Chapter 47

185 8 0
                                    

Lady Scarlet








Gumagaling ka na sa taekwondo, mabilis ka matuto... Good job!”

Bati sa akin ng mentor ko.

“Thank you Mr. Yu! magaling din kayo magturo sa akin kaya mabilis ako natuto.”

Masayang sabi ko sa kaniya habang nagpupunas ako ng pawis ko.

“Saan mo nga pala gagamitin itong natutunan mo rito?”

Tanong niya sa akin habang nag aayos ng bag niya dahil tapos na ang session namin.

“For self defense lang Mr. Yu!”

Sagot ko sa kaniya.

“Yes! tama iyan... Magagamit mo iyan for self defense kung sakaling may mambastos sa iyo sa daan or balak kang kidnappin.”

Pag sang ayon niya sa sinabi ko. Natigilan kaming dalawa sa pag uusap ni Mr. Yu nang kumatok sa pintuan kung nasaan kami ni Mr. Yu si Allen.

“Are you done?”

Masayang tanong niya sa akin.

“Yup! Tapos na kami sa practice namin ni Madam Lady Scarlet.”

Sabi ni Mr. Yu sa kaniya.

“See you next week, Madam!”

Paalam ni Mr. Yu sa akin at saka na ito naglakad na palabas ng gym. sinalubong naman niya si Allen sa pinto at nagpaalam rin ito sa kaniya.

Pagkaalis ni Mr. Yu ay pumasok naman si Allen sa loob.

“Are you okay? may energy ka pa ba para kay David?”

Masayang tanong niya sabay upo sa tabi ng gym bag ko sa may bench na walang sandalan.

“Yes, I'm okay pa. Napagod lang ako ng sobra sa training namin pero mababawi ko naman lakas ko mamaya sa byahe papunta sa school ni David.”

Sagot ko sa kaniya.

Disidido ka talaga makapaghiganti sa mag asawa na iyon ano? Hindi na ba mababago ang pasya mo at lumugar na lang sa tahimik kasama si David?”

Tanong niya sa akin. Natigilan naman ako sa pag aayos ng gamit ko at saka nilingon siya.

“Hinding hindi na magbabago ang pasya ko. Buo na ang loob ko na gumanti sa mga iyon.... buong pagkatao, dignidad ko, pati kaluluwa ko ay dinungisan nila. Lalong lalo na si Ace. binaboy niya ako ng husto... bababuyin ko rin siya ng mas malala pa sa ginawa niya sa akin, hindi ko lang siya basta bababuyin. Ilalantad ko rin ang baho nilang mag asawa sa publiko na halos alisin na nila ang mga pagmumukha nila para lang mailayo ang mga sarili nila sa kahihiyan.”

Buong tapang ko na sabi sa kaniya. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin at napakurap na lang siya ng mga mata niya.

“Ang sa akin lang naman, ayoko na sa huli. Magsisi ka kung bakit ka pa naghiganti, alam mo naman na may consequences iyang gagawin mo na paghihiganti sa kanila... Baka may Isa sa mga taong malapit sa iyo ang mamatay. Makakaya mo ba tanggapin iyon?”

Nag aalalang boses niyang sabi sa akin.

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Tama siya, alam ko na may kapalit ang mga gagawin kong itong paghihiganti sa dalawang iyon.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now