Kabanata 10

3.9K 221 27
                                    

Warning: This chapter contains mature themes like death and mention of suicide. This may be uncomfortable for some readers, so please be advised. Prioritize one's state of mind all the time. Thank you.

"SIR, Vice President Laurien would like to talk to you."

Kakalabas pa lang ni Asnael Laurien sa airport, bumungad na kaagad sa kaniya ang call ng ina. Kinuha niya ang phone na inabot ng kaniyang secretary at sinagot ang tawag.

"What, Mom? I'm still not in the car." Bahagya siyang napapikit dahil sa mga flash ng camera na kanina pa sinisilaw ang mga mata. Maraming mga reporters ang nagkukumahog na makakuha ng kaniyang statement tungkol sa sponsorship na ginawa niya sa Olympics na gaganapin sa 2024. Ang iba naman ay ang kaniyang mga fan na gusto lang makakuha ng litrato.

"Mr. Laurien, the Laurien is a family known to never accept any sponsorship, so why did you agree on the Olympics? Why did you choose to give support for our athletes?" One female reporter asked.

"What's your father's opinion about this?" singit naman ng isa.

"Mr. Laurien, what can you say to your brother who just went missing recently?"

Dinumog pa siya ng maraming tanong pero hindi niya iyon pinansin. Salamat sa mga bodyguard niyang nakapalibot, kaagad siyang nakapasok sa kotse nang hindi nalulunod ng mga tao.

"Argh. Finally." Pabagsak niyang sinandal ang sarili sa backseat. Kakauwi niya lang galing sa ibang bansa matapos siyang utusan ng kaniyang ina na dumalo sa isang afternoon meeting na kasama ang kanilang mga foreign investor.

Bago niya pa nga lang inasikaso ang sponsorship sa Olympics kaagad naman siyang tinulak nito sa afternoon meeting. Pagod na pagod siya. Nais na niyang magpahinga.

"Asnael, come to the house right now. Your sisters are here too," her mom said on the line.

"What for? Pagod ako. Hindi ba ako puwedeng magpahinga kahit saglit?" inis niyang sabi.

It was her mom's order to sponsor all the athletes joining in the Olympics 2024. Hindi niya alam kung bakit iyon ginawa ng kaniyang ina at wala rin siyang ganang malaman iyon.

After what happened two years ago, he had already lost the motivation to compete with his siblings and just became a high-level errand boy for his parents.

"Come here!" her mom insisted. Umalingawngaw ang matinis nitong boses. "Hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo? Hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahagilap!"

He rolled his eyes. "Do you even taught us to care about our siblings?"

"What? How da--"

"Fine. I'm coming." Hindi na niya ito pinatapos at pinatay ang tawag.

Inutusan niya ang driver na dumiretso na sa Laurien mansion. Wala dapat sa plano niya ang umuwi at makipagplastikan sa mga kapatid niya pero hindi naman siya titigilan ng kaniyang ina kapag humindi siya. He might as well deal with it.

Pinikit niya ang mga mata para umidlip dahil dalawang araw na siyang hindi pa nakakatulog. Susubukan niya ulit ngayong araw. Baka sakaling patatahimikin na siya ng utak niya. At baka sakaling maibsan nang kaunti ang eyebags niyang lumubo na sa laki.

Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin talaga siya nilulubayan ng mga memorya.

Nakakapagod. Gabi-gabi na lang dinadalaw siya ng mga bagay na ayaw na niyang maalala.

His phone beeped because of a notification.

It was from her sister.

Azaliah:
Hey! Can you hurry a little? Kanina pa kami naghihintay sa 'yo. Stop being so important as if you are someone special!

Author's Note (The Villain Series 1)Where stories live. Discover now