Chapter 45

194 7 6
                                    

Lady Scarlet







“Sabi ng Doctor mo hindi ka pa fully recovered. kailangan mo muna magpalakas rito bago ka bumalik sa US.”

Sabi sa akin ni Edward.

Nandito kami sa garden sa labas ng mansion. pinagmamasdan ko ang paglalaro ni David kay Allen.

“Alam ko. Salamat sa pag aalaga sa akin Edward, siya nga pala... umpisahan na natin ang pambubulabog sa mag asawa na iyon.”

Sabi ko sa kaniya.

“What do you mean?”

Takang tanong niya sa akin.

Nilingon ko siya sabay nag smirk.

Tatakutin natin sila hanggang sa mapraning sila at kung sino-sino na ang mapagbintangan nilang nananakot sa kanila, hanggang sa masira sila sa mga kinikilala nilang kaibigan na partnership ng kompanya nila. ”

Dagdag ko pa na Sabi.

“Anong klaseng pananakot natin sa kanila?”

Tanong niya sa akin.

“Simple lang. may kaugnayan sa akin, sa fiancee mo at sa tatay ni Katherine. pero gagamitin ko iyon huling alas para pag awayin at magpatayan silang dalawa na  mag asawa.”

Sagot ko sa tanong niya.

Natigilan siya sa sinabi ko. umupo siya sa tabi ko at saka hinawakan ang kamay ko dahil nakaupo ako sa mahabang bakal na upuan.

“Nag aalala ako sa gagawin natin. baka Ikaw rin mawala...”

Malungkot niyang sabi sa akin sabay pisil ng kamay ko.

“Hindi mangyayari iyon. hanggat nandito pa ako sa Germany, mag aaral ako ng martial arts para magamit ko as self defense.”

Sabi ko sa kaniya.

“Nasabi mo na rin sa akin noong nakaraang araw na lagi kang tinatawagan ni Ace. naisip ko na tanggapin mo ang proposal niya na maging partner sila ng kompanya mo. may naiisip na rin akong atake pailalim na gagawin sa kanila ng hindi nila nalalaman.”

Sabi ko sa kaniya.

“Na ang akala nilang mag asawa ay makukuha nila ang lahat ng meron sa iyo, na ang inaakala nila ay aasenso sila kapag dumikit sila sa iyo. pero hindi nila nalalaman na palubog sila ng palubog hanggang sa malimas lahat ng meron sa kanila na wala ng matira ni isa.”

Dugtong ko pa.

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

“Gawin mo sinasabi ko sa iyo, tanggapin mo ang alok nila bilang partnership ng kompanya mo. magtiwala ka lang sa akin... ikaw ang haharap sa kanila pero ako ang titira sa kanila sa likod.”

Confident ko na sabi sa kaniya.

Natigilan kami pareho nung gumulong patakbo ang bola palapit sa amin. maya-maya pa ay lumapit sa amin si Allen.
Dinampot niya ang bola sa may paanan ko at saka tumingin sa akin.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now