Chapter 1

43 2 0
                                    

Hindi na nagpaliguy ligoy pa si Blue. "Mr. Monserati," aniya. "Your company is going down. I want to buy it."
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ng businessman. Half Italian-half Filipino ito, CEO at founder ng Worldnet, isang malaking manufacturer ng computer chips sa bansa.
Ang Worldnet ay pinakabagong kompanyang pinag-iinterasan niyang bilhin para idagdag sa grupo ng mga kompanyang pag-aari niya---ang Blue Chips, Incorporated. If he got Worldnet, he would become a force to reckon with. Dodominahin niya ang computer business ng bansa, at walang makakapigil sa kanyang mga plano.
Dumukot ang businessman ng panyo mula sa bulsa ng suot na amerikana at pinahid ang pawis sa noo. Gusto niyang maawa rito, pero mayroon siyang ibang agenda na dapat masunod at matupad. Hindi siya maaaring madala sa awa. It was nothing personal. Worldnet was in deep shit. Kung hindi man siya ay maaaring ibang kompanya ang mag-take over doon. He was offering Monserati a good deal of money for the sale.
"Carlos, alam mong napakalaki ng offer ko sayo. Take it and live in comfort for the rest of your life with your family. Aalagaan ko ang kompanya mo. Ipinapangako ko yan. I will make it bigger and better than it is now."
Umiling-iling ito. "Hindi pera ang pinag-uusapan dito, Blue. Ang kompanyang yan ang tanging maipapamana ko sa aking anak.
Nanggaling yan sa aking sariling pagsisikap, sa aking dugo at pawis. Inaasahan kong mamanahin sana ng aking anak at mga apo ang pamamahala sa Worldnet."
Bumuntong hininga siya. "Naroon na tayo, Carlos, pero sana ay maging praktikal ka. Nanganganib na bumagsak ang kompanya mo. Outside, it looks strong and solid, but it is infact heavenly loaned and mortgaged to the hilt. Ang tanging makakasalba nito ay kung hahayaan mong may mag-infuse ng malaking capital para muling makabangon ang operasyon. In order for it to survive competition, the company needs the latest state-of-the-art computer equipment and machinery. Handa akong ipagkaloob ang tulong na yan."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Tulong? Do not try to sugarcoat the real deal, Blue. You are forcing me to sell my company to you! At kung hindi ako pumayag, alam kong di mo ako titigilan. Mas malakas ka sa ngayon."
"Wala akong balak maging mahina, Carlos," aniya na nilangkapan ng babala ang tinig. He wanted to finish the deal fast. Wala na siyang balak makipagsentemyento. "Look, mas gugustuhin mo bang bumagsak ang kompanya mo? Maraming mawawalan ng trabaho at mas malaki ang malulugi sayo kung magde-declare ka ng bankruptcy."
Malungkot na tumango ito, mayamaya ay tiningnan siya ng matiim. "Alam mo, puwede kong ialok sa market ang kompanya at ipagbili sa highest bidder."
Ngumiti siya nang buong kumpiyansa. "Alam mong ako ang highest bidder, Carlos. Sino ang siraulong sasalo sa sangkaterbang loans ng kompanya mo? You are barely holding up and you know it. Kung hindi ko binoboost sa media ang imahe ng kompanya mo, tuluyan na sana itong bumagsak. The fact that I am expressing an interest to buy your company is the only reason why the suppliers and clients still trust you. Kapag binitiwan kita ngayon, para kang ibon babagsak sa lupa ng walang pakpak. You understand what I'm saying Carlos? So, cut your losses now and take my offer. It's the best one you got under the circumstances." Nasukol ito at alam niya yun. Wala na itong mapagpipilian. He had him at the balls, but he underestimated his survival skills.
"Alam mo, Blue, pinahanga mo ako nang lubos sa galing at pagkatuso mo sa negosyo. I would have want to have a son just like you. But I only have one child, a daughter, who right now shows no interest in running in succeding me in this business."
Bumuntong hininga ito. "Matanda na ako, Blue. Ang totoo niyan ay pagod na din akong maging pangulo ng kompanyang ito, lalo't napakalaki ng problemang kinakaharap nito ngayon. Ang tanging inaalala ko ay ang aking anak. Gusto kong makasiguro na kahit ikaw na ang namamahala sa kompanyang ito ay mayroon pa ring karapatan ang aking anak sa pagmamay-ari nito."
"Walang problema, Carlos, Ilalagay natin sa ayos ang lahat ng 'yan. Mag-iiwan ako ng five percent sa pangalan mo. Consider it as a gift. You will still be a stockholder."
"Hindi lamang basta kontrata ang nais ko, Blue."
Umarko ang mga kilay niya. "Ano pa ba ang puwede mong panghawakan bukod sa isang kontrata, Carlos?"
"Mayroon. Gusto kong ang panghahawakan ko mula sa 'yo ay ang karangalan mo mismo. I want your honor at stake."
"My honor? In what way? I am an honorable man in all my business dealings. Kung mayroon man akong nasasagaan ay dahil ganoon lang talaga ang kalakaran ng mundo ngayon. Matira ang matibay. This is purely business, nothing personal."
"Not to me. This company holds a deep sentimental value to me and to my wife. Kahit hindi na ako ang may-ari nito ay gusto kong manatili pa rin ito sa aking pamilya. Kahit sa pangalan lang."
Naiinip na ngunit nagpapasensiya pa rin siya. "I don't think you can have it both ways. I'm sorry."
"I have a very beautiful daughter, Blue."
"Ano naman ang kinalaman niya sa usapang ito?"
"You can marry her and we are even. Ibebenta ko sa 'yo ang Worldnet maski bukas na bukas din."
Saglit siyang natigilan, pagkuwa'y bumanghalit ng tawa. "Nagbibiro ka ba, Carlos?"
Umiling ito, seryoso ang mukha.
Tumigil siya sa pagtawa. "At kung hindi ako pumayag?"
Nanatiling seryoso ang mukha nito.
He suddenly felt like treading on thin ice.

בלוי דעל ראָסאַריאָWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu