Chapter 13

4 2 0
                                    

"WHAT? Mag-aasawa ka na?"
Tumango siya. Inaasahan na niya na magugulat nang husto si Issabella. Napakabilis nga naman ng mga pangyayari nitong nakaraang dalawang linggo.
"Bakit? Kanino? Wala ka namang boyfriend."
"Mahabang kuwento, Issa."
"Naku, ang dami ko na yatang hindi alam sa 'yo, ah! Start from the beginning."
Matiyagang isinalaysay niya rito ang lahat. Hindi na niya isinali ang namagitan sa kanila ni Blue. At lalong hindi niya sinabi na ang lalaking nakita niyang nakikipagtalik sa asawa ng congressman sa party nito at ang mapapangasawa niya ay iisa. Kahit paano ay nahihiya siya rito.
Bago pa man matapos ang kuwento niya ay kinikilig na ito. "Oh, my!
Blue del Rosario? I know him! My God, Lena, he is gorgeous!
Nagtaka siya. "How did you meet him?"
"Nakipag-dinner siya sa amin ni Daddy a few days ago. They were talking about business. Wow, naman, you're so lucky! Ang romantic naman. Parang sine."
"Anong romantic? Napaka-mercenary kamo. I will marry a man for money, Issa. Walang romantic doon."
"But he agreed to give you back twenty percent of the company. No shrewd businessman in his right mind would do that. Ganoon kalaki ang pagkagusto niya sa 'yo."
Kumunot ang noo niya. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos-maisip na pumayag si Blue sa kanyang gusto. It was a shot of the moon. But she got what she wanted. Ganoon na nga ba ang paghahangad sa kanya ni Blue? Namula siya ng maalala niya kung ano ang magiging kapalit ng lahat ng iyon. She would be his willing bed partner, Not only willing, she had to be his personal geisha. Hindi pa man ay ninenerbiyos na siya. She had bluffed, and he called it. Ngayon ay siya na ang napasubo sa isang labang hindi niya alam kung kaya niyang panindigan. 
"Uuuy, namumula siya. Mukhang in love ka na, ah!" tudyo nito sa kanya.
"Hindi, ah! No way. I hate him."
"There's a very thin line between love and hate, dear." Pinandilatan niya ito. "I am not in love with him, Issa."
"Uuuy, defensive siya," lalo namang pang-aalaska nito.
"I am not defensive. I hardly know him, and I don't like him. Magkaiba kami ng ugali. I cannot love a man like him."
Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. "You sound like heroine from one of those sixties movies."
Nandilat siya sa sinabi nito. It was exactly what Blue told her. How weird!
Tumunog ang kanyang cellphone. She knew who was calling. Hindi pa rin siya sanay na tinatawagan siya ni Blue sa kabila ng maya't mayang pagtawag nito sa cellphone na ibinigay nito sa kanya para alamin kung nasaan siya. She had not seen him in three days. "Hello."
"Helaena, nasaan ka?"
"Narito kami ng kaibigan ko sa Quezon City."
"How soon can you go back in Makati?" I want us to have lunch
together."
Gusto niyang mauna sa pagka-bossy nito pero nasisiyahan siyang marinig ang boses nito. She had actually missed him! Minu-minuto yata ay laman ng isip niya ang herodes na ito. "Sorry, busy ako today, eh. Saka ma-traffic sa EDSA, I won't make it for lunch."
"Ako na lang ang pupunta riyan. Saan ba kayo kakain ng kaibigan mo?" "Bakit ba para kang nagmamadali? Dinner na lang. Magkita tayo mamaya."
"I want to see you now, Helaena."
Hindi niya malaman kung matutuwa siya sa inaakto nito. He sounded like he couldn't wait to see her fast enough but she did not want being commanded around.
"Didiretso kami sa Megamall. Type namin ang fried chicken kaya sa fast-food na lang kami. Sa McDo." pang-iinis niya rito para hindi na ito magpumilit na makisabay sa kanila ni Issa. Sigurado siyang hindi ito kumakain sa mga fast-food outlets. Mukha naman kasi itong sosyalore. "Great. Megamall sa McDonald's. Anong oras kayo pupunta roon? I am free now."
Nagulat siya sa pagpayag nito. "O-okay, pupunta na kami."
"Okay, I'll see you in thirty minutes. Bye sweetheart." Tumunog na ang busy signal.
"Sa McDo tayo kakain," aniya kay Issa.
Sumimangot ito. "Yikes! Greasy food. Saka ang haba ng pila doon. Gutom na ako."
"Tara na nga, ang arte mo, ha! May iinisin lang ako at hindi tayo ang pipila. Mayroon tayong alalay ngayon, Blue will be joining us for lunch."
"Sa McDo?! bulalas nito. "Wala namang ka-romance-romance. Magde-date kayo ng boyfriend mo, sa McDo pa! Ang cheap! Tsaka ang barat niya, ha?"
"Ako ang may gustong sa McDo tayo kakain. I wanted him to decline pero makulit. Puwes, makikita niya. Halika na."
Siya na ang nagmaneho papunta sa Megamall. Nang makarating doon ay umikot-ikot muna sila ni Issa at nag-shopping. Nang tumunog ang kanyang cellphone ay napangiti siya. "Hello."
