Chapter 43

182 8 2
                                    

Allen




“David?”

Tawag ko sa kaniya nung makapasok ako sa loob ng kwarto niya.

“Yes uncle?”

Sagot niya sa akin paglabas niya ng bathroom niya habang may hawak na suklay. katatapos niya lang siguro mag suklay nung tawagin ko siya.

“Ready ka na sa pagpasok mo sa school?”

Tanong ko sa kaniya.

“Yes uncle. tara na po!”

Masayang sagot niya sa akin. Kinuha ko na ang bag niya tsaka hinawakan ko ang kamay niya at sabay namin tinungo palabas ng kwarto niya.

Nung nasa hallway na kami ay nakasalubong namin si Edward. natigilan kami sa paglalakad ni David.

“Good morning Dada!”

Masayang bati ni David sa kaniya. Halata sa mukha nito na kagigising lang, naalala ko na naman ang pinag usapan namin kagabi.

“Good morning baby, papasok ka na sa school?”

Masayang bati rin nito kay David sabay tanong sa bata.

“Yes Dada!”

Sagot ni David sa kaniya.

“Tapos ka na ba kumain ng breakfast mo?”

Tanong ni Edward sa kaniya.

“Tapos na po dada.”

Sagot ni David sa kaniya.

Nilingon naman ako ni Edward at nagtama ang mga mata namin. parehas kami na malamig ang tingin sa isa't-isa.

“Baby, gusto mo ba sunduin kita mamaya sa school kapag labasan niyo na?”

Tanong ni Edward sa kaniya habang nakatingin sa akin. nag smirk ako sabay patagong diniinan ko ang pagkakapatong ng kamay ko sa kanang balikat ni David na parang senyales na huwag siya pumayag magpasundo sa kaniya.

“Bakit niyo po natanong iyan Dada? huwag na lang po baka po busy po kayo sa pag aalaga kay papa po.”

Sagot ni David sa kaniya.

Mas lalong pinakita ko ang pag smirk ko sa kaniya, naningkit naman ang mga mata ni Edward habang nakatitig sa akin.

“Are you sure na ayaw mo sunduin kita sa school mo later? hindi naman gaano busy si Dada mamaya.”

Sabi ni Edward kay David habang nakatitig sa akin.

“Narinig mo naman yata ang sinabi ni David Mr. Chairman... at sa pag kakaalam ko rin, ayaw ni David na paulit-ulit na tanong.”

Sarkastiko kong sabi sa kaniya.

“Kaya kung maaari? pwede bang paraanin mo na kami dahil baka malate na si David sa school?”

Dugtong ko pang sabi sa kaniya. Nakita ko na palihim siyang nag close fist pero hindi ako natakot at mas lalo pa ako nag smirk sa harapan niya.

“Sige na po Dada, aalis na po kami ni uncle. Malalate na po ako sa school.”

Sabi ni David sa kaniya. Lumapit si David sa kaniya at para bang nagpapakita ng sign na hahalik ito sa pisngi ni Edward.

Yumuko naman si Edward at saka dinikit ang pisngi niya sa lips ni David, matapos halikan ni David si Edward sa pisngi ay ganun din ginawa ni Edward sa left cheek ni David.

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Onde histórias criam vida. Descubra agora