Ang Simula

32 8 2
                                    

Ang Simula

Ang buhay ay isang sugal,
Dalawa ang patutunguhan.
Maaari kang manalo,
Maaari ka ring matalo.


"May pera ka pa ba riyan, anak? May bayarin daw si Anna sa school e, walang-wala talaga ako ngayon.

"Anak, talo ako sa sugal, eh. P'wede bang ikaw muna ang magbayad sa bill ng kuryente?"

"Manang, wala ng maintainance si nanay. Isang linggo na siyang hindi umiinom ng gamot, sabi ng doctor hindi raw pup'wede 'yon."

"Manang, kailan ka magkakapera? Nakakainggit kasi bagong bag ng kaklase ko, gusto ko rin magkaroon no'n."

"Manang, want ko sanang sumama sa outing ng barkada... kaso wala akong pera, eh. Mayro'n ka ba?"

Paulit-ulit na lang. Puro manang, anak... nakakasawa na. Hindi ako robot, tao rin ako na nakakaramdam ng pagod. 

Wala namang masama sa mga pinagsasabi at hinihingi nila, eh. Alam mo kung ano ang masama? 'Yon ay ang mas nagawa pa nila ang humingi sa akin agad kaysa sa kamustahin ako. Kung okay lang ba ako, o kung kamusta ang araw ko. Simpleng pangungumusta, ipagkakait pa ba nila? 

Hanggang kailan ganito? Hanggang kailan ako magpapanggap na maayos ako kahit kabaliktaran naman ito sa tunay na nararamdaman ng aking puso?

All I want is to have simple happiness in life. All that I'm asking for are some cups of eudaimonia.

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now