Chapter 7

3 2 0
                                    

HINDI nahirapan si Helaena na hanapin ang opisina ni Azul del Rosario. It had a screaming expensive address.
Pumasok siya sa ultramodern lobby ng opisina at masiglang binati siya ng napakagandang babae sa reception table. Sa glass backdrop sa likuran nito ay nakaukit ang mga salitang Blue Chips, Incorporated. Nakatutok doon ang mga halogen lights. Simple and stark, but very expensive, iyon ang tipo ng interior ng opisina.
She felt like she was in New York. Talagang napakayaman ng lalaking iyon kung kaya nitong magrenta ng dalawang palapag sa Makati Stock Exchange para gawing opisina nito. Natigilan siya. The thought suddenly occurred to her. Napakarami niyang hindi alam tungkol sa lalaking nakatakdang mapangasawa niya.
"I'm looking for Mr. Azul del Rosario. Is he around?" nakangiti ring tanong niya sa receptionist.
"Do you have an appointment, Ma'am?"
"Ah, I'm afraid none. Pero kung nariyan siya ay sabihin mong narito si
Helaena Monserati. I'm sure he would want to see me."
"Ahm, one moment, Ma'am." May pinindot ito at mayamaya pa ay may kausap na ito sa intercom. Ilang minuto pa at may lumapit ditong isa pang babae. "Shiela, please bring Miss Monserati to Miss Bradshaw's office," anito rito.
"I'm here to talk to Mr. del Rosario, not with anybody else," pormal ngunit mariing sabi niya. Ayaw niya sa lahat iyong pinagpapasa-pasahan siya. Nagsimula na siyang mairita.
"Ma'am, Miss Bradshaw is Mr. del Rosario's personal assistant. She decides who can see the boss and who can't," magalang na paliwanag naman ng receptionist.
She debated between giving the receptionist a dose of her nasty temper but she decided to restrain. Wala pa siyang karapatan.
Walang imik na sumunod siya kay Shiela. Inihatid siya nito sa isang malawak na opisina. She could see all of Makati from glass panels that lined almost all sides of the room.
"Hello."
Napalingon siya sa tinig na iyon. So Miss Bradshaw was her husband-to-be's personal assistant. She certainly looked the part. Sophisticated and self-assured. She saw it in her direct gaze and confident stance. And she was gorgeous woman, tall, curvaceous and had a crop of short, blonde hair that framed her pretty face to perfection. Marahil ay Filipino-American ito. She felt uneasy around the woman. Naguluhan siya sa kanyang naramdaman. Bakit kaya ganoon gayong wala naman itong ginagawa sa kanya?
"Please sit down, Miss Monserati. I am Savanna Bradshaw, Mr. del Rosario's personal assistant." Iniabot nito ang kamay nito at napilitan siyang tanggapin iyon. Naanlinsanganansiyang hindi niya maintindihan. "Gusto kong makausap si Mr. del Rosario. Narito ba siya?" She did all she could to make her voice casual.
Ngumiti ito at umupo sa likod ng executive table nito. She looked straight into her eyes. "Ano ang kailangan mo kay Mr. del Rosario, Miss Monserati?"
Natigilan siya. The woman was smiling at her, but to sweetly fot comfort. She knew when she was being sized up. Instinctively, alam niyang tama ang nararamdaman niyang pangingilig dito. She saw through her cool facade clearly. Miss Bradshaw did not like her either. The woman was guarding her territory. And that territory was Azul del Rosario.
"I don't think it's any of your business, Miss Bradshaw," nakangiti ring sagot niya.
Pumormal ang mukha nito at tumaas ang isang kilay.
"Naiintindihan ko, Miss Monserati, but I am Mr. del Rosario's personal assistant and it is my job to know why you want to see him. It is an SOP in this company."
Tumangu-tango siya. " Ah, I understand. Pero hindi tungkol sa negosyo ang sadya ko sa kanya. It's personal."
Tumuwid ang mga balikat nito. "Ganoon ba? Kung ganoon ay hindi ka dapat sa opisina ni Mr. del Rosario nagpunta. I'm sure there are appropriate places where you could conduct your personal business with my boss." Pagkasabi niyon ay pailalim na pinasadahan siya nito ng tingin at bahagyang umismid.
Nag-init ang ulo niya. Alam niya ang ibig nitong ipakahulugan. The woman thought she was one of Azul del Rosario's bimbos!
Tumayo na siya. "Look, nandiyan ba si Mr. del Rosario o wala?" She deserted all attemps to be nice to the woman.
"I'm afraid he's not available at this time. Nasa isang mahalagang meeting siya ngayon at aabutin 'yon hanggang gabi," payak na sabi nito. May bakas ng pagmamalaki sa mga nito.
"I see. Kung ganoon ay babalik na lang ako sa isang araw. I'm dissapointed na hinaharangan ako ng isang empleyada lang para makita ang aking mapapangasawa."
Hindi nito naitago ang pagkabigla. "I beg your pardon?"
She also feigned surprise. "Oh, hindi mo pa ba alam? I am Mr. del Rosario's fiancee."
Bahagyang nawalan ang poise nito. "You're lying!" makamandag na sabi nito. Nakuyom nito ang mga palad.
Helaena smiled dazzlingly. "Oh, believe it, darling." Iyon lamang at taas-noo siyang lumabas ng opisina nito. Nang makalabas ay saka lamang niya pinakawalan ang pagkainis. Antipatika! May namamagitan kaya sa kanyang fiance at sa personal assistant nito? The thought brought her a stinging feeling.
Nang masuri ang itinatakbo ng kanyang isip ay napahumindig siya. Fiance! Since when did she have a fiance? My God, she did not have a fiance! Not in the true sense of word. Siya ay ikakasal sa papel lamang. Nothing more! It was pure business! Iyon ang dapat niyang linawin sa Azul del Rosario na iyon! It was time to lay down the rules between them, ang kaso ay hindi niya makita-kita ang herodes!
Nang makita niya sa lobby si Shiela ay nilapitan niya ito. "Shiela, alam mo ba kung saan nakatira si Mr. del Rosario?"
Naguluhang tiningnan siya nito. "Hindi, Maam eh. Hindi ba sinabi sa inyo ni Ma'am Savanna?"
"Hindi. Kailangan makausap ko ang boss mo, Shiela.
Importanteng-importante lang."
"Naku, Ma'am, we are not allowed to divulge any information regarding our boss hangga't walang pahintulot ni Ma'am Savanna. Baka sesantahin ako n'on."
So ganoon pala kalakas ang Savanna na iyon sa buhay ng kanyang mapapangasaw. Well, that had to change. Starting now. "Alam mo, Shiela, Savanna is the least of your concerns. Believe me, hindi ka niya puwedeng sesantehin dahil ako ang sesesante sa kanya kapag ginawa niya
'yon."
Nandilat ito, tila nalito. "Ho? P-pero.."
"Shiela, trust me, hindi ka puwedeng galawin ng babaeng iyon. I swear it to you, ako ang dedepensa sa 'yo. Now, where can I see your boss?" Saglit itong tila nagdalawang-isip, pagkuwa'y bumulong sa kanya.
"Bukas ay magkakaroon ng bagong computer game na ginawa ni Boss. Magsisimula ang affair mga bandang alas-sais ng gabi."
Napangiti siya. "Thanks, Shiela. Hindi ko ito makakalimutan. I will see you again."

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now