Kabanata 1

13.3K 518 158
                                    

SA loob ng madilim na kuwarto, isang babae ang panay ang hagulgol. Malalim na ang gabi at walang ibang tunog ang maririnig bukod sa kaniyang pagtangis.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to? Akala ko ba h-hindi mo ako sasaktan!" Marahas niyang pinahid ang walang tigil na pagtulo ng kaniyang mga luha habang patuloy pa ring gumuguhit.

Hindi niya inaasahang iiyak siya ngayong gabi. Kaninang umaga, ang saya-saya niya pa pero dahil sa ginawa ng kaniyang matalik na kaibigan, hindi na siya halos makahinga sa bigat ng nararamdaman niya.

"Ang sakit-sakit! Ang sakit ng ginawa mo--"

"Tumigil ka nga diyan." Isang marahang sapak ang natanggap niya sa ulo pero umakto siya na parang ang lakas nito at sinubsob ang mukha sa drawing tablet.

Inis niyang nilingon ang lalaking nakatayo ngayon sa kaniyang likuran. "Ano ba! Masakit iyon, ah!"

"Dami mong drama wala namang nanakit sa 'yo." Naglakad ito palayo sa kaniya at binuksan ang ilaw. Doon niya lang naaninag ang mukha nito at ang tattoo na nasa clavicle. "May papatay-patay ka pa ng ilaw na nalalaman diyan."

Inirapan naman niya ito. Dinuro niya ang lalaki at muling humagulgol. "Anong walang nanakit sa akin? Ikaw! Ikaw ang dumurog sa aking pusong walang ginawa kundi ang magmahal!"

Hindi niya kayang tanggapin na wala na ang kaniyang paboritong karakter. At ang walang pusong may gawa n'yon ay walang iba kundi ang lalaking nasa loob ng kaniyang kuwarto, si Logan.

"You promised me na hindi mo siya papatayin pero bakit?!" Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at sinugod ang kaibigang nakaupo ngayon sa kaniyang kama. Niyugyog niya ang magkabilang braso nito habang patuloy pa ring ngumangawa.

"Logan, bakit? Ang sakit mo sa heart."

He chuckled. "Stop acting as if I broke your heart."

"Because you did! Sabi mo 'di ba hindi mo siya papatayin? 'Di ba? Sabi mo 'yon? Pero ano 'to ngayon, ha?" Bumalik siya sa kaniyang table, hinablot ang manuscript at hinarap sa mukha ng lalaki.

Marahan namang kinuha iyon ni Logan. "It's necessary. If he will not die, there will be no growth for the main character."

"Alam ko naman iyon pero . . ." she groaned and threw herself on the bed. Niyakap niya ang kaniyang black cat plushie na si Button na nananahimik katabi ng unan. She mumbled gibberish things because she couldn't counter his words.

"I'm not going to draw that scene."

Hindi niya kayang iguhit ang pangyayari kung saan sinakripisyo ni Chamber, ang paborito niyang karakter, ang sarili para lang mailigtas si Lapel, ang main character ng Broken Trench.

Logan was a writer, and she drew for him. They were childhood friends both dreaming of getting big in the comic industry someday. And Botox was one of the witnesses of their dream.

"Have you eaten? Ako kasi hindi pa," pag-iiba nito.

"Edi bumili ka ng pagkain mo." Bumangon siya at bumalik na sa kaniyang swivel chair.

One foot on the chair, she started poking the cheek of the plushie with the stylus she was holding. Nag-iisip siya kung paano niya iguguhit ang pagsasakrispisyo ni Chamber kahit ayaw niya. Kahit salungat sa kalooban niya, nais niyang ihatid sa kaniyang guhit kung gaano kasakit ang naramdaman niya habang nagbabasa siya kanina.

"I'll buy food."

Tumango naman siya at hindi na nag-atubiling lingunin ang lalaki. "Sige, sana wala kang mabili. Sana wala nang bukas na tindahan nang magutom ka."

Tumawa lang ito bilang sagot bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Siya naman ay nagsimula nang simulan ang rough sketch ni Chamber. Ang sakit na ng likod niya. Kanina pa siyang umaga gumuguhit ngunit hanggang ngayon nasa kalahati pa lang siya ng kabanata na binigay ni Logan sa kaniya.

Author's Note (The Villain Series 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt