Chapter 48

149 9 4
                                    

Edward




Nasaan ang asawa ko? Nasaan ang Madame niyo?”

Tanong ko sa mga escorts ni Scarlet.

Naabutan ko sila na nasa labas ng mansion ko.

“Good Morning Sir Edward, nasa shooting range o ng mansion.”

Sagot ng Isa sa mga escorts niya na malapit sa akin.

Habang ako ay nagkakabit ng butones sa may wrist ng left hand ko. Ready na ako pumasok sa Company, kauuwi lang namin galing sa Germany nung nakaraang linggo.

“Sino naman kasama niya roon? At na saan ang Boss niyo na si Allen?”

Striktong tanong ko sa kanila. Hindi na sila nakasagot sa tanong ko sa kanila. Kumunot naman kaagad ang noo ko dahil alam ko nakabuntot na naman iyon kay Scarlet.

“Damn him!”

Inis kong sabi sabay naglakad na ako papunta sa shooting range room ng mansion ko sa bandang basement ng mansion ko. Nakasunod sa akin ang Secretary ko sa Kompanya dahil pinapunta ko siya rito ngayon upang dalhin mga ibang papers na pipirmahan ko sa Kompanya.

Huminahon po kayo Chairman, for sure wala naman silang ginagawang masama sa loob ng shooting range room.”

Pagpapaklma sa akin ng Secretary ko.

“Wala akong tiwala sa lalaking iyon noon pa, hindi ko lubos maisip bakit pa siya kinuha ni Scarlet na maging right hand niya? simula noong makilala ko ang lalaking iyan, mas lumala na ang pagiging seloso ko.”

Galit kong sabi sa Secretary ko.

Nung makarating na kami sa shooting range room. Hindi maririnig sa labas ang ingay na nangagaling sa putok ng baril.

Agad ako inunahan ng Secretary ko sa pinto at agad niya ang seradura ng pinto sabay bukas nito at ako ang naunang pumasok sa loob.

Naabutan ko si Scarlet na naka sando na gray at naka pants na black at may headband na tumatakip sa magkabilaan niya na tenga at may suot din siya na eye glass para pang protekta sa mata niya.

Nakatalikod siya sa akin at hindi niya alam na nasa likod niya ako at patuloy siya sa pagputok ng baril. Maingay sa loob dahil sa putok ng baril pero sanay na ako sa ingay nito.

Kitang kita ko ang target niya sa malayo na natatamaan niya ang pinaka gitna, ako ang nagturo sa kaniya kung paano humawak ng baril, paano magkasa at magkabit at higit sa lahat kung paano patamaan ng tama ang target. Hindi naman siya mahirap turuan, Isang beses ko lang siya tinuruan ay mabilis niya kaagad itong natutunan.

Nung maubos na niya ang bala sa baril na hawak niya ay agad niya tinangal ang suot eye protection at headband na tumatakip sa magkabilaan niya na tenga.

Muy Buena!” (Very Good!)

Sabi ko sabay palakpak. Nabigla siya at agad humarap sa akin, naglakad naman ako palapit sa kaniya habang pumapalkpak.

“Ang aga mo naman yata mag practice? Hindi mo ako ginising. Why? May problema ba?”

Tanong ko sa kaniya.

“Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay sabik na akong paulanan ng bala ng baril ko ang katawan ng mag asawa na iyon. Kating kati na ako maghiganti sa mga ginawa nila sa akin noon.”

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now