Chapter 46

178 9 1
                                    

Katherine





“Oh, hawakan mo muna si Aaron, may nagpadala ng message sa fax machine. Tignan ko kung kanino galing.”

Sabi ko kay Ace. kinuha naman niya si Aaron sa akin at naglakad ako palabas ng kitchen patungo sa sala para I check ang fax machine.

Paglapit ko sa fax machine ay kusa na itong nilalabas ang Isang papel na may sulat na padala.

Kinuha ko naman yung papel at saka binasa ang nakasulat.





Nalalapit na Ang pagbagsak niyong dalawa. Sulitin niyo na Ang mga panahon at Oras niyo sa panloloko niyo sa mga tao. Aalingasaw ang baho ng mga inosenteng bangkay na pinatay niyo.

Mamamatay din kayo!




Nagimbal ang buong pagkatao ko at  nanginginig ang buong katawan ko sa nabasa ko.

Aaaaahhhhhhh.....!”

Sigaw ko ng malakas sabay nabitawan ang papel na hawak ko at nalaglag iyon sa sahig.

Titig na titig ako sa papel na nasa sahig ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na animoy kagagaling ko lang sa mahabang pagtakbo.

“Hon? ano iyon? Anong meron? Anong nangyari sa iyo? Bakit ka sumigaw?”

Tarantang takbo ni Ace palapit sa akin.

Napaupo ako sa sofa at saka naman ako tinabihan ni Ace.

“Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?”

Takang tanong niya sa akin.

Napaiyak na ako dahil sa takot. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang buong mukha ko ngayon.

“Ano bang nangyayari sa iyo? Sabihin mo nga sa akin?”

Naguguluhan at natatarantang tanong niya sa akin.

“May nagpadala ng sulat sa fax machine natin. Hindi ordinaryong sulat kundi Pagbabanta.... Death threat!”

Sabi ko sa kaniya.

“Ano?”

Gulat niyang tanong.

“Nasaan? patingin ako ng message.”

Tanong niya sa akin. Dinampot ko ang papel sa sahig at saka ko binigay sa kaniya.
Kinuha naman niya iyon at saka binasa.

Fuck! Sinong hinayupak ang nagpadala ng message na ito sa atin? lakas ng loob niya takutin tayo?”

Galit na Sabi ni Ace. nalukot niya ang papel na iyon na naglalaman ng message dahil sa Galit niya.

“H-Hindi ko alam... Ace, natatakot ako. namatay ang papa ko at hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang bangkay niya. marahil ay siya ang pumatay sa papa ko.”

Naluluhang sabi ko kay Ace.

“Impossible ang sinasabi mo.”

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें