#UNHOLY28

2.6K 60 1
                                    

Medyo late na akong nagising kinabukasan dahil anong oras na rin kami nakarating sa manila. Tapos ay hinatid pa ako dito sa Taguig kung nasaan dating bahay namin ni Adrian. 

Sa pagod sa byahe at pag iisip ay nakatulog kaagad ako pagkarating. Medyo sumakit rin ang tiyan ko kaya pinilit ko rin talagang makapagpahinga. 

Kabuwanan ko na sa susunod na buwan. Simula nang mapunta ako sa Isla walong buwan na ang nakalipas ay ngayon lang ako nakabalik ulit dito sa manila. Wala namang gaanong pinagkaiba ang dating bahay namin ni Adrian. Sadyang malinis pa rin ito dahil hindi tinanggal ni Adrian ang mga katulong namin nang matapos mangyari ang lahat. 

It's also a good thing that someone is maintaining the residence. Sayang din naman kasi. Although madami akong bad memories sa bahay na ito ay hindi ko naman ipagkakailang ito ang unang bahay na meron ako na hindi kasama ang mga magulang ko. At isa pa, kung dati ay puro galit at poot ang nakikita at nararamdaman ko sa bawat sulok ng bahay na ito, ngayon ay wala na ang mga iyon. Dahil na rin siguro ay nagkaayos na kami ni Adrian. 

If I get married, I also don't intend to stay here. I also understand kung bakit ayaw patirahin ni Adrian ang pamilya niya sa bahay na ito. 

I took a good seat on the bed and took my phone on the nightstand. There were no messages from Adrian when I looked for them. One call was dropped, though.

His phone rang a few times before someone picked up when I tried to call him.

"Hello?" 

"Hi.." I stopped for a moment when I heard a woman's voice. "Adrian is currently driving...we are on the way to your house." 

It was his fiancee. I just did not expect her to answer the call but then again, I don't have any anger towards her anymore. I am just happy that they are together and that Adrian is living his dream...

"Oh, okay. Thank you. Ingat kayo." Sabi ko.

"Thank you, Dakota. Adrian's asking if you want anything para mabili namin." 

Umiling ako na para bang nakikita niya ako. "Wala naman. Salamat." 

"Okay. See you." 

"See you." 

Pagkatapos ng tawag ay bumangon na ako at nagdesisyong maligo. Medyo nagugutom na rin kasi ako. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba ako upang maghanap ng kakainin. 

"Good morning, ma'am Dakota." 

"Hello, po." sabi ko sa isang helper namin.

"May nailuto na po ako para sa breakfast n'yo. Magsabi lang po kayo kung may gusto kayong kainin at lulutuin ko po."

Sabay kaming naglakad papuntang dining area at nakita ko ang naihanda nila sa mesa.

Kumalam naman kaagad ang tiyan ko nang makita at maayos ang mga pagkain.

"Okay na po ito sa akin. Magsasabi nalang po ako kapag may kailangan ako. Kumain na rin po kayo."

Tumango ito at iniwan ako doon upang makakain ng maayos.

Kakatapos ko lang kumain nang may marinig akong tunog ng sasakyan sa labas. Saka naman pumasok ang isa pang kasambahay sa bahay para ipaalam ito sa akin.

"Ma'am, nariyan po si Sir Adrian." 

"SIge po. Salamat." 

"U-Uh..may kasama po siya."

Nginitan ko ito at tumayo.

"Opo. Kasama niya ang girlfriend at anak nila. Paki handa naman po sila ng meryenda." pagkatapos kong sabihin iyon ay kaagad along naglakad papuntang living room at siya namang kakapasok ng mag-anak.

"Oh my God! Y-You look pregnant!" Adrian exclaimed.

I chuckled. " Of course, I'm pregnant. Gago ka ba?" 

Nauna itong maglakad papunta sa akin habang nakangiti namang nakasunod ang fiancee nito karga ang anak nila. 

Yumakap si Adrian sa akin na sinuklian ko rin ng yakap. He may be not the best husband but I know he is a good friend. 

Nang maghiwalay kami sa yakapan ay nag ngitian naman kami ng babae at umupo na kami sa sala. Inalalayan naman ako ni Adrian para makaupo ng maayos matapos ay tumabi na rin ito sa babae.

"I know that you are dying to know what happened...but first, I want you to know na hindi mo kasalanan ang nangyari. And that it's tito's fault, okay? Ayokong sisisihin mo na naman ang sarili mo, Dakota."

Napalunok ako at tumango sa kanya. 

Bago ito nagsalita ulit ay may kinuha itong mga papel na nasa isang envelope na dala nila. Ibinigay niya ito sa akin. Naguguluhan man ay tinanggap ko iyon at tiningnan. Ganoon nalang ang kabog sa dibdib ko nang makita kong anong mga dokumento ang mga iyon.

Namamasa ang aking mga matang hindi makapaniwalang tumingin kay Adrian. Nakangiti na ito sa akin.

"It's official...we're no longer married. We can now be happy with our lives, Dakota. I have my happiness here with me...and it's time for you to have yours." 

Napahikbi ako't napatango. 

"H-How is this possible?" tanong ko.

"Like I said, I have connections. I asked them to help me with our annullment. Sa lahat ng nagawa ko sa'yo, ito man lang ay maibigay ko." 

Umiling ako at tiningnan silang mag anak. "You don't have to but thank you, Adrian. This means so much to me. And d-don't blame yourself please. Hindi lang ikaw ang may kasalanan."

He gave me a small smile and took a deep a breath. 

"Can you tell me now what really happened please?" 

Bumuntong hininga ito ulit pero bago paman siya magsalita ay nilingon niya muna ang fiancee niya.

"Can you please bring Kira to my room, baby?" 

Tumango naman ang babae at ngumiti sa akin bago lumapit sa isang kasambahay.

"When Tito woke up...he went ballistic. He was so angry na kinailangan pa siyang ma sedate para makalma."

"D-Did he look for me?"

Malungkot itong ngumiti at umiling. "But he looked for Vladislav. He hired someone to check on him. I thought he wanted to talk to him to finally accept your relationship but it's the other way..."

Kinakabahan na ako habang nakikinig dito. Hindi ako nagsalita dahil gusto ko nalang malaman ang nangyari.

"Nalaman ko ang lahat dahil aksidenteng nasabi ng mga magulang ko sa akin. They warned me not to go near you or be with you. They even accepted my family even though they knew that I cheated on you. I was happy because finally...tinanggap din nila ang mag ina ko..."

"Pero nalaman ko rin kalaunan na...pinapahanap ni Tito si Vladislav at pinabugbog sa mga tauhan niya...Vladislav is so dumb not to have bodyguards with him."

Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. " W-What?!"

Napapikit ito bago nagsalita ulit. "It didn't happen once. It happened again. Tinanggap lang ng gagong boyfriend mo ang lahat sa kagustuhan niyang matanggap ng mga magulang mo. Hanggang sa...nangyari ulit iyon at hindi nanlaban si Vladislav...kaya nasa ospital siya ngayon..." 

Namalisbis ang mga luha ko. Awa at sakit para kay Nikolai at poot naman para sa mga magulang ko.

"His parents wanted to sue your parents but Vladislav didn't want them to do anything because of you.."

"B-Bring me to him...p-please." nagsusumamo at nagmamakaawang pakiusap ko kay Adrian...






UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon