Chapter 19

7 2 0
                                    

NANG maramdaman ni Helaena na nakaalis na si Blue ay bumalikwas siya mula sa kama. Para siyang robot na nag-shower. Kay bigat ng kanyang pakiramdam. Ganoon pala ang buhay na mistulang patay. Humihinga pero manhid ang kamalayan. 
She packed a suitcase of her personal belongings. Iniwan niya ang lahat ng ibinigay nito sa kanya: mga alahas, damit, credit cards, pati ang telepono nito. She was leaving everything that would remind her of him. Nagbilin siya sa mayordoma ng kanilang mansiyon na aalis siya nang matagal. She knew she wasn't coming back. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Santi."
Malungkot na tumango ang chauffeur at bodyguard ng kanyang asawa. Napag-alaman niyang magkababata ang mga ito.
Minsan pa niyang nilibot ang kalawakan ng kanilang tahanan. She had come to love this house. She thought she would build her dreams here with the man she loved. But it had all been illusion.
Tumuloy siya sa bahay ng kanyang mga magulang. 
"Papa, maghihiwalay na kami ni Blue. Babalik na ako sa Amerika. Huwag na ninyo akong tanungin kung bakit. Naging masunurin akong anak sa inyo. Sana ay igalang ninyo ang aking desisyon."
Hindi na nagtanong pa ang mga ito, niyakap lamang siya nang mahigpit. They gave her their sympathies without saying anything. It was just as well that she had an open ticket to the US. She could leave as soon as possible.
Tinawagan din niya si Issabella at ipinaalam dito ang lahat.
"Oh, Lena, I am so sorry. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nag-away kayo ni Blue dahil sa mga sinabi ko hindi ba, kaya kayo maghihiwalay?"
"Issa, that's not true. Our marriage was based on nothing. It was bound to end at some point. I am sorry na hanggang doon na lang ang kaya kong itulong sa 'yo. Hindi ko masasaklawan ang mga desisyon ng asawa ko.
Sana ay maintindihan mo."
"Lena, I will miss you. Kailan ka babalik dito?"
"Ewan ko, Issa. I'll just call up once I'm in the States na."
"Sige. Mag-iingat ka, girl."

MAAGANG-MAAGA kinabukasan ay nagsadya si Helaena sa opisina ng Blue Chips, Incorporated. Dumiretso siya sa opisina ni Savanna.   "So early today, Helaena. Hinahanap mo ba uli ang asawa mo? Don't worry, nasa mabuti siyang mga kamay."
  "I don't care where he is, Savanna."
  "Really? So, bakit nandito ka? Wala pa si Blue. Baka ma-late iyon ng pasok ngayon. He was stinking drunk last night. Malamang ay may hangover 'yon."
  Bumagal ang pitik ng pulso niya. "Bakit mo alam? Nagkita ba kayo ni Blue kagabi?"
  Ngumiti ito. "Hindi lang nagkita. He called me up last night. I went to his place. Poor thing. He looked so wiped out. But don't worry, I took really good care of him."
  She felt numb. She told herself, it did not matter. It did not matter anymore.
  "Savanna, I want to draw up an agreement."
  "Agreement?"
  "Yes. Isasauli ko na ang twenty percent shares ko sa Worldnet kay Blue and I'm resigning as vice president, effective today."
  Ngumiti ito ng malumang. "Ohh, I'm sure matutuwa si Blue sa balitang 'yan."
  "I'm sure. Kaya daliaan mo. Make the document at nang mapirmahan ko na. Nagmamadali ako."
  Sa presensiya nito at ng dalawang abogado ng Blue Chips, Incorporated ay pinirmahan niya ang mga dokumento. She felt like a heavy weight was lifted from her shoulders.
  Bago siya umalis ay pinigil siya ni Savanna. "May isang importanteng bagay kang dapat malaman, Helaena."
  Tiningnan niya ang relo. Her flight was in three hours. "Ano 'yon, Savanna."
  Ilang segundong tinitigan siya nito bago ibinagsak ang bomba. "Sabi mo ay makikipaghiwalay ka na kay Blue? Well, hindi mo na kailangang gawin 'yon, dahil walang bisa ang inyong kasal."
  Napahumindig siya. "W-what?"
  "That's right. Sinabi sa akin ni Blue noon pa lang na balak niyang makipaghiwalay sa 'yo makalipas ang isang taon kaya siniguro kong madaling mangyayari 'yon sa sandaling gustuhin na ninyong kumalas."   May kinuha ito mula sa isang safe at iniabot sa kanya. "These are the original and true copies of your marriage certificate. Remember, it was a civil wedding held at your mansion? These had never been sent back to the registrar's office."
  Nablangko siya.
  "So?" Ngumiti ito. "It means, dear, that your marriage can be dissolved right here and now."
  Nalito siya. "W-what H-how?"
  "Simpleng rason. Papers could be lost somewhere bago makarating sa civil registrar's office and people could be paid to cheat for you. I need not claborate on that. Suffice it to say na magkakaroon lang 'yan ng bisa kung ipa-file sa munipisyo, otherwise, wala kayong legal record ni Blue sa inyong kasal na igagalang ng batas. Unless you will go to court and fight for it's validity, which you will not do now, right, Helaena?"
  Hindi siya makapagsalita. Buong akala niya ay nasa pangangalaga ni Blue ang kanilang marriage certificate. Well, he had entrusted everything to his personal assistant. How convenient na si Blue ang nagprisintang umasikaso sa mga dokumento nila sa huwes noon. Iyon pala ay may binabalak itong iba. And obviously, he and Savanna had been in this together from the very beginning. A pair of greedy, lying, cheating monsters! They deserved each other!
  "Well, Savanna, thank you for making things easy for us," Hinablot niya ang mga dokumento, pinunit iyon at ibinato rito. "Here, burn the damn thing."

בלוי דעל ראָסאַריאָΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα