Kabanata 8

4.6K 294 216
                                    

NAKATUTOK sa kisame si Logan habang nagpaulit-ulit pa rin sa isipan niya ang nakita kagabi. Hindi siya nakatulog buong gabi. Hindi niya malimot ang mga cocoon na naglalaman ng mga tao pati na kung paano sila binitbit ni Adamas papuntang bintana at hinagis.

He thought he would kill them, but thankfully, Adamas caught them with his threads before they could land and meet the afterlife.

"Get over it." Bahagya niyang sinapok ang ulo bago bumangon sa kama.

Binalewala niya ang bigat na nararamdaman at kaagad na naligo. Alas singko na ng umaga at kailangan na niyang maghanda para sa kaniyang shift. He was working part-time at a coffee shop every weekends. Sa weekdays naman nagtratrabaho siya bilang editor sa isang publishing company at part-time instructor sa university kung saan siya gr-um-aduate.

And that wasn't his dream. He wanted to be an author. But for now, he needed to work his butt out to provide for himself and for his family. Hindi naman siya tumitigil sa pangarap niya. Patuloy niya pa rin itong tinutupad kasama si Gon. Kaya siya nandito para abutin ang pangarap niyang maging makilala ang kaniyang mga likha.

Pagkatapos niyang maligo, lumabas na siya at nagtungo sa kusina para magluto. Nadaanan niya si Adamas na mahimbing na natutulog sa sofa na nasa salas.

Sumagi na naman sa isip niya ang kagabi.

"Bahay ko 'to pero ako pa inuwi mo." Bumuntonghininga siya bago nagpatuloy sa kusina.

Hindi siya makapaniwala na sila pa ni Gon ang inuwi nito sa apartment building. Sila ang sumundo, pero sila rin ang inuwi. Hays.

Nagsimula na siyang magsaing at magluto ng ulam. Pagkatapos, hinanda na niya ang hapag. Pinuntahan niya si Adamas upang gisingin. Isang metro ang layo niya sa lalaki dahil natatakot pa rin siya hanggang ngayon. Malay niya, baka wala pala ito sa mood at siya ang biglang pagbuntungan.

"Mr. Adamas."

"I'm already awake." Bumangon ito.

"Naka-veil ka kasi. Hindi halata." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Kakain na tayo."

Naglakad na siya pabalik ng kusina. Napansin niya ring sumunod si Adamas sa kaniya.

"Stop being afraid, human. I'm not going to hurt you or Gonietta."

"Should I be happy about that?" Pinasadahan niya ito ng tingin bago umupo.

Tinanggal naman ni Adamas ang kaniyang veil at umupo rin sa kaharap na upuan. Tumango ito. "You should be. You should feel honored that you get the side of the villain like myself."

"I never wish for that to happen. I rather want the main character's side. It's safer that way."

Napasimangot naman si Adamas sa kaniyang sinagot. "Safer? Since when did I make your life in danger?" Tinusok nito ang sunny-side up bago ituro sa kaniya. "You and my reddy readsy are the ones asking for danger. I never ask you to follow me around. But despite that, did you get hurt, huh? Did you even get a single scratch?!"

"No, but--"

"I never ask for the 'buts'. I only want the yes or no, so you can shut up now and eat."

Kagaya ng sinabi nito, hindi na siya sumagot pa. Panay ang pagbuntonghininga niya habang kumakain dahil sa inis. He cooked the food and let him have a share. Siya ang naghanda sa lahat pero kung umasta ito ay parang siya pa ang nakikikain. 

"Whoa! This tastes so good! So good! So Noa loves this taste, huh? She mentioned once she like eggs." Adamas swayed his body like an air dancer balloon while savoring the egg.

Napailing siya.

He's overreacting again.

"You're too obsessed with your author," komento niya. Tumayo na siya at niligpit ang kaniyang kinain.

Author's Note (The Villain Series 1)Where stories live. Discover now