Special Chapter

78 1 0
                                    

"Zyrel! Don't push me like that! Nasasaktan ako!" Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil sa kakulitan ng magkapatid.


"Tita Victoria is here!" Sigaw ni Zyn.

Napatingin ako sa pintuan namin at nakita ang kaibigan ko, nakasuot siya ng suit na itim at nakasumbrero na itim. The Queen Of Vampires, I miss her.

Lumapit ako kay Christoffer at kinuha si Ace na umiiyak.

"Zyrel, that's bad. Ate mo 'yan," pagsasaway ko sa pangalawa kong anak na lalaki.

"Gail, Hinay hinay lang sa pag gawa..." Biro ni Victoria nang makalapit ako sa kan'ya.

Nagpakarga sa kaniya si Ace, agad niya naman itong kinuha. Nakakalungkot lang na hanggang ngayon ay wala pang baby si Victoria... Gusto niya sa mga bata ngunit hindi naman siya pwedeng magkaroon ng bata nang walang nobyo o nagugustuhan.

"Tita, I miss you!" Niyakap ni Zyn si Victoria, ngumiti naman ng maikli si Victoria sa anak ko.

"Tita, I miss you!~" Gusto kong matawa dahil sa pang aasar ni Zyrel sa kan'yang Ate. May kalandian ang boses ni Zyrel nang gayahin niya si Zyn.

"Mommy oh!" Pag susumbong naman ng isa.

"Vic-to-ri-ya," Napatingin naman ako sa mag-tita. Nakatingin si Ace sa labi ni Victoria na parang mine-memorize niya ang sinasabi nito.

"Vitoya! Tata Vitoya!" Proud na sigaw ni Ace, natawa nalang kami ni Victoria dahil sa narinig.

"Yey! You did it, Ace!"

"No, He's not!"

Napatampal nalang ako sa noo dahil sa narinig na naman ang pagtatalo nila Zyrel at Zyn.

Nagpaalam si Victoria na aalis siya at pupunta siya sa mundo ng mga Bampira dahil may kailangan raw siyang asikasuhin.

Nandito kami ngayon sa isla na binili ni Christoffer, malaki ang binili niyang isla at hindi pa nakuntento bumili pa ng tatlo para raw kila Zyrel, Zyn, at Ace.

Nakatulog si Ace sa bisig ko kanina pagkaalis palang ni Victoria kaya makakapagpahinga na'ko.

Pumunta ako sa kusina at naabutang nagluluto si Christoffer doon, ngumiti ako at niyakap siya mula sa likod.

"Pagod kana ba?" Tanong ko sa malambing na boses.

Natawa ako ng mahina nang maramdaman kong nagulat siya sa ginawa kong pagyakap, humarap siya sa'kin at hinalikan ang noo ko.

"Yes, Baby... But para sainyo kakayanin." Ngumiti siya, pinatakan ko siya sa labi ng halik.

Kita ko ang gulat ni Christoffer dahil sa ginawa ko dahil first time ko itong nag first move ako ng halik.

"I love you, Mon Amour." He said sweetly.

"Mahal din kita, Mahal ko."

Nang matapos ang niluluto niya ay tinawag ko na ang dalawa kong makulit na anak.

"How was your school, Zyrel and Zyleene?" Rinig kong seryoso tanong ng kanilang Ama.

Tumikhim si Zyn, tumingin naman ako sa kaniya. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita,

"My professor said top 1 si me." Ngumiti kaming dalawa ni Christoffer dahil sa narinig, napatingin naman kami kay Zyrel na tahimik.

"You got zero again?" Malambing kong tanong.

Tumango siya kaya natawa ako.

"'Wag ka mag alala, may chance pa naman para bumawi. Hindi mo kailangan i-stress yung sarili mo, Zen Yariel." Ngumiti ako sa kaniya at tinanguan siya para kumain.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN TRILOGY#1)Där berättelser lever. Upptäck nu