Chapter 27

190 10 0
                                    

Isaiah






“huwag.... huwag.... Huwagggg!”

Sigaw ko na sabi napabalikwas ako ng bangon.

Bangungot pala iyon. nanaginip ako na nagkaroon ng sanggol sa loob ng tiyan ko. sinabi sa akin ng Doctor na buntis ako pero hindi ako naniniwala. gusto kong ipa abort iyon pero nalaman iyon ni Sir Ace at saka sapilitan niya akong dinukot at dinala sa Isang lugar na parang Isla.

Inasawa niya ako pero hindi maganda ang trato niya sa akin. binubugbog niya ako araw-araw at sinasaktan haggang sa napaanak ako ng wala sa Oras. namatay ang sanggol sa sinapupunan ko.

Sobra ang galit sa akin ni Sir Ace nung malaman niya na namatay ang sanggol sa loob ng tiyan ko. ako ang sinisisi niya kung bakit namatay ang sanggol sa halip na siya ang may kasalanan dahil sa pang bubugbog niya sa akin.

Balak niya akong patayin kaya tumakas ako ngunit hindi ko magawang lumanggoy dahil napapaligiran ng dagat ang islang pinagdalhan niya sa akin. nahabol niya ako at may hawak siya na baril at babarilin niya ako.

Nakiusap ako sa kaniya na huwag niya ako patayin ngunit pinindot na niya ang gantilyo ng baril kasabay niyon ang pagsigaw ko na “huwag” at iyon ang ikinamatay ko.

Napayakap na lang ako ng mahigpit sa mga hita ko at umiyak ng umiyak..lagi akong nangangamba para sa kaligtasan ko dito araw-araw. kagaya kanina matapos akong gulpihin ni Madam Katherine.

Bukas o ngayon araw? ano na naman kayang mangyayari sa akin ngayon dito. gagalawin na naman ba ako ni Sir Ace? sasaktan na naman ba ulit ako ni Madam Katherine kapag nalaman niya na ginalaw ulit ako ni Sir Ace?.

“Wala akong magagawa kundi ibigay ko ang sarili ko sa demonyong lalaking iyon. kahit labag sa loob ko, kahit pangdidiri ang resulta ng gagawin kong pagpapaubaya ng katawan ko sa kaniya ay lulunukin ko na lang iyon. kesa maghinala si Madam Katherine na inaakit ko ang asawa niya..... patawarin mo po ako sa gagawin ko. sana maintindihan niyo po itong iniisip o binabalak ko na gawin. dahil nakasalalay rito ang kaligtasan at buhay ko. kayo na po ang bahala sa akin po.”

Dasal ko habang naka tingin sa langit sa labas ng bintana at patuloy na lumuluha.

Iyon nga ang ginawa ko.

Hindi na ako natulog nung gabing iyon. inantay at nakiramdam na lang ako sa buong paligid ko kung ano ang mangyayari.

Nung sumapit na ang umaga, hudyat na iyon na gising na sila. naririnig ko ang ingay sa itaas dahil nandito ako sa bodega ang itaas nito ay kusina at dining room.

Naririnig ko ang boses ni Madam Katherine na kausap ang asawa niya at parang nagpapakain ito ng anak nila na si Aaron. naririnig ko din ang mga tumog ng paa ng upuan na hinihila. naririnig ko din ang kalansing ng mga pinggan at mga kutsara tsaka baso.

Hinawakan ko ang kanang tenga ko. dahan-dahan ko lang ito hinawakan at pinakiramandaman. nakakarinig na ito ng kaunti. medjo masakit parin pero okay na ito at least ay nakakarinig ako.

“Bye! see you later hubby. don't forget to take care our son. okay?!”

Rinig kong sabi ni Madam Katherine kay Sir Ace.

“Don't worry wifey, I will do to take care of your son even if you don't order me to do that. I will do that because that is my role as a father to our child.”

Sabi naman ni Sir Ace kay Madam Katherine.

Narinig ko na lang ang pag andar ng sasakyan dito sa may bintana na hudyat nang nakaalis si Madam Katherine palayo sa bahay.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now