Chapter 51

339 11 6
                                    

Katherine






“What makes you think na kakampihan kita Katherine?”

Tanong sa akin ni Ace. sinabi ko sa kaniya na sinugod ako ng Scarlet na iyon at ayaw niya maniwala sa akin.

“Hindi pa ba sapat itong mga bruise at scratch sa mga braso at pisngi ko? C'mon Ace. defend me, asawa mo ako.”

Bulyaw ko na sabi sa kaniya dahil sa inis ko.

“You know what? alam ko na ginawa mo iyan sa sarili mo para paniwalaan kita at hindi na ako magtataka kung bakit. Baka nakakalimutan mo? Nang dahil sa iyo nasira ang image ko, ang image ng kompanya ng dahil pagkakalat mo sa kompanya ni Edward?”

Seryosong sabi niya sa akin sabay panduduro ng daliri niya sa mukha ko.

“Teka nga, mas uunahin mo pa ba kapakanan ng kompanya kesa sarili mong asawa? Pwede pa naman tayo nag request ng isa pa for another presentation kay Edward. Ako? Nasaktan na at napahiya na sa public place eh hindi ka man lang nag alala sa akin?”

Pagalit na sabi ko sa kaniya.

“I don't care kung ano man ang nangyari sa iyo, karma na sa iyo iyan dahil hindi mo pinipili mga lugar na kung saan ka magkakalat at ilalabas pagiging war freak mo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kompanya. Naiintindihan mo?”

Bulyaw niya pabalik sa akin.

Natigilan ako sa mga sinabi niya at napatango na lang habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kaniya.

“Edi lumabas din ang totoo... Asawa mo nga lang talaga ako. hindi ko alam kung mahal mo, asawa mo ako at sa akin mo binabaling ang galit at stress mo ever since... yun ang totoo hindi ba?”

Sarkastiko na may katotohanan ko na tanong sa kaniya.

“Wala ako panahon makipag usap sa iyo, enough this stupid Drama of yours. Hindi ka artista, ang mabuti pa dumito ka na lang sa bahay at alagaan mo anak natin ng sa gayon magkaroon ka ng pakinabang dito sa bahay.”

Sabi niya sa akin at saka ako tinalikuran at naglakad na siya papunta sa office niya at sinarado ng malakas ang pinto.

Tinanaw ko lang siya palayo sa akin.

Arrrgghhhh! Bwesit! hindi ako papayag na basta mo na lang ako ganituhin Ace. hinding hindi rin ako papayag na madungisan ang pagkatao ko sa lahat ng maraming tao, Scarlet... Humanda ka, sisiguraduhin ko na magbabayad ka sa ginawa mo sa akin.”

Galit na galit kong sabi sabay hinawakan ko ang isang vase na babasagin at binato iyon ng malakas sa pader, nabasag ito at nagkalat sa sahig ang mga bubog nito.

Pumunta ako sa kwarto namin at saka ako naupo sa harapan ng makeup wardrobe ko. Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin at halata rito ang mga kalmot sa magkabilaan pisngi ko. Mas marami nga lang sa kaliwa.

Napansin ko rin na meron na rin akong mga wrinkles sa noo. hindi ko nagustuhan ang mga nakikita ko sa salamin na para akong tumanda ng limang taon.

Aaaahhhhh...”

Sigaw ko sa galit sabay hawi ng ilang makeup at kung ano-ano pang pampaganda ang nakalagay sa harapan ko na nahulog sa sahig dahil sa paghawi ko ng malakas.

“Hindi! hindi ako papayag na maging ganito ang mukha ko, ang panget ko... No! Impossible. Impossibleng ipagpalit ako ni Ace sa iba lalo na sa babaing iyon.”

Galit na galit kong sabi habang nakahawak ako sa mukha ko. natigilan ako nung makita ko ang makeup na madalas ko gamitin na nasa harapan ko, kinuha ko iyon at binuksan sabay nag makeup ako sa sarili ko.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Aug 04, 2023 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