Chapter 44

159 11 2
                                    

Third Person POV






*Ingay na tunog galing sa aparato o makina naka kabit sa katawan ni Isaiah.*

Iyon lang ang tanging maririnig sa loob ng silid na ito at ang walang malay na si Isaiah na nakahiga sa malaking kama.

Balot ang buong ulo niya ng telang puti na lino tanging mata at labi niya lang ang nakalabas.

Maya-maya pa ay dumating si Edward, may dalang libro. naka suot siya ng shirt na kulay white na panloob na pinatungan ng cardigan na panlalaki na dark brown at pants na parang pajama na maluwag sa kaniya na kulay dirty white ang style.

“Isaiah... mahal ko, gusto mo bang basahan kita ng libro? nagtanong ako sa Doctor mo kung anong magandang gawin habang natutulog ka, yung bang kahit wala kang malay. gumagana parin ang senses mo.”

Masayang sabi ni Edward sa kaniya.

Hinila niya ang upuan sa di kalayuan sa kaniya palapit sa tabi ni Isaiah at naupo roon sabay binuksan ang libro.

Handa ka na ba makinig mahal ko? magbabasa na ako ahh...”

Masayang sabi ni Edward kay Isaiah na walang malay na natutulog.

Nag umpisa na magbasa si Edward ng libro. na para bang nakikinig sa kaniya si Isaiah. Hindi pa siya natatapos basahin ang pahina na iyon ay natigilan siya dahil may kumatok sa pintuan.

*Knock... Knock... Knock*

Napalingon siya sa pinto habang hawak pa niya ang librong binabasa niya kay Isaiah.

Paumanhin Chairman, pero may gustong kumausap sa Inyo sa telepono sa office niyo.”

Sabi ng secretary niya.

“Sige, pupuntahan ko kaagad. makakaalis ka na.”

Sabi ni Edward sa secretary niya.

Agad naman umalis ang Secretary na nakatayo sa may pintuan. nilingon naman ni Edward si Isaiah na mahimbing na natutulog sa higaan nito.

“Mahal, babalik ako kaagad! Kakausapin ko lang yung taong nais akong kausapin sa telepono. pagbalik ko, ipagpapatuloy ko ang pagbabasa sa iyo. okay?”

Sabi ni Edward kay Isaiah tsaka hinawakan ang kamay nito at agad hinalakan niya si Isaiah sa noo nito at agad na tumayo at naglakad palabas ng kwarto ni Isaiah at sinarado ang pinto.

Sa kabilang banda naman naiwan si Isaiah sa loob ng kwarto na iyon. maya-maya pa ay gumalaw ang dalawang daliri niya sa kaliwang kamay niya kasabay nito ay ang dahan-dahan pagbukas ng mga mata niya.

Ang una niyang nakita ay ang malabong paningin niya na nakatingin sa kisame ng kwarto kasabay niyon ay unti-unti paglinaw ng mga ito. Napa kurap siya ulit para maniguro na luminaw na ang kaniyang paningin.

Nilibot niya rin ang paningin niya at inuusisa kung nasaan siya ngayon. Naririnig niya ang ingay ng aparato na nakakabit sa kaniya. naramdaman niya rin na balot ang mukha niya kaya naman kinapa niya ito at hinanap ang dulong bahagi ng telang linong puti.

Agad niya ito nakapa at dahan-dahan inalis paikot ang linong puting bumabalot sa mukha niya. Hanggang sa matagumpay niya itong natanggal at nahulog sa sahig ang mga linong iyon. pinakiramdaman niya ang mga hita at binti niya kung nagagalaw ba niya ang mga ito.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now