at gusto ko lang naman na lumaklak ng alak. For a first timer, medyo matagal tagal din akong natamaan ng alak kahit hindi naman ako umiinom. Nakailang shots pa bago ako naapektuhan ng alak. Nanlalabo at umiikot na ang paningin ko ngayon.

Parang gusto ko na rin sumuot sa dancefloor at sumayaw doon. Ang ganda pa naman ng mga tugtog at hype na hype ang mga tao.

Maya maya ay ramdam kong may lumapit at umupo sa gilid ko. Pero hindi ko ito tiningnan kasi nakikipag titigan pa ako sa bartender dahil hindi parin nito binigay ang shot ng tequila na hinihingi ko.

"Just give me the damn tequila, for god's sake!"

Naiinis na sabi ko. Aawayin ko pa sana ang bartender nang magsalita ang taong nasa gilid ko.

"Just give her what she wants, Pete."

Nilingon ko ang lalaki. Medyo malabo na ang paningin ko ngunit ramdam ko na nakatitig rin ito sa akin.

"Sige po, Sir."

Tapos ay inilagay sa harapan ko ang shot glass ngunit hindi ko na ito binalingan. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata kaya medyo klaro na ang mukha ng lalaki.

Ganoon nalang ang kiliti sa kaibuturan ko nang kaagad magtama ang mga tingin namin. Ang ganda ng berde niyang mata na para bang hinihigop ang kalooban ko. Binigyan ko naman ng pagkakataon ang sarili kong libutin ang buong mukha niya. Wala nang hiya hiya dahil sa alak.

Napaka linis ng haircut nito na nagpapadagdag sa ka gwapohan niya. Makapal ang kilay nito na bumabagay sa deep-set nitong mga mata. Ang ilong na matangos ay nakakainggit lalong lalo na ang mga labi nitong mapupula.

Nagising ako sa pagtitig dito nang bigla itong tumikhim.

"T-Thanks."

And I drank another shot.

There is something in his presence thay made me feel giddy and at the same time nervous.

"Problem?"

Napataas ang kilay ko at binalingan ito ulit.

Napabaling kaagad ang tingin ko sa mga labi nitong basa galing sa pag inom ng alak. Mas lalo lang akong napatitig lalo na nang dilaan nito ang ibabang labi nito.

"Why do you care?"

I saw him smirked like he was amused of me.

Hindi ko talaga matagalan ang titig nito. Para bang hinihigop at binabasa nito ang kung anuman ang nasa loob ng kaibuturan ko.

"You look like a mess. Did someone just hurt you?"

He sounded so good because of his deep voice pero hindi nakatakas sa akin ang tanong niya. Tumaas ang kilay ko at tuluyan itong hinarap. Muntik pa akong masubsob at mahulog sa high chair na inuupuan kung wala lang ang lalaki sa tabi ko na kaagad akong hinawakan at inalalayan. Tumikhim ako at kaagad bumitiw sa hawak niya dahil ang init na hatid ng hawak nito sa akin ay naghatid ng kung anumang pakiramdam.

"F-First...I don't know you...second, it's none of your business, and lastly, it's none of your business again."

Umirap ako sa kawalan at patuloy na umiinom. Ang gaan ng pakiramdam ko na para akong inililipad. Ganito ba ang pakiramdam ng mga umiinom? Kaya pala may mga taong ginagawang pansamantalang solusyon ang alak.

"First, the name is Lexus...second, I am the owner of the club you're getting wasted so you are part of my business....and lastly..."

Hindi kaagad ako naka alma nang bigla ito g yumukod sa tainga ko at bumulong...

"You are so beautiful to be drinking alone here..."

Kakaibang kilabot ang dala ng tumama ang hininga nito sa aking leeg.  Bahagyang nanigas ang katawan ko dahil sa sensasyon na dala ng ginawa nito kahit na kanina pa ito nakalayo sa akin.

And I think the devil, standing next to me knows it.

Get a grip, Dakota! You are just drunk!

I am. But I just want to forget everything for the mean time.

So I looked at him in his eyes. Malamlam ang mga mata ko dahil sa alak. Umayos ako nang upo at hinarap ito ng maayos. Thanks tequila for the confidence! I crossed my legs in front of him. Dahilan kung bakit tumaas ang laylayan ng suot kong dress. Kitang kita ang legs ko nang dahil sa slit ng dress na suot. And oh boy, the gorgeous devil looked at it like he's hungry for food.

I smirked at that.

"You think I'm too beautiful to be alone here?" I raised my brows.

Bumaling ito nang tingin sa akin mula sa mga hita ko at kitang kita ko kung paano ito napalunok na mas nagpadagdag sa init na nararamdaman ko dahil sa alak. Konting distansya nalang ang nasa pagitan namin kaya't hindi ako nahirapan nang inilapit ko ang aking bibig sa tainga nito.

"What are you gonna do about it?" I sensually whispered in his ears.

Hindi nakatakas sa akin ang bango nito at kung paano nagtaas baba ang lalamunan nito. Ngunit akala ko ay sa akin ang huling halakhak. Nagkamali ako.

Dahil nang bahagya akong lumayo upang bumalik sa kinauupuan ko ay hinawakan nito ang bewang ko.

His touch made me shiver. And the devil, once again, felt it which made him smirk. He pulled me a little bit and did what I did with him just seconds ago.

Inilapit nito ang bibig sa tainga ko. Ramdam ko ang pag amoy nito at ang munting halik na iginawad nito sa akong tainga na siyang nagpapikit sa akin.

And the gorgeous devil whispered, "Do you really wanna know?"

******************************

THIS UPDATE IS UNEDITED SO I APOLOGIZE IN ADVANCE IF MAY TYPO ERRORS.

PLEASE COMMENT YOUR THOUGHTS FOR THIS UPDATE!

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon