Kabanata 36

1.9K 157 21
                                    

MALAPIT nang mag-alas dose nang makauwi si Gonietta kagabi. Tinawagan niya ulit si Logan pero naka-off na ang phone nito. Nag-aalala siya baka nagtampo sa kaniya ang lalaki kaya nag-alarm siya sa kaniyang phone ng 5 AM para puntahan ito kinaumagahan.

Kung bakit kasi nakalimutan niya. Masiyado siyang nawili sa mga piece na nakapaskil sa museum. Nakapunta na siya dati pero may mga bagong dating kaya hindi siya nakahindi kay Zaren. Chance niya na rin iyon upang mas maging malapit sila ni Zaren kaya um-oo siya.

Paggising niya, muntik na niyang maitapon ang phone pagtingin niya sa oras. It was already 6:27. Kanina pa tumutunog ang alarm niya pero ngayon lang siya naggising. Kaagad siyang bumangon at dali-daling lumabas. Mamaya na niya aasikasuhin ang sarili dahil baka 'di niya maabutan si Logan. May class pa naman itong 7:30.

Kumatok siya sa pinto. Naghintay siya ilang saglit bago may nagbukas.

It was Adamas. Nang makita siya ng lalaki, inirapan siya nito.

"What are you doing here?" Bakas sa boses nito ang inis kaya nagtaka siya.

"Galit ka ba? Nandiyan pa si Logan?" Papasok na sana siya pero hindi umalis si Adamas sa pintuan.

Sumandal ito sa pinto. "Yeah. Why? Are you going to apologize?"

"Oo kaya tumabi ka." Tinulak niya ang lalaki pero bigla itong umiwas dahilan para muntikan na siyang mapasubsob sa sahig.

"Gago, muntik na ako--" Natigilan siya nang makita ang kulay ng loob. Napaikot ang kaniyang tingin dahil nagandahan siya sa bagong pinta sa apartment ni Logan.

"Whoa . . ." It was the color she really liked.

Napunta ang tingin niya sa mga naka-pile na libro na nasa maliit na lamesa. Kaagad siyang tumakbo ro'n at nakangangang tiningnan. May katabi rin itong mga art materials na kailangan niya traditionally at digitally.

"Whoa! Para kanino 'to?" Inabot niya ang isang stylus. Ito ang stylus na gusto niyang bilhin dati pero palagi siyang nauubusan ng stock.

"Kanino pa ba? It's obviously for you." Naglakad papalapit si Adamas at naupo sa sofa. Nakasimangot pa rin ang mukha nito.

"Really?" Isang malawak na ngiti ang tumakas sa kaniyang labi.

"Really." He nodded. "We've waited for you yesterday to surprise you but you didn't come."

Nawala kaagad ang ngiti niya matapos iyong marinig.

May tinuro si Adamas kaya sinundan niya ito ng tingin. Sa isang sulok ng apartment, may isang kahon doon na naglalaman ng mga light at balloon. Nag-isip pa siya sandali pero kaagad ding nakaramdam ng konsensya nang mapagtanto kung para saan iyon.

"Logan prepared so much for you. He cooked for you, bought gifts, painted and designed the room. He even asked me to bring Hamitherion yet you didn't show up. And what's your excuse? You forget about it?" Ugali nitong manigaw pero ngayon, hindi sumisigaw si Adamas. Kalmado ang boses nito ngunit bakas sa tono ang lamig. "I don't find your excuse valid. Even if you are my reddy readsy, that doesn't mean I can't be disappointed towards you. You fail me yesterday, Gonietta."

Napayuko siya dahil sa umaapaw na hiyang nararamdaman. Pakiramdam niya'y isang magulang ang nanenermon sa kaniya ngayon.  Adamas was displeased. And it was because of her.

"I'm sorry." She fidgeted. She played with her fingers while continued talking. "Hahabol pa naman dapat ako, e. Pero hindi na ako sinagot ni Logan."

"The meeting time is seven in the evening. Three hours ka nang late." Tumayo ito at naglakad pero tumigil ito sa kaniyang tabi. "You can't expect Logan to keep on waiting for you because he has other things to deal with too. Sana sinabi mo na lang na hindi ka pupunta no'ng maaga pa. Someone's effort would not have been wasted."

Author's Note (The Villain Series 1)Where stories live. Discover now