Chapter 30

237 10 3
                                    

Third Person POV





“Open this f*cking door. I command you!”

Galit na Galit na sigaw ni Madam Katherine Clinton sa kaniya. nakaharang sa likod ng pinto ang mga mabibigat na bagay na itinulak ni Isaiah para hindi ito mabuksan ng demonyitang amo niyang babae.

Puro pasa at marka ng pang aabuso ang inabot ni Isaiah sa mag asawang Clinton.
nakasandal lang sa pader si Isaiah at umiiyak, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya sa mga susunod na araw.

Nais na niyang tumakas ngunit naka double lock lahat ang buong bahay at mga bintana kapag aalis ang mga ako niya na mag-asawa.

“i will kill you! your a slutty ugly orange skin f*cking asian... I'm not done with you.”

Galit na Galit na sigaw ng amo niyang babae sa labas ng pintuan ng bodega kung nasaan siya.

“you will never ever escaped here. your passport is in my hand, you will never ever go back from your b*llsh*t poor country. i will kill you with my hands!”

Galit nitong sigaw sa kaniya. narinig pa niyang sinipa ng kaniyang among babae ang pintuan iyon.

“f*ck!”

Sigaw nito sa Galit sabay naglakad palayo sa pinto. naka hinga ng maluwag si Isaiah at napaupo sa sahig at umiiyak. iyak siya ng iyak dahil sa takot.

Puro pasa ang kaniyang katawan, ganun din ang kaniyang mukha. puro bruise marks iyon at maga ang kaniyang kanang mata dahil may black eye iyon.

Putok din ang kaniyang labi at may bakas pa na dugo ang kaniyang ilong. napaigik si Isaiah dahil sa pag-iyak na animo'y iyak ng Isang bata na katatapos lang bugbugin ng kaniyang magulang.

Pinunasan ni Isaiah ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga pisngi. siya ang nag gagamot sa sarili niya ngayon. may hiwa siya sa kanang braso niya dahil gawa iyon ng amo niyang babae.

Ginamot niya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng benda na pinunit niya sa kaniyang damit na suot ngayon. mukha na siyang gusgusin at sariwa pa ang sugat sa kaniyang braso kahit matagal na itong sugat niyang ito at namamaga pa.

Tumayo siya at naglakad papuntang bintana at tumingin sa bintana, nakita niya ang kaniyang among babae na umalis na sakay ng sasakyan nito.

Nakahinga siya ng maluwag.

Ngunit akala niya ay tapos na ang paghihirap niya nung araw na iyon pero hindi. natigilan siya nung may marinig siyang kalabog sa pintuan ulit at nakakailang sipa pa lang ng lalaking amo niya doon ay nasira ang pinto at nabuksan iyon.

Napahagulhol ulit si Isaiah at saka siya napaatras palayo sa pinto, napasandal siya sa pader at umiiyak ng malakas.

Nakapasok ang hayop at demonyo niyang amo na lalaki at nakangisi itong parang demonyo sa kaniya.

“No! please.... sir Ace, i'm begging you! don't do this to me.”

Nagmamakaawang iyak ni Isaiah at napaupo sa sahig.

“Help....! somebody.....!”

Sigaw niya ng paghingi ng tulong.

mabilis siyang hinawakan ng amo niyang lalaki sa kamay niya at hinila siya sabay tulak sa gitna nang sahig dito sa loob ng bodega.

Napabagsak ng malakas si Isaiah at napahiga sa sahig. napaatras siya sa lalaki at lumalapit ito sa kaniya. bakas sa mukha niya ang kamanyakan niya sa kaniya.

Napaharap si Isaiah sa pintuan at iyon na ang pagkakataon niya para makalabas at makatakas. gumapang siya ng mabilis papunta doon ngunit hinila ang Isang paa niya palayo sa pinto.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now