Unang Tasa

44 6 4
                                    

Unang Tasa

Psalm 31:24,
"Be strong, and let your heart take courage, all you who wait for the Lord!"


SCHOOL, BAHAY, TRABAHO.

Napapunas ako sa pawis na dumadaloy sa gilid ng aking mukha. It's too early in the morning pero ang pawis ko'y tila ang taas na ng sikat ng araw ang tumama sa akin.

Sanay na akong pagpawisan, sa katunayan nga ito na ang nakagisnan ko. Pawis, kapalit ang pera.

"Makakahabol ka pa kaya sa klase mo, Manang?" Napalingon ako sa aking gilid. Hindi ko naman mapigilang 'di mapangiti nang makita ko ang aking mga kapatid.

They're patiently waiting for me para sabay kaming makapasok sa klase. Pero malabo iyon.

"Oo naman," sagot ko sa kapatid. "Sigi na, tatapusin ko lang 'to. Mauna na kayong pumasok sa akin." Tumango naman siya agad gawa ng aking sinabi.

"Sigi, Manang, mag-ingat ka," tugon niya. Ang ikalawa ko namang kapatid, tipid na ngiti lamang ang nagawa. Siya ang pinakatahimik sa aming tatlo.

"Mas kayo ang mag-ingat. Sya, kilos," utos ko sa mga ito na siyang kinakilos nila agad.

Nang tuluyan nilang nilisan ang lugar, tumigil ako sa paglilinis ng mga isda. Marami-rami na rin ang aking natapos.

I used to have this job-a part time one. Sa tuwing wala akong pasok, naging suki ako ng palengke. Napangiwi naman ako nang napagtanto ko ang lahat. Ine-enjoy ko sana ang pag-aaral ko, pero malabo 'yon.

Kids who's only studying without doing other stuffs just to survive life are too lucky. I mean... ang s'werte nila kasi sa pag-aaral lang sila abala.

Napabuntonghininga ako nang isang isda na lang ang kailangan kong linisin. Sana hindi pa ako late.

"Oh, ano, Ading? Kaya pa?" tanong sa akin ng taong may-ari ng isdang nililinis ko. Sa tindahan niya ako madalas rumacket.

"Aba'y oo naman, Mang Mario. Ako na 'to, eh," lakas loob kong tugon, tila 'di iniinda ang pagod. Tumango naman siya sabay ngiti.

"Oh sya, ito na bayad nang makapasok ka na." Saka inabot sa akin ang 100 pesos. May pang baon na ang mga kapatid ko.

"Salamang, Mang Mario. Bait mo talaga, sana kunin ka na-"

"Alam ko na sasabihin mo, 'wag mo ng ituloy," natatawa niyang putol sa 'king sinabi.

"Kaya malakas kayo sa 'kin, eh. Sigi po salamat ulit!" pasalamat ko ulit saka dali-daling kinuha ang gamit ko sa gilid para makapasok na sa school.

Palihim kong inamoy ang aking sarili. Sakto lang, 'di pa ako mabaho.

Wala akong sinayang na oras at kumaripas ng takbo para makaabot sa aking klase. I hope, makakahabol pa ako.

"MISS ORLANDEZ, late ka na naman!" Kinagat ko nang mariin ang aking labi nang makatayo ako sa may pintuan ng aming silid.

"G-good morning po, Miss," nahihiya kong bati sa kaniya. Ramdam ko naman ang matutulis na tingin sa 'kin ng aking mga kaklase.

"Ilang beses na 'to, ha. Sa susunod na uulitin mo pa, mas maiging i-drop mo na lang ang subject na 'to. Irresponsable," pangaral niya. Ramdam ko naman ang pagkadismaya sa kaniyang boses, as usual.

Sa halip na patulan siya, maingat kong pinasok ang silid na tila walang narinig.

When Satan is angry, just leave it to God.

"Ano'ng pahina?" I asked my seatmate nang makaupo na ako sa aking upuan.

"36," maikli niyang tugon. "Are you not tired of having a sideline while studying?" Napatigil naman ako sa tanong niyang iyon.

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now