#UNHOLY8

4K 67 9
                                    

I am facing my vanity mirror right now. Contemplating if I will go to the party tonight. Paniguradong plastikan lang naman din kasi ang magaganap. Magpupurihan kahit wala namang kapuri-puri.

Our family, as well as Adrian's family are invited for tonight's party. Anniversary ng isang malaking kumpanya ng isa sa mga kaibigan ni daddy sa business world. Plano ko na sanang hindi umattend because for sure, mabo-bored lang naman din ako doon. But I know my parents will not stop bugging me until pumunta ako. Specially my dad. Kasi nga, pangit daw tingnan na hindi ako kasama ni Adrian mamaya.

I just sighed and continued doing my make up. Well, wala naman na akong choice kundi ang mag ayos. Might as well do a good job in doing it. Pampalubag loob ko nalang sa sarili ko. Atleast I look good tonight.

After doing my make up and putting my hair in an elegant messy bun, I wore my skintone longsleeve backless gown. Medyo mababa ng konti ang neckline kaya kita rin ang cleavage ko. But who cares? I feel good wearing it. Medyo na hook ako sa ganda ng gown. Ang ganda tingnan na slit na cut sa left leg ko. Sexy but elegant gown. The crystals and stones are adding beauty to the gown itself.

I took a final look at myself and when I a already contented, I went out with my purse na terno ng gown.

I saw our driver in our living room. He stood up right away when he saw me descending from the stairs.

"Alis na po tayo, ma'am?"

Nginitian ko ito ng konti at tumango. Inalalayan naman ako nito palabas hanggang makasakay sa kotse.

And yeah, nauna na ang asawa ko kanina. He said he has to meet the investors and he should be early para hindi pangit tingnan. Pabor naman iyon sa akin. I just feel suffocated lalo na kapag nasa iisang lugar kami ni Adrian.

Tahimik ang byahe papunta sa venue ng party. Pagkarating namin doon ay marami-rami na rin ang tao. May designated na red carpet kung saan hihinto ang mga darating na bisita at baba doon. Ilang sasakyan pa ang nasa unahan bago kami.

Time to fake a smike, Dakota.

Nang kami na ay naunang bumaba ang driver namin at kaagad na binuksan ang pinto sa gilid ko. Wala paman ay ramdam ko na ang flash ng mga camera na para bang inaabangan talaga ang pagbaba ko.

I thank my driver and composed myself.

"Mrs. Trajano, pose please."

"Look here, Mrs. Trajano."

I flinched when they called me with my husband's last name. Medyo naging hilaw ang ngiti ko sa camera but I made sure that I maintained my posture.

Hindi ako nagtagal doon at kaagad na pumasok. Unang apak ko palang, iba na ang pakiramdam ko. I am starting to question myself if it is a good decision to come here.

People are looking at me like they are also wondering who I am and why I a here. Lumilinga ako upang hanapin ang pamilya ko nang mapatalon ako dahil sa biglaang paghawak sa bewang ko.

"Why are you so jumpy, love." Adrian's face greeted me with a big smile.

I gritted my teeth. "Don't do that again." Suway ko sa kanya nang hindi nahahalata ng mga tao.

Nawala naman ang ngiti nito at bumuntong hininga. "Let's go to our parents."

Inaalalayan ako nito at wala naman akong nagawa kundi ang kumapit dito. Papalapit kami sa mga magulang namin na ngayon ay may mga kausap na rin.

Nang makalapit kami ay kaagad bumaling si daddy sa amin at ipinakilala kami sa mga kausap.

"This is my only daughter, Dakota."

I gave them a smile and did a shake hands with everyone. Lahat nakangiti.

"She's my wife, by the way." Proud namang dagdag ni Adrian.

"Wow, what a beautiful wife you have, Mr. Trajano. I just hope that my son will also settle down one of these days. I'm not getting any younger anymore." Sabi ng isang businessman na kung hindi lang puti ang buhok ay hindi mo masasabing may edad na ito. Berde ang mga mata na panigurado ay nakuha nito sa ibang lahi.

And...his eyes are very familiar.

I shrugged what I thought and continued listening to them.

"Well, Adrian was very willing to marry my daughter. I was just also relieved that my daughter agreed to marry him. No other man deserves my daughter. Only Adrian." Sabi ng daddy ko.

Muntik naman akong masuka sa sinabi ng daddy ko lalo na noong nag agree naman an ibang mga magulang namin.

"That's good. Well, I'm waiting for my son to propose to his girlfriend. Gusto ko na ring magkaapo. Sana lang ay magdilang anghel ako."

Napuno ng tawanan ng mga matatanda ang paligid.

Maya maya ay naramdaman kong bigla nalang hindi mapakali si Adrian. Nang tiningnan ko siya ay binigyan niya lang ako ng hilaw na ngiti.

Hindi naman ito nakatiis at maya maya ay nagpaalam sa amin. Ang sabi ay may kakausapin daw siyang importanteng tao. Iniwan pa nga ako dito. Apaka gago.

Ilang minuto ang lumipas at nanatili akong nakatayo doon. Tumatango at sumasagot kapag tinatanong. Sumasakit na nga ang paa ko sa kakatayo. Wala man lang nag ayang maupo.

"Oh, here he is." Biglang sabi ni Mr. Vladislav. The green eyed old man.

Bumaling siya sa isang direksyon na para bang may inaasahang darating kung kaya't lahat kami ay napa baling doon.

Ganoon nalang ang kalabog sa puso ko nang mamataan kung sino iyon. Fuck! How small can the world be?

He looked at me with intensity and his eyes remained on me when he was coming over to us.

Inakbayan naman siya ni Mr. Vladislav na sa tingin ko ay daddy niya dahil magkamukha sila.

"He is my son. This is Lexus Nikolai Vladislav."

Natanggal lang ang tingin nito sa akin nan makipagkilala ito sa mga magulang ko at ng kay Adrian.

Uminit naman ang mukha ko at nanlalamig ang mga kamay nang bumaling ito sa akin.

"And who is this gorgeous lady here?"

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon