Chapter 49

167 8 2
                                    

Katherine





Bwesit, kung kailan unang araw natin bilang Shareholders ng kompanyang ito tsaka pa sumabay itong pananakit ng tiyan ko.”

Inis ko na sabi habang namimilipit sa sakit ng tiyan ko. Nandito ako sa pinaka dulong cubicle sa loob ng Female's Comfort room.

“Ano ba? tumigil ka na please!”

Pagmamakaawa kong sabi ko sa tiyan ko.

“Ano ba kase kinain mo o ininom mo kanina at bakit ka nag kakaganyan?”

Inis naman na tanong sa akin ni Ace na nasa labas ng Cubicle.

Punyeta, hindi ko alam!”

Inis ko na sagot sa kaniya.

“Tss... Hindi mo alam? Anong klaseng sagot iyan? Tiyan mo iyan kaya dapat alam mo kung ano kinain o ininom mo kung bakit ka nagkakaganyan.”

Galit niyang Sabi sa akin.

“Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana hindi na lang kita sinama. Edi sana ngayon, nanduon ako sa loob ng Conference room ngayon at nakukuha ko na ang loob ng kapwa ko Shareholders at ganun din si Chairman.”

Dagdag pa niya.

“Alam mo Ikaw? kasalanan mo ito eh, kanina ka pa... dapat hinayaan mo na lang ako magsagot sa tanong ni Chairman Anderson kanina nung dumating siya, edi sana hindi tayo kahiya hiya sa ibang empleyadong nakakita at nakarinig sa atin kanina sa ibaba... Sabat ka kase ng sabat, hindi ka naman kinakausap!”

Inis niyang Sabi pa sa akin.

“Diyan ka na nga, babalik na ako sa Conference room baka tapos na ang Board meeting at wala akong kaalam alam kung ano pinag usapan nila...”

Sabi pa niya sa akin.

“T-Teka sandali... Ace, huwag mo akong iwan dito!”

Tawag ko sa kaniya na namimilipit pa rin sa sakit.

Pero hindi niya ako pinakinggan, narinig ko ang pagsara ng pintuan ng Female's Comfort room.

“Bwesit!”

Sigaw ko sa Galit at inis ko. naiiyak na ako ngayon, napayuko na lang ako at pinilit tapusin ang paglalabas ko ng dumi.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, sa pag kakaalam ko ay nag uusap kami ni Ace sa Isang sulok at may nakita akong coffee machine na malapit sa akin.

Naghulog ako ng barya at bumili ng Kape sa machine na iyon at nung lumabas na ang kapeng binili ko sa machine na iyon ay nauna akong maglakad kay Ace pabalik sa tapat ng elevator. Nilapag ko muna ang kape sa may desk ng Reception/Information center dahil mainit pa ito.

Pinalamig ko muna kaunti at saka ko hinarap si Ace dahil patuloy parin niya ako pinagsasabihan kahit sa harapan ng maraming tao. Nung natapos na kami mag usap ay tsaka ko nilingon ang kape ko at saka ininom paunti-unti dahil maligamgam na ito sabay tinapon sa bin at sinundan ko na si Ace papasok sa elevator.

Aaaaaaahhhhhhhhhhh.......!”

Sigaw ko ng malakas dahil sa pagkagulat, tinignan ko ang sarili ko ngayon na basang basa mula sa buhok ko hanggang sa damit na suot ko na pinakaiingat-ingatan ko dahil mahal ang pagkakabili ko nito.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon