#UNHOLY23

3.2K 78 10
                                    

Nagising ako at ang una kong nakita ay ang puting kisame. Pilit kong inilibot ang mga mata ko at nalamang nasa isang silid ako. 

"Hey...how are you feeling?"

It was Adrian. 

"T-Thirsty..." hirap kong sagot sa kanya. 

Kaagad naman siyang kumuha ng tubig at inalalayan ako sa pag inom. Pagkatapos ay ibinalik niya ito sa mesa at hinarap ako. 

"A-Anong nangyari?"

Matagal bago ito sumagot at tinitigan lang ako.

"Adrian?"

Napakurap ito at napabuntong hininga. "The doctor warned me not to stress you out because of your condition."

I confusingly looked at him. 

Suminghap ito bago sumagot dahil alam nitong hindi ko siya titigilan hangga't masagot ang tanong ko.

"My parents are here...they're outside with your mom..." lumunok ito bago nagpatuloy. "Your dad has to be operated as soon as possible..." 

Kaagad uminit ang mga mata ko at tumulo ang luha. 

"Hey... you are not allowed to get stressed, Dakota. You are pregnant."

Naudlot ang pag iyak ko at para akong nabingi dahil sa sinabi nito.

"W-What?" 

"You are pregnant. You were bleeding earlier kaya ka nawalan ng malay. The doctor did a test and found out that you are pregnant."

"A-Alam ni mommy?"

Malungkot na umiling si Adrian. Bumagsak naman ang balikat ko. 

"Hindi siya sumama nang dalhin kita rito dahil dumating ang mga magulang ko kaya hindi niya alam...hindi niya maiwan ang daddy mo."

Malungkot at mapait akong napangiti. "Okay lang...mas okay na sa akin ang hindi nila alam dahil baka mas lumala lang ang sitwasyon."

Ilang minuto kaming tahimik bago nagsalita ulit si Adrian.

"Are you going to tell him?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Sasabihin ko ba? Paano kung malaman niya ang nangyari sa akin at muntik nang mapahamak ang anak namin? Alam kong magagalit siya at pipilitin akong ilayo sa pamilya ko. Pero...alam kong hindi ko rin kayang hindi ayusin ang gusot sa pamilya namin.

Ngunit hanggang saan? Hanggang saan ko kakayanin ang pang iinsulto at pagmamaliit sa akin ng sarili kong mga magulang?

Hihintayin ko pa bang mawala sa akin ang lahat bago ako sumuko? Bago ko unahin ang sarili ko?

"You should...he deserves to know, Dakota. Your man is not a pussy. Kaya ka niyang ipaglaban."

"I know...I just don't want him to get involved with the chaos between our family."

"You need him. Because you know what, ngayon ko lang nalaman na ganito ka pala tratuhin nina tita at tito. I was really shocked because you are their daughter."

I chuckled. "That's the thing..I am their daughter when they need a son. Ganoon lang naman sila kabait sa akin kapag magkasama tayo. Ikaw ang minahal nila at hindi ako."

"That's fucked up! Hinding hindi ko ipaparamdam iyan sa anak ko paglabas hanggang paglaki niya." 

Natahimik kami ulit at sabay pang napabuntong hininga kaya napatawa nalang kami.

"Gaano ka fuck up ang sitwasyon natin. You cheated so I cheated too, you got someone pregnant and now I am pregnant with someone's child while we're still married. Now the consequence is in the ICU."

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon