Ikasiyam na Tasa

5 2 0
                                    

Ikasiyam na Tasa

Romans 12:12,
"Rejoice in hope, be patient in tribulation, be constant in prayer."


IT ALMOST an hour waiting for mother to be back at my father's room. 

Kanina pa ako paikot-ikot na tila 'di mapakali kung ano ang pinag-uusapan nila ng doktor ni tatay. Pupuntahan ko na sana siya kaso pinipigilan ako ni Anna. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita si Eya rito. Siguro wala sa plano niya ang pumunta kahit nakiusap na si Anna sa kaniya sa telepono. 

"Want mong magkape, Manang? Ipagtitimpla kita," basag niya sa katahimikang namamayani sa'min. Umiling ako. 

"No. I'm okay. Baka lalo akong kabahan sa pakape mo." 

Nagawa niya akong lapitan. Nakaupo kasi siya sa tabi ni tatay, naghihintay na magising ito. 

I always hope that I was like Anna. Kahit alam niyang hindi naging mabuti si tatay sa'min, marunong pa rin siyang rumespeto rito. Ang katangiang taglay niya, kabaliktaran sa'kin. Kung siya kaya niyang kalimutan lahat, ako hindi. 

"Alam kong nag-aalala ka sa gastos," salitang nag-udyok sa'kin na balingan siya ng tingin. She let out a deep breath. "Kahit ako, nag-aalala rin. Pero may Philhealth naman si tatay, kaya kaunti na lang ang need nating idagdag na pera." I nodded. Wala akong ganang magsalita, gusto kong manahimik muna.

"Manang, ayos ka lang ba talaga? Napapansin ko, tila wala ka sa huwesto mo ngayon..." I cleared my throat. 

"Paano mo nagawang maging okay sa kabila ng mga nangyayari? I mean... bakit hindi mo magawang magalit kay tatay kahit hindi siya naging mabuting ama sa'tin?"

"Respeto, Manang..." mahina niyang tugon. Umayos ako ng tayo para mapakinggan nang maayos ang nais niya pang sabihin. "Iyan ang pinanghahawakan ko. Sa ngalan na ama natin siya, kailangan pa rin natin siyang e-respeto at igalang." 

Dumako ang tingin niya kay tatay lalo rin ako. Hindi ko naman mapigilang 'di maglabas ng bunton ng hininga.

Mahimbing itong natutulog, para bang wala sa plano niya ang gumising. Siguro malalim ang pagkasaksak sa kaniya kaya siya gan'yan. Gusto ko nang makausap si nanay para masagutan ang ilan sa mga katanungan ko. 

Nang mapansin kong wala na siyang sasabihin, saka pa ako nagsalita. 

"Sana kagaya mo ako. Pero no'ng nakita ko kung paano niya tayo tratuhin at si nanay, doon ako nawawalan ng respeto sa kaniya. Dumagdag pa ang ginawa niya kay Eya," I said using my toneless voice. 

Siguro masyado ko lang dinibdib ang lahat ng nangyari kaya wala nang natirang respeto sa'kin para sa aking ama. Ayaw ko sa ganitong pakiramdam kasi feeling ko ang selfish ko na. 

Natigil ako sa'king mga iniisip nang magsalita ulit si Anna na siyang aking ikinalito. 

"Iyang nasaksihan mo ay malayo lang sa nasaksihan ko. Ako ang laging nasa bahay... at tanging ako lang ang nakakaalam sa buong kwentong 'di niyo man lang inalam."

Naiwan akong tulala sa aking narinig mula sa kaniyang bibig. Her words haunts me. Gusto kong magsalita pero 'di ko alam kung papa'no. Para akong napipi sa sandaling ito. 

Ang sunod ko na lamang narinig ay ang yabag ng kaniyang mga paa papalayo sa akin. 

Mayroon kayang mga 'di kaaya-ayang pangyayaring naganap sa bahay sa mga oras at araw na wala ako? Posible.

IT WAS LATE IN THE EVENING when Jepoy asked me to meet him outside the hospital. Hindi ko rin alam kung bakit dito at ayaw niyang pumasok sa loob. Hindi ko naman maiwasang 'di maging nega sa mga kinikilos niya. 

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now