Ikaapat na Tasa

8 3 0
                                    

Ikaapat na Tasa

Psalm 119:114,
"You are my hiding place and my shield; I hope in your word."


"NARIRINIG mo ba 'yan sarili mo, Eduardo? Nababaliw ka na ba?" galit na tanong sa kaniya ng aking ina. Nasa labas pa rin ako, nakikinig sa pagtatalo nila. 

"Rosaryo, ang aking lang naman... hayaan mo munang 'di makapagbayad si Ading sa tuition niya. Pag-aaral niya iyon, reputasyon n'yang maghanap ng pambayad para makapag-exam." Sumikip ang aking dibdib sa sinabi ng aking ama. 

Sa halip na magdrama, nagawa ko ang pumasok sa'ming bahay. 

"May dala akong pagkain, kain na tayo," mahina kong sabi na pareho nilang ikinagulat. 

"Ading." Si nanay. 

"Sila Anna at Eya, nasaan?" wala sa sarili kong tanong. 

Nanatili pa rin ang tingin nila sa'kin, lalo na ng aking ama. 

"Inutusan ko muna sa bayan," saad niya. "Kanina ka pa ba sa labas?"

"Kararating ko lang po," tugon ko, saka inilapag ang pagkain sa mesa. Mukhang iba yata ang pagsasaluhan namin ngayon. "Saan po kayo pupunta?" tanong ko sa'king ama nang mapansin ko ang paghakbang nito. "Ayaw niyo pa bang kumain o ayaw niyo akong makasama habang kumakain?"

"Anak," awat sa'kin ni nanay. 

"Ikaw, 'Tay..." Napalingon sa'kin ang aking ama. Kitang-kita ko ang pagkailang niya. "'Di ba kayo ang haligi ng tahanan na ito? Bakit hindi mo napapansin na unti-unti ng nagigiba ang tahanan mo?"  

"Mamaya na ako kakain–"

"Haligi ka ng tahanan... kaya ikaw dapat ang magsilbing pundasyon nito, hindi iyong inaasa mo sa aming mga anak mo ang tungkuling ikaw dapat ang ta-trabaho." 

"Adira, tama na." Naramdaman ko ang hawak ni nanay sa'king balikat. Hindi ko siya pinansin, nasa kay tatay pa rin ang aking atensyon na ngayo'y galit na sa'kin. 

"Nakapag-aral ka lang, ang taas na ng tingin mo sa iyong sarili. Kung tutuusin, wala ka kung wala ako!"

"Mas gugustuhin ko pa iyon–" pigil kong tugon nang akmang sasampalin niya na sana ako. 

"Aba't ang bastos ng batang 'to, ah!"

"Eduardo!" pigil ni nanay sa balak niya. "Sa oras na dumapo 'yang kamay mo sa anak ko, patawarin ako ng Diyos–at manlalaban talaga ako," halos naputol na ugat na sigaw ni nanay. 

"Sigi, kampihan mo ang bastos na 'yan. Kaya lumaki ang ulo kasi kinukunsinti mo."

"Kasi may kasalanan ka rin–"

"Ako pa talaga?"

"Tama na." Hindi nila ako pinakinggan. 

"Ikaw naman... t-talaga–" 

Napalingon naman ako sa'king likuran nang makita ko si nanay na nahihirapan ng huminga. Agad ko siyang dinaluhan lalo na't napaupo na ito sa upuan sa likuran niya. 

"'Nay? Nanay!"  nababaliw kong sigaw nang mag-iba ang postura ng kaniyang mukha. Nasasaktan, nahihirapan. 

"A-aray..." impit niya sa sakit. 

"'Tay, si nanay," pagmamakaawa ko. 

Nanatili lang siya sa kaniyang p'westo, tila siya'y nanonood lang ng palabas at walang pake. Mas nagulat naman ako sa sunod niyang sinabi. 

"Painumin mo lang iyan ng tubig at ako'y pupunta muna sa'king mga amego–"

"Po?" gulat kong untad. "'Tay, naman!"  Hindi ko mapigilan ang aking mga luha nang nagsilabasan ito. Kaba ang bumabalot sa'kin ngayon kasama ang maraming tanong. "'Nay,  tang*na." 

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now