#UNHOLY18

3.2K 67 6
                                    

It's been two weeks since Nikolai and I had a date.

Nasa bahay lang ako dahil ayoko namang palaging umaalis at baka mahalata pa ni Adrian o ng mga magulang namin na hindi kami halos magkasama.

He's busy and I am busy too. We're busy doing something behind our backs. I gave him a chance to talk about what he is doing before but he just manipulated and pointed out that I am crazy for thinking of him cheating on me.

Kung may contest ng pagiging gaslighter, panalo ang asawa ko. Gold medalist.

I am reading in our room's balcony when my phone beeped.

My heart jumped when I saw who texted.

Nikolai:

I miss you so fucking much!

And then another message came in.

Nikolai:

When can I see you, My siren? :(

Napangiti naman ako dahil ramdam ko ang frustration niya. Ganoon din naman ako. Kahit hindi ko man aminin ay miss na miss ko na rin siya. Bumuntong hininga nalang ako at mapait na ngumiti.

Ako :

I'll see you soon, handsome. Please take care of yourself.

Napangisi ako nang may matanggap akong reply kaagad galing dito.

Nikolai:

Can I call, please? :(

Nagdalawang isip pa akong pagbibigyan ko ito. Wala naman si Adrian sa bahay dahil nasa trabaho at nasa kwarto naman ako kaya okay lang siguro.

Hindi na ako nag reply at ako na mismo ang tumawag dito.

Isang ring pa nga lang ay sinagot nito kaagad ang tawag ko.

"Fuck!"

"Really? That's how you wanna great me?" I teased him.

"I'm sorry, baby. I just miss you so much. Hindi lang talaga ako makapaniwalang tumawag ka."

Nakangiti na ako ng mapait ngayon. Ramdam ko naman kasi ang lungkot sa boses nito.

"I'm sorry..." I weakly said.

I heard him took a deep breath before he talked.

"You don't have to say sorry, baby. I put myself in this situation. Nasasaktan ako dahil sa mga desisyon ko. But I am not regretting anything. You are always worth the pain, love. Always."

Kaagad uminit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. I silently gasped because my heart felt heavy.

"So please, don't blame yourself. You are happy with me, right?"

"Y-Yes...so much." I managed to answer him.

"Then that's enough for me. As long as you are happy and I can love you freely then I don't care about anyone or anything else anymore."

Napapikit ako dahil sa sinabi nito. Masakit para sa akin ang malaman na kaya niyang gawin lahat para sa akin dahil alam kong duwag ako. Duwag na hindi ko maibigay sa kanya ang kung anong kaya niyang ibigay sa akin.

Should I just end this?

We only wanted to be happy in each other's arms. But we did not plan on falling for each other. And that's what makes our situation harder.

But just thinking of letting him go breaks my heart so much. I may not tell him how I feel for him but I know for sure that he knows that I love him. And it pains me that I can't even say it in his face because I know that will complicate the situation even more!

"I will see if I can see—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may biglang kumatok sa kwarto.

"Hey, are you okay?"

"Yes. May kumatok lang sa kwarto. I have to check who is it and I'll call you back, okay?"

"Okay, baby. You can just text me if you are busy. I love you."

Napangiti nalang ako at hindi ko na ito sinagot dahil nagpatuloy ang katok sa kwarto ko. Nang matapos kong patayin ang tawag ay kaagad kong nilagay ang librong binabasa sa mesa at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang isa sa mga katulong na kinuha ng parents ko para sa amin.

She looks nervous while looking at me.

"M-Maam."

"What is it, Nelia?"

Iilan lang silang katulong dito sa bahay kaya hindi mahirap kabisaduhin ang mga pangalan nila.

"M-May...u-uhhh."

Napataas ang kilay ko dahil hindi nito ma-i deretso ang sasabihin kaya nag aalala ako.

"Are you sick?"

Umiling iling ito at ganoon pa rin ang kaba sa mukha nito.

"May naghahanap p-po kay sir A-Adrian sa baba, m-maam."

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon nalang ang lakas ng kabog sa dibdib ko.

Napalunok ako bago magsalita. "Babae?"

Tumango lamang si Nelia. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Nanlamig ang mga kamay ko at namawis rin.

Kinalma ko ang sarili ko bago tumango. "Bababa ako. Pakidalhan ng maiinom ang bisita, please."

Hindi kaagad umalis si Nelia at mukhang may sasabihin pa.

"Yes?"

"U-uhh...m-maam. B-Buntis po siya." Hirap niyang sabi sa akin.

Pakiramdam ko ay biglang nahulog ang puso ko at nanlamig ang pakiramdam ko.

Ganoon pa man ay pinanatili kong kalmado ang sarili.

"I'll go down in a bit. Just give her something to eat or drink."

I don't want to assume kasi baka asawa ng kasosyo ni Adrian sa trabaho at hinahanap lang ang asawa kay Adrian.

Talaga ba, Dakota? Pupuntahan talaga si Adrian sa bahay n'yo kung magtatanong lang?

Mariin akong napapikit.

Is this it? Is this the confirmation I am looking for?

Hindi masasagot ang mga tanong mo kung hindi mo haharapin ang bisita.

Part of me is still denying na baka hindi babae ni Adrian ang nasa baba.

Pero may instinct says otherwise...

Kahit malakas ang kabog sa dibdib ay pinilit ko paring magbihis. Gusto ko parin namang maging presentable sa harap ng bisita.

I tried to calm myself a lot of times.

Paulit ulit kong sinusuklay ang buhok. I know that I am buying time because I am scared to go down. Scared to confirm that my husband is really cheating on me.

I know that I did the same. But I am honest with myself. I did wrong, yes. I know. Hindi ako nagmamalinis.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at sa hagdanan pa lang ay kitang kita ko na ang babae na nakaupo sa sala namin. Malaki na ang umbok sa tiyan nito at nakatulala lang. Her eyes are puffy na para bang kagagaling lang niya sa iyak.

Naramdaman nito ang presensya ko kaya lumingon ito sa gawi ko at kaagad tumayo. Kita ko ang paglunok nang maharap ito ng tuluyan sa akin.

Even with the chaos inside me, I still managed to introduce myself.

"Hi. I am Dakota, Adrian's wife."

UNHOLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon