#UNHOLY7

4.1K 63 5
                                    

Nasa isang kilalang restaurant kami ni Adrian ngayon kasama ang mga pamilya namin. We were having a family lunch at a very known restaurant which is the Persephone's. I am enjoying my food and the ambiance of the restaurant. No doubt, they are really one of the best restaurant in the world.

"So, kumusta naman kayong mag asawa?"

Napabaling ako sa mama ni Adrian na siyang nagtanong. Nasa amin naman na ang atensyon ng lahat pati ng mga magulang ko.

"We're good. We actually enjoy being together." Adrian answered.

Kinuha pa niya ang kamay ko na nasa lamesa at hinawakan iyon. Napataas naman ang kilay ko.

What a good actor.

Tumango tango naman ang mga matatanda.

"Kailan naman kami magkakaroon ng apo?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi inaasahang tanong ni daddy. Kung may iniinom lang ako ay paniguradong naibuga ko na iyon.

I heard Adrian laugh.

"We're still enjoying our husband and wife relationship, dad. Soon, magkakaroon narin kayo ng apo. Right, hon?" Bumaling ito sa akin ng may ngiti.

Nakatingin na ngayon lahat sa akin.

Tumango naman ako at hilaw na napangisi.

"And how soon is that? Excited na akong magkaapo. Gusto ko na ng maalagaan at nakaka miss magkaroon ng bata sa bahay."

Sabi naman ng mama ni Adrian.

Tuluyan ng tumaas ang kilay ko. Ang dali dali lang talaga para sa mga tao ang magsabi at magtanong ng tungkol sa anak at panganganak. Buti sana kung sila ang magbubuntis, e.

Lalo pa't hindi ko na na i-imagine magbuntis dahil na rin sa pinang gagawa ng asawa ko.

"We are not rushing things, po. Kayo rin naman ang unang makakaalam kapag magkakaroon na kayo ng apo."

I am starting to get uncomfortable with the topic. Alam ko naman na hindi talaga maiwasan ang ganitong usapan lalo na't wala namang alam ang pamilya namin sa kung anong kinakaharap na problema naming mag asawa. Adrian is such an actor. Pwede siyang maging actor kung ayaw na niyang maging businessman. Kung ako lang, matagal ko nang sinabi sa kanila ang nangyari. Pero hindi ganoon kadali iyon.

I grew up following my parents' words. Noon, wala namang problema sa akin lalo na't nakikita kong masaya sila kapag ginagawa ko ang gusto nila.

Kasama na doon ang pagpapakasal kay Adrian. Well, part of the decision was mine. That was because I thought I would have a wonderful marriage katulad ng iniisip ko noon. Loveless marriage pero natututunan naman ang pagmamahal. Ang kaso, kung kailan naman kasal na kami, ngayon pa siya gagawa ng katarantaduhan. Bakit kasi ganoon ang mga tao, kung kailan nakatali na saka naman gagawa ng kagaguhan.

Uminom ulit ako ng tubig habang nakikinig sa usapan ng mga matatanda. Buti naman at tinigilan na nila ang topic tungkol sa anak. Baka gumawa lang ako ng excuse para mauna kaming umalis dito.

Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom nang makita ko ang taong papasok sa loob ng restaurant. Nakaharap ako sa pintuan kaya't kitang kita ko ang papasok o lalabas dito.

His presence is very strong. Kahit naman nakatayo lang siya at medyo lumilinga at may hinahanap, lahat ng mata ay naparoon dito. His face is very serious at magkasalubong ang kilay. Ibang iba sa taong nakausap ko noong nalasing ako.

Siguro ay naramdaman niya ang titig ko kaya't napalingon siya sa kinaroroonan ko. Napataas ang kilay nito nang makita ako. Hindi ko naman binitawan ang titig sa kanya at kita ko pa ang pag angat ng labi nito. Naputol lang ang tinginan namin nang may tumawag sa kanya.

Sumilay pa siya sa akin ng isang beses at ngumisi nang makitang nakatitig parin ako sa kanya.

And the devil winked at me before walking towards the person who called him.

Sumikdo naman ang puso ko sa ginawa nito. Kinagat ko ang labi ko at tumungo upang hindi makita ng mga kasama ko ang reaksyon. Ngunit hindi iyon nakatakas kay Adrian. Pinisil niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa kaya't napatingin ako sa kanya. Napakunot noo ito sa akin so I raised my eyebrow at him. Umiling naman ito ngunit nakakunot noo parin. Kung hindi pa ito kinausap ni daddy ay baka hindi pa ito tumigil.

"Who was that guy?"

Nasa sasakyan na kami at pauwi na nang magtanong si Adrian.

I was only looking outside at pinapanood ang nadaraanan namin kahit araw araw ko namang nakikita iyon. Mas interesado pa akong tingnan iyon ng paulit ulit kaysa makipag usap sa asawa ko.

"Who?" I asked. Nakakunot noo ko itong binalingan.

Bumuntong hininga ito. "The one you had a staring contest earlier. Do you know him?"

Unti unti naman akong naliwanagan kung sino ang tinutukoy nito.

Bahagya akong umiling. "No. I don't know him."

"Are you sure? Because it seems like you had a connection with that guy earlier. Kung sinuman ang nakakita sa titigan ninyo kanina ay parehas din ang iisipin."

Huminga ako ng malalim bago ito sinagot. "I already said no, Adrian. At hindi ko na problema kung bibigyan n'yo ng malisya ang tinginan namin. Huwag mo akong simulan at baka hindi tayo matapos ngayon."

"Dakota-"

Hindi ko na hinintay na magsalita ito at kaagad na bumaba sa kotse nang makarating kami sa bahay.

Deretso akong pumasok ngunit naabutan parin niya ako. Hinawakan niya ang braso ko upang pigilan ako.

"Ano ba!" Iwinaksi ko ang mahigpit na hawak nito sa braso ko.

"I'm sorry, okay? Ayoko lang na makita kang ganoon sa ibang lalaki. You are married to me. Ako lang ang may karapatang tingnan mo nang ganoon."

I chuckled and folded my arms in front of him tapos ay naging seryoso ang mukha.

"The audacity, Adrian! Galing na rin sa bibig mo. Asawa mo ako. Asawa kita. Pero nagpapalagay ka ng chikinini sa leeg mo sa ibang babae. Ano 'yun? Ikaw lang ang dapat masaya?"

"What? Saan naman galing iyan? I would never do that to you!"

"Talaga lang ha? If you think I am stupid, then think again. Huwag mo ngang ipahid sa akin ang pinanggagawa mo."

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon