Ikatlong Tasa

13 2 0
                                    

Ikatlong Tasa

Deuteronomy 31:6,
"Be strong and courageous. Do not fear or be in dread of them, for it is the Lord your God who goes with you. He will not leave you or forsake you.”

PALAGI kong naalala ang verse na 'yan sa bibliya, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito kakapitan.

"Manang?" Napalingon ako agad nang marinig ko ang aking kapatid. Nagbuga ako ng isang malalim na hininga saka siya tinugon. 

"Anna," tawag ko pabalik. "Gabi na, dapat magpahinga ka na... Maaga ka pa bukas."

Umupo siya sa aking tabi gawa ng aking sinabi. Narito kami sa labas ng aming bahay kung saan tanaw na tanaw ko ang kabilugan ng buwan. Nanatili lang ang tingin ko rito. Ang mga bituin nama'y malayang nagningning ang repleksyon nito sa aking mga mata. 

"P'wede mo 'kong paglabasan ng sama ng loob... hanggang sa maging okay ka." My lips parted from what I have heard. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa kapatid. 

"Ayos lang ako, Anna," walang gana kong tugon. Umiling-iling siya tila 'di sang-ayon sa'king palusot. 

"Hanggang kailan ka magpapanggap? Hanggang kailan mo tatakpan ang tunay mong nararamdaman?" I cleared my throat. 

"Ikaw na lang ang inaasahan ko, Anna. Sana'y huwag kang gumaya kay ate Eya mo," sermon ko, hinawakan niya ang aking kamay. 

"Ikaw rin ang inaasahan kong makakaahon sa atin sa hirap, Manang. Isang taon na lang, ga-graduate ka na." Napangiti ako nang mapait. 

Pilit kong itago ang tunay kong nararamdaman kasi ayaw kong pati ang batang 'to'y mag-alala para sa akin. 

"Matagal mo na bang alam ang tungkol sa ate Eya mo at ng syota n'ya?" I asked. Nag-iba naman ang reaksyon ng kaniyang mukha saka tumango. "Bakit 'di mo sa'kin sinabi?"

"Ayaw kong dagdagan ang problema mo, Manang. Ang dami mo ng iniisip kaya pinili kong ilihim na lang muna."

"Bakit hindi mo siya pinigilan. I mean... sana man lang sinabi mo kay Eya na masama ang ginagawa niya–"

"I did it po. Ginawa ko lahat pero bunso ako, e. Wala akong karapatan na diktahan siya." Naramdaman ko ang lungkot sa kaniya boses. 

I sighed, hinawakan ko ang kamay niya dahilan ng mapatingin siya sa akin. 

"Anna, kapatid ka niya... kaya may karapatan kang sermonan ang ate Eya mo lalo na sa masamang gawain." She forced to smile. 

"Sana gano'n kadali, Manang," aniya. Kumirot naman ang dibdib ko sa sunod kong narinig mula rito.  "Hindi ka ba napapagod?" Tanong na nagpakunot ng aking noo. 

"Saan?" She smirked. 

"Sa lahat." Bumitaw siya sa hawak ko at isinandal ang ulo sa pader ng aming bahay. "School, bahay, trabaho... lahat na lang nakapasan sa'yo. Pati responsibilidad na mga magulang dapat natin ang gumawa, nasa sa'yo na." Nilingon niya ako, umiwas agad ako ng tingin. 

"Bata ka pa, Anna, hindi mo pa alam ang tunay na kahulugan ng buhay para mabuhay."

"Pero alam ko kung ano ang ginagawa mo, Manang Adira. Alam ko na nahihirapan ka na, hindi ako bulag," gigil niyang sabi. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko ito pinansin. 

Ilang sandali pa, laking gulat ko na lamang nang bigla siyang tumayo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin kasabay ang pagyakap niya ng mahigpit sa akin. 

"Kung may ipagpasalamat man ako, ikaw 'yon," maluha-luha niyang sabi. Dahil sando lang ang suot ko, ramdam ko ang butil ng luha niyang tumulo sa aking balikat. Napapikit naman ako sa aking nabatid. 

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now