"Nasaan na kayo? Nasa McDonald's na ako,"
"Hmm, darling, namimili pa kami, eh. Paki-order mo na lang kami, please. We want fried chicken and French fries plus McFlurries with Orea and Coke. Susunod na kami."
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad na niyang tinapos ang kanilang pag-uusap. "Tara na sa department store, Issa. Sale ngayon. Marami tayong mabibili para sa mga bata."
Muling tumunog ang cellphone niya makalipas lang ang marahil beinte minutos. Hindi niya iyon sinagot.
"Hoy, iyang CP, sagutin mo na nga," ani Issa.
"Hayaan mo siya. Siya ang mapilit na makisabay sa atin, maghintay siya. Eh, sa marami pa tayong ginagawa."
Madilim na madilim ang mukha ni Blue nang datnan nila ito sa McDonald's. Nakapuwesto ito sa isang pang-apatang mesa at naroon na ang kanilang mga in-order. Hindi pa ito kumain maski halos kuwarenta'y singko minutos itong naghintay sa kanila.
Humalik siya sa pisngi nito. "Sorry, darling. Ang haba ng pila sa cashier, eh. Ang daming tao. Sale kasi," patay-malisyangsabi niya.
Walang imik na kinuha nito ang mga shopping bags na hawak niya at ipinatong sa isang silya.
"Hello, Blue, Small world, huh?" bati ni Issa rito.
Pansumandali itong natigalgal. Nang makabawi ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Issabella."
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Parang nawala siya sa eksena. Blue looked so happy to see her friend! Nakaramdam siya ng inis na hindi niya maintindihan.
"Gutom na ako." Padabog siyang umupo sa isang silya.
"Wow! friend chicken! My favorite! anang kanyang kaibigan.
Gusto niya itong kurutin nang mga oras na iyon. Cheap daw, ha!
"Sinabi sa akin ni Issa na nagkilala na raw kayo."
"Yap. I was treated to a lovely dinner by Issa." anang binata habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. "Masarap magluto 'yan." He looked at her friend with glowing eyes.
Ako rin, ha! Ako ang nagturong magluto sa bruhang 'yan! Nagkukukot ang loob niya na hindi niya mawari. Itinuon na lamang niya ang kanyang atensiyon sa pagkain. Hinayaan na lamang niyang nagkuwentuhan ang mga ito.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Blue sa kanyang likod, humahagod. "Dahan-dahan lang, sweetheart. Baka mabulunan ka." malambing nasabi
nito.
Tumawa si Issa nang nakakaloko.
"Saan ba kayo galing kanina?" pagkuwa'y tanong ni Blue.
"Nakagawian na naming dalawa tuwing narito si Helaena sa bansa para mag-ikot sa mga orphanages at shelters. Saka may itinatayo kaming foundation sa for street and abused children, libreng school and health care. Baka gusto mong tumulong?" anang kanyang kaibigan dito habang kumakain.
Sinulyapan siya ni Blue. "You have not told me about this, sweetheart." How could I? We haven't done anything but bicker and have sex since we met! 
"Well, now you know," aniyang hinarap ito at matamis na ngumiti. "In fact, nag-donate na nga si Dylan ng two-hundred fifty thousand pesos." Napalis ang ngiti ni Blue. Tinitigan siya nitong may pagdududa. "Kailan kayo nagkita ni Dylan?"
"Last week," sagot niya habang nakataas ang kilay.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"You were not my fiance then, and even if you were, hindi ko kailangan ang permiso mo para makipagkita sa mga kaibigan ko o kahit na sa, sinong taong gusto ko."
Nagtagis ang mga bagang nito. Tila naman naasiwa ang kaibigan nito. Kinalabit nito ito. "Hey, Blue, baka gusto mo ding tumulong sa foundation? Mayamaya ay daraan kami ni Helaena sa temporary shelter ng mga batang benecifiaries ng foundation namin. Gusto mong sumama?"
"Issabella! Blue is very busy man," protesta niya. 
"Why don't we let him decide, Lena?"
Tiningnan siya ni Blue nang matalim. "Sure. Sasama ako. I'm free the rest of the day."
Pagkatapos nilang kumain ay ito ang nagmaneho ng sasakyan niya
papunta sa shelter na sadya nila. 
"Teka, how did you get here, Blue, kung wala kang sasakyan?"
nagtatakang tanong ni Issa rito.
"Nagpahatid ako sa company chopper sa Centurion Tower sa Ortigas Center. Doon nag-oopisina ang isa kong kaibigan. Nagpahatid ako sa driver niya sa Megamall." 
Nagkatinginan sila ng kanyang kaibigan, pagkuwa'y umismid siya. "Grabe! Lunch lang ay gumastos ka pa sa helicopter. That's obscene.
Maraming batang nagugutom."
Pinandilatan siya ni Issa. "Lena! You're so rude!"
Hindi naman na-offend si Blue. "Point taken, Helaena."

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now