Chapter 2

357 22 3
                                    

Isaiah




“Bakit lagi niyo po akong tinatawag na Greg po lolo? eh hindi naman po ako ang apo niyo?!”

Tanong ko kay lolo, pinapakain ko na ngayon siya ng hapunan.

“kamukha mo kase siya hijo. kaya napapagkamalan kitang apo ko. mabuti na lang na lagi ka nagpapakilala sa akin para malaman ko talaga na ikaw iyan at hindi si Greg na apo ko.”

Sabi nito sa akin.

“Ayoko po sanang magtanong sa Inyo nito, pero nasaan po si Greg?”

Tanong ko kay lolo. hindi siya nakapag salita.

“Matagal na panahon na noong iniwan niya kami at ang tatay niya na si Gregorio ang pangatlo kong anak na lalaki.”

Kwento ni Lolo sakin. tahimik lang ako nakikinig sa kaniya.

“Siya ang pinaka paborito kong apo sa lahat. pinagtapos siya ng pag aaral ng papa niya, nakahanap ng trabaho sa abroad. pinasukan naman niya iyon pero nung nakarating na siya roon sa bansang iyon? hindi na siya nagparamdam sa amin.”

Malungkot na kwento ni Lolo sakin.

“Hanggang ngayon po ba ay wala po kayong balita sa kaniya ni ang papa po niya or mga tito at tita niya po?”

Tanong ko ulit kay lolo. umiling lang ito bilang sagot sa akin.

“Alam niyo po ba lolo kung saan bansa siya nagpunta po?”

Tanong ko sa kaniya ulit.

“Hindi ko alam kung saang bansa siya nag apply at pumunta para mag trabaho roon, hindi rin siya nag sabi samin.”

Sagot ni lolo sa akin.

Sobra akong nalungkot sa kwento niya sakin. pinagmasdan ko na lang siya na kumakain ngayon.

After niya kumain pasadong 7:30 pm ay dumating na si Ate Vangie galing sa trabaho niya.

“Nandyan na si ate vangie, lolo.”

Sabi ko sa kaniya.

Pagpasok ni ate vangie sa loob ay may dala itong mga prutas na binili niya para kay lolo.

Tinulungan ko pa si ate vangie mag bitbit ng mga iyon at ilagay sa Isang container na lalagyan at hinugasan ko iyon mabuti.

“Over time ka na sa work hours mo, umuwi ka na Isaiah. pero agahan mo bukas huh? huwag yung Oras mo kanina. Okay?!”

Sabi ni ate vangie sakin.

“Opo, ate!”

Sabi ko sa kaniya. inayos ko muna ang mga pinamili niyang prutas at saka ko iyon nilagay sa malaking bilog na lalagyan after ko iyon hugasan at pinatulo.

Inayos ko na ang sarili ko at saka kinuha ko na ang bag ko. umakyat muna si ate vangie sa itaas sa kwarto niya para magbihis. hinintay ko muna siya bago ako umuwi.

Nilapitan ko si Lolo na nasa higaan na niya  at nakahiga na.

“Lolo, uuwi na ako. bukas ulit po huh? papakainin ko kayo bukas ng prutas na binili ni ate vangie sa Inyo. hindi na kayo pwede kumain ngayon kase napainom ko na kayo ng gamot niyo. okay po ba?”

Mahabang sabi ko sa kaniya at nagpaalam na rin..

“Mag-iingat ka sa daan hijo!”

Sabi niya sakin.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now