Chapter 4

295 19 5
                                    

Isaiah





“Mag-iingat ka doon anak huh? huwag mo pababayaan sarili mo. maliwanag? huwag kang magbigay ng sakit ng ulo sa magiging amo mo roon. maliwanag ba?”

Naluluhang sabi ni nanay sakin. nandito na kami sa pintuan ng departure area. niyakap ko sina nanay at mga kapatid ko.

“Opo nanay, mamimiss ko kayo. alagaan niyo ang sarili niyo huh? huwag niyo din  papagurin ang sarili niyo. maliwanag din po ba?”

Naluluhang sabi ko sa kaniya.

Nilingon ko ang dalawa kong kapatid na umiiyak din.

“Huwag niyo bibigyan ng sakit ng ulo ang nanay huh? mag papakabait kayo kay nanay at lagi niyo siyang susundin. maliwanag ba?”

Naluluhang bilin ko sa dalawa kong kapatid na babae na minor de edad.

“Opo kuya! mag iingat ka po doon. tumawag ka po samin kapag nakarating ka na doon po huh? pangako, lagi namin susundin ni ate si nanay, hindi kami magbibitaw ng sakit ng ulo sa kaniya po.”

Sabi ng bunso kong kapatid sa akin habang umiiyak.

“Dapat lang! dahil kapag nawala si nanay? walang mag aalaga sa Inyo. hindi niyo alam kung saan kayo pupulutin. maliwanag ba?”

Naluluhang sabi sa kaniya.

“Mamimiss kita kuya! mamimiss ko ang mga bonding naging tatlo at higit sa lahat.... mamimiss ka namin.”

Naiiyak na sabi ng kapatid ko na sumunod sakin.

“Mamimiss ko din kayo...!”

Sabi ko sa kanila. naluluha ako at kahit anong punas ang Gawin ko sa mga luha ko ay hindi ito matigil tigil sa paglabas ng mga luha sa mga mata ko.

“Oh paano? mauuna na ako sa loob. umuwi na kayo kapag nakasakay na ako ng eroplano huh? tatawag ako sa Inyo kapag nakarating na ako roon. patnubayan nawa ako ng Diyos papunta roon na sana ligtas ako makarating doon at ibigay niya ako sa mabubuting kamay.”

Sabi ko kay nanay.

Nawa'y magkatotoo iyan! ipapanalangin ko na makarating ka ng ligtas at maibigay ka sa mabubuting amo mo roon sa Germany!”

Sabi ni nanay sa akin. tumango ako sa kanila at saka niyakap ko ulit sila isa-isa at saka ako naglakad papasok na sa departure area at hila ko ang luggage ko.

lumingon pa ako sa kanila at kumaway sa kanila. kumaway naman din sila sa akin at saka na ako naglakad papuntang eroplano para sumakay na roon sa loob.

“Gagawin ko ito para sa Inyo at hindi para sa akin. ang gusto ko ay magkaroon tayo ng maayos na buhay lalo na kayo mga kapatid ko. papatapusin ko kayo ng pag-aaral hanggang kolehiyo. bibili tayo ng malaking bahay at magtatayo ng sarili nating negosyo. at pagkatapos niyon? hindi na tayo magkakahiwalay ulit. pangako iyan!”

Naluluhang sabi ko habang naglalakad palapit sa eroplano at saka na umakyat ng hagdan.

sinalubong ako ng stewardess at hinanapan ako ng ticket at passport, binigay ko naman sa kaniya ang hawak ko at saka in-assist niya ako kung saan ang upuan ko. 

Ilang minutes pa ay naisara na ang eroplano at saka na ito umandar at patakbong pumunta sa runaway at saka lumipad na paitaas. napapikit na lang ako at taimtim na nagdarasal sa kinauupuan ko.

After ko mag pray ay napatingin ako sa bintana na malapit sa akin at pinagmasdan ko ang mga ulap sa kalawakan at ang asul na karagatan sa ibaba. nakakamangha na nakakalula tignan sa ibaba.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Where stories live. Discover now