Ikapitong Tasa (Part-II)

4 1 0
                                    

Ikapitong Tasa (Part-II)

I FELT the waves touching my skin. Napangiti naman ako nang naramdaman ko ang lamig nito. Babasain ko na sana ang aking sarili sa tubig nang may isang pamilyar na taong biglang tumawag sa'king pangalan. 

"Adira?" patuloy niyang tawag sa'kin pero 'di ko ito pinansin. "Adira, wake up. Umaga na, may exam pa tayo–" I opened my eyes surprisingly when I heard those words. 

"Oh my god!"  I was hazed. 

"What?" natatawa niyang tanong. 

Nakaupo siya sa upuang katabi ng kamang aking hinihigaan. Samatala ako, nakabaluktot pa rin sa kumot. 

Ibinalik niya kasi ako rito sa nipa hat niya dahil sa nangyari kagabi. And until now, 'di ko lubos akalain na mayroon din pa lang k'wartong nakatago ang pintuang tinutukoy ko... Akala ko, kusina lang. 

Because of what happened yesterday, naging way iyon para mas lalo akong makilala ni Jepoy. Though nakakahiya ang eksenang nasaksihan niya, wala na akong magagawa kasi natapos na. 

I focused my look at him, hindi ko naman maiwasang mahiya sa'king sarili nang mapansin kong nakaligo na ito. His bangs were scattered presentable in his head. Naka-plain white t-shirt lang siya na v-neck 'tsaka naka-kulay itim na pajama. 

I can't deny, but his goddess face was emphasised because of that. Natauhan naman ako sa'king iniisip nang maubo siya. 

"A-ang mga task, 'di ko pa natapos... Kapag wala 'yon, 'di ako m-makakapagbayad–" nauutal kong wika. Nagmamadali naman akong babangon na sana sa kama nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa'king kaliwang braso. 

"Hey, easy. Relax, okay?" pagpakalma niya sa'kin gamit ng mahinahon na boses. Nagawa niya namang basain ang kaniyang manipis na labi. "Natapos ko na lahat. You don't need to worry about it," he said, calmly. Lumaki naman ang aking mata sa narinig. 

"Lahat? Seryoso?"

"Yeah? Ang alalahanin mo na lang for today is 'yong exam natin."

"Salamat, Jepoy, ha? Hindi ko talaga alam kung ano gagawin kapag wala ka," buong puso kong pasasalamat sa kaniya. 'Di niya naman maiwasang itago ang ngiti sa kaniyang labi. 

I don't know but I keep asking myself why God let me met this unexpected man. I mean... king tutuusin wala sanang paki sa'kin ang lalaking 'to pero kung makapag-alala siya sa akin ay daig niya pa ang aking pamilya. 

Now I understand why humans love to jam with animals more than man. And I understand myself too, why I love being with Jepoy more than my father. 

"Huwag ka ng magdrama, bumangon ka na riyan para makakain ka na. At daan tayo sa simbahan para magdasal... bago tayo mag-exam para gabayan man lang tayo ng Diyos," he commanded. Natuwa naman ako sa'king iniisip nang marinig ang salitang 'Diyos' mula sa kaniya. 

Bakit ang lapit ng loob niya sa Diyos kung minsan na rin siyang naguluhan sa buhay? Sana... Sana magawa ko rin 'yon. 

GINAWA KO LAHAT ng habilin ni Jepoy sa akin para makapasok na kami sa school. Nagawa rin namin ang dumaan muna sa simbahan para makapagdasal man lang kahit papaano. 

It's all new to me, like kung hindi ko pa siya nakilala ay hindi ko gagawin ang lahat ng 'to. But through his effort, nagawa ko na mga bagay na akala ko hindi ko na mararanasan. 

He introduced God into my life and made me become the blessed human in the world. I always thank him for waking my faith unto me. 

I have learned that when God is with me, I can do all things, even the impossible ones. 

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now