Kabanata 38

2K 137 43
                                    

PIGIL-TAWANG naglalakad ngayon palabas si Adamas kasama si Logan at Gonietta. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Mahigit apat na oras na ang lumipas matapos mahulog sa hagdan si Azure pero tawang-tawa pa rin siya. His mind kept on replaying how Azure's face kissed the stairs.

That must have hurt so bad. Pfft.

Hindi na niya napigilan ang sarili at humalakhak. Ang tawang niyang literal na 'haha' ay umalingawngaw sa paligid.

"What's wrong with you, Mr. Adamas? Kanina ka pa tumatawa," takang tanong ni Logan.

Nanatili namang tahimik si Gonietta. Nagulat pa nga siya dahil sumabay ang babae sa kanila. And seeing her emotion, she missed the guy who had been so distant from her lately. Gusto nitong kausapin si Logan pero nahihiya itong magsalita.

Pinagigitnaan niya ang dalawa kaya umalis siya at nagpunta sa gilid ni Logan. Tinulak si Logan habang tumatawa pa rin upang magkalapit ang dalawa.

Sabay itong napadaing nang mabangga sa ulo ni Gonietta ang pisngi ni Logan. Nasobrahan yata ang pagkakatulak niya.

"Ah, sorry," paumanhin kaagad ni Logan at lumayo.

"O-okay lang." Napakamot si Gonietta. Naglakas-loob itong lingunin si Logan at nagsalita. "Ahm, may progress na pala sa comic. Nakatapos na ako ng dalawang episodes."

"Really? That's great then." Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ni Logan.

Napakunot ang noo ni Adamas dahil parang may iniinda ito. Napansin din ito ng babae.

"Ayos ka lang ba?" Tumigil ito sa paglalakad. Nilapat nito ang palad sa noo ng lalaki. Kaagad na kumunot ang noo nito. "Ang init mo. Mukhang nilalagnat ka na naman yata."

"What?!" sigaw niya at ginaya rin ang ginawa ng babae. Sa sobrang lakas ng pagkakalapat ng kamay niya muntik nang matumba si Logan.

"Aray naman."

He tilted his head because he couldn't distinguish what a sick person should feel like. Kaya ang ginawa niya, nilapat niya rin ang isang kamay sa noo ng babae. Pinakiramdaman niya ang kaibihan ng kanilang temperatura.

And Gonietta was right, Logan's temperature was higher.

"Shit! This is what I've been telling you! You're draining yourself again!" sigaw niya sa lalaki.

"I'm fine--"

"You're not!" Tinulak niya si Gonietta palapit kay Logan. "Do something. Get that fever out from him."

"Ay, ano tingin mo sa akin? May powers?" inis nitong sabi bago tiningnan si Logan. She held his arms. "You should get some rest."

"I will." Inalis kaagad nito ang kamay ng babae at naunang maglakad.

Pinagmasdan niya ang babae na matigilan sa ginawa ni Logan. Muling nabalot ng kalungkutan ang emosyon nito kaya bahagya niyang siniko ang braso nito.

She gazed at him.

"Have you realized something now?"

"Huh?" taka nitong tanong. "Realize what?"

He sighed. "Wala."

Akala pa naman niya napagtanto na nito ang nararamdaman. She was denser than he thought. Mabigat ang mga yabag niyang naglakad. Pero bago pa siya makahabol kay Logan, tumakbo si Gon papalapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso.

"Adamas."

"What is it?"

"What should I do? How can I make it up to him?" mahina nitong sabi habang pinaglalaruan ang tela ng kaniyang robe.

Author's Note (The Villain Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon