Chapter 6

8 2 0
                                    

HINDI makapaniwala si Blue sa kanyang naririnig.
"What? Are you crazy?! What's gotten into you, man? A partnership?" Natawa siya.
Waring napahiya naman si Dylan at halatang hindi malaman kung paano nito ipapaliwanag ang nais na mangyari. Bilang isang negosyante at batikang financial consultant, talagang nakakatawa ang iminumungkahi
nito.
"A partnership would be a total waste, pare. Why have a partner when you can just buy the whole damn thing and they can't do shit about it? That's the best way to go and you know it. Teka nga, akala ko ba'y hands-off ka sa deal na 'to?"
Napansin niyang pinagpawisan ito.
"Have you been talking to my future wife?" tanong niya ritong may pagdududa.
Namula ito, pero hindi na rin nagkaila. "Oo. She's a friend, pare, at ipinakiusap niya sa akin na kausapin ka."
He sneered. "Friend? Are you sleeping with her?"
"No!" tahasang tanggi nito. "Damn it, man, won't you reconsider? Please? Pagbigyan mo ako sa bagay na ito and I will never ask you for anything again."
"Aww, Christ! Why are you doing this? Are you in love with this woman?
May relasyon ba kayo?"
Umiling ito. "Just this once, Blue. Tinulungan kitang maitayo ang kompanya mo rito. Maniningil na ako."
Nabayo niya ang mesa. "Damn it, no! You are being unfair, man! Hindi ito ang tamang panahon at pagkakataon para isumbat mo sa akin 'yan! I am in the middle of takeover. Papers have been drawn! You can't ask me to reverse my position now!"
"Then our friendship is at stake here, Blue."

NAGKAPIRMAHAN na sila ni Carlos Monserati.
Tinitigan ni Blue ang mga papeles. Officially and legally ay siya na ang bagong may-ari ng ninety-five percent ng Worldnet. Nagkamay sila.
"Itatakda ko na ang kasal ninyo ng anak ko, Blue."
Natigilan siya. Nanantiyang tinitigan niya ito bago nagsalita. "Carlos, matino bang babae ang anak mo?"
Halatang nagulat ito sa klase ng kanyang tanong. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Wala, Carlos. Tinatanong ko kung matino bang babae ang anak mo? Isang simpleng tanong, isang simpleng sagot."
Nagpasiklab ang mga mata nito. "Ano ang gusto mong palabasin, na masamang babae ang anak ko?"
Ngumiti siya nang sarkastiko. "You tell me, Carlos. She's your daughter.
Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko pa siya nakikita. All I have is your word that she is a good woman. I just bought her for six hundred-fifty million pesos. Siguro naman ay may karapatan akong malaman kung matino ba ang merchandise na binili ko. Dahil kung hindi---"
Nagtiim ang mga bagang nito at tila gusto naman niyang magsisi sa mga nasabi niya pero naroon na iyon. He hated being backed into a corner. It was his game, damn it! It was supposed to be his kill. Pero parang siya ang nahuli sa sarili niyang bitag! Damn Carlos! And damn his daughter!
Masakit mang aminin sa kanyang pride, alam niyang naisahan siya ni Carlos. On the other hand, he could just leave him now without honoring their verbal agreement that he would marry his daughter, ngunit ayaw naman niyang ma-jeopardize ang kanyang posisyon sa lipunan. Carlos was still one of the most respected businessmen in the country. He would benefit more if they were friends. He needed allies, not enemies.
"Balang-araw ay pasasalamatan mo ako, Blue, na ipinagkatiwala ko sa 'yo ang aking nag-iisang anak. Sa totoo lang ay napakasuwerte mo. Lena is an extraordinary woman. Nagdadalawang-isip na ako ngayon kung gusto ko ba siyang ipakasal sa 'yo. Mukhang ang anak ko ang mamalasin sa "yo," anito sa kalmanteng tinig.
Nagbaba siya ng tinig, napahiya. Ngunit hindi maalis sa kanyang isip ang nalaman niya kay Alexis. Lena Monserati was a woman of the world. A socialite who played the field like a man. Kilala niya ang mga kaibigan niya. Pareho sila ng mga likaw ng bituka--na lahat ng girlfriends ay naikakama. Ang isiping dumaan sa mga kamay ng mga kaibigan niya ang kanyang magiging asawa ay napakahirap lulunin sa kanyang ego. Hell, it was eating him inside like acid. But a deal was a deal.
"Ipagumanhin mo ang sinabi ko, Carlos. Ikaw ang bahala. Pakakasalan ko ang anak mo."
Nang makaalis ito ay lumapit siya sa glass panels na nakalinya sa halos buong paligid ng kanyang opisina. Tiningnan niya ang trapiko sa Ayala Avenue, sa ibaba ang buhay niya na dumaan sa isang napakahirap na ruta pero nakarating din sa tamang destinasyon.
Life was indeed full of surprises. Who would have thought that a man like him who came from the gutters would now be a big-time businessman on the verge of dominating the computer industry of the Philippines?
Nang gabing nakatuwaan niyang magbabad sa state-of-the-art computer system ni Sue Anne ang naging major turning point ng kanyang buhay. Aksidenteng na-decode niya ang password ng isang top secret government agency ng Estados Unidos. Napasok niya ang naturang network at nagawa niyang mag-navigate sa loob ng network nang walang kahirap-hirap.
It had been the biggest thrill of his life. He had cracked a classified network! He had hacked into the most confidential files of the most powerful country in the world! Hindi siya makapaniwala!
Wala siyang kaalam-alam na na-trace na siya ng operating unit ng FBI sa bansa hanggang sa mismong address ng computer na ginamit niya.
Sa kalaboso siya bumagsak. Galit na galit ang ama ni Sue Anne pero himalang hindi lumabas sa media ang mga pangyayari. Nagtagal siya ng ilang araw sa kulungan. Nang walang kasong maisampa sa kanya ang mga awtoridad ay pinakawalan din siya. He had innocently hacked into a top-secret system by accident. It was a major failure in the computer security system of the agency. Certainly no fault of his own.
Ngunit makalipas ang isang linggo ay nasa Estados Unidos na siya, walang kaabug-abog na nakalusot sa US embassy, may passport at visa. Noong una ay takot na takot siya. Nasa isang banyagang lugar siya. Ngunit nang makaharap niya ang taong nagbigay sa kanya ng entrada sa Amerika ay naglaho ang lahat ng kanyang takot at agam-agam. Siya ay nasa tamang lugar. Iyon ang lugar na matagal na niyang inaasam na balang-araw ay kanyang mapuntahan. It was his destiny. And he
embraced it fully.
Siya ay nasa Silicon Valley, California, at ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa lugar na iyon ay ngumiti sa kanya, kinamayan siya nang mahigpit na para bang nagagalak itong makilala
siya.
"Welcome to America, Blue. I'm Bill."
Ito ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Ang taong naging instrumento ng kanyang tagumpay. His mentor. Ang kanyang naging inspirasyon. Ang kanyang idolo.
Makalipas ang isang buwan ay sumunod na ang kanyang ina roon. Iyon lamang ang naging kahilingan niya sa kanyang bagong employer--ang makasama ang kanyang ina.
And the rest was history.
He still worked closely with Bill but only as one of his consultants now. Nagsarili na siya. He designed the most sophisticated computer game in the history of  cyberworld--ang Strike Force. It became one of the biggest-selling computer games of the decade. Nasundan pa iyon ng marami. At the age of twenty-seven, he was already the owner of his own giant conputer games company in the United States.
Tatlong taon na ang nakalipas nang makilala niya sa isang business conference si Dylan Anderson na isang Filipino-American businessman. Sa tulong nito ay sinimulan niyang ilatag ang pundasyon ng kanyang negosyo sa Pilipinas. Ito ang naging industrial partner niya sa bansa at hindi naglaon ay naging matalik na kaibigan din niya. Sa una ay naging lihim sa Philippine business circuit ang identity niya bilang may-ari ng Blue Chip, Incorporated, the country's fastest rising computer company.
Sa bandang huli ay nagdesisyon na rin siyang lumabas sa publiko at ilipat ang base niyon sa Pilipinas. The he began to conquer. Deal after deal. No one could stop him. He was a corporate dynamo intent on annihilating anyone who got in his way.
Wala siyang intensiyong tumigil hangga't hindi niya nakukuha ang posisyong gusto niyang kalagyan sa Pilipinas, especially not now when he could smell the heady scent of victory. He was almost there, just a few deals away from his ultimate goal--ang pabagsakin ang Oliviera Group of
Companies.

DALI-DALING pumunta sa Makati Medical Center si Helaena nang makatanggap siya ng emergency call mula sa kanyang Tita Salome. Nasa ospital daw ang kanyang mama.
Sinalubong siya ng kanyang tiyahin sa lobby ng ospital at kaagad silang nagyakap. "Tita, kumusta ang Mama? Is she okay?" abut-abot ang pag-aalalang bungad niya rito.
"She's okay. Don't worry, Lena. Nagpapahinga na siya sa kanyang suite," pag-aalo nito sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwag. "What happened, Tita? Okay naman ang
Mama kahapon, ah!"
"It was a mild stroke, Helaena."
"W-what? But how can that happen? Mama is very healthy! Conscious na conscious nga 'yan sa mga kinakain niya. Paanong na-stroke siya?" "H-hindi ko rin alam, Helaena. May dumating kasing tagabangko yata kanina sa bahay ninyo at kinausap nang masinsinan ang mama't papa mo. Nandilat ang mga mata niya. "Mga tagabangko? Bakit daw, Tita? Ano ang sadya nila?"
Umiling ito. "Hindi ko rin alam, Helaena. Mabuti pa'y ang papa mo na lang ang kausapin mo."
Kinabahan siya. Parang nahuhulaan na niya kung ano ang nangyari.
Malungkot siyang tumango.
"Gusto kong makita ang Mama, Tita."
Sinamahan siya nito sa suite ng kanyang ina. Naroon ang kanyang ama, nakaupo sa gilid ng kama ng kanyang ina. Kaagad na niyakap niya ito pagpasok niya.
"Helaena, mabuti't dumating ka na, anak," anang kanyang ama.
Tinapik-tapik niya ang likod nito.Ramdam niya ang bahagyang panginginig nito. Ang mga magulang niya ay tatlumpung taon nang nagsasama bilang mag-asawa, inseparable at sobra ang pagmamahal sa isa't isa. Alam niyang ininda nang husto ng kanyang ama ang
pangyayaring ito.
"It's all right, 'Pa. Everything will be alright."
Nang makausap niya nang masinsinan ang kanyang ama pagkalipas ng ilang oras ay hindi nagkabula ang kanyang hinala.
"Iniipit na tayo ng bangko, Helaena. Kapag hindi parin tayo nakabayad sa susunod na buwan ay eembarguhin na ng bangko ang animnapung
porsiyento ng Worldnet. It's practically a takeover in itself."
Napapikit siya. Tatlong araw na siyang lihim na nakikipagkomperensiya sa mga financial advisers nito. Hindi pa man niya naaaksiyunan ang kanyang mga plano--kung plano ngang matatawag ang mga ideya niyang walang tiyak na kahihinatnan--ay naunahan na siya ng bangko.
"We are going to lose everything, hija."
Nanikip ang lalamunan niya ngunit hindi siya nagpahalata rito. Pinisil niya ang kamay nito. "No, 'Pa. Hindi mawawala ang Worldnet." Umiling-iling ito. "Hija, wala na akong magagawa. Hindi kita puwedeng obligahin para isalba ang kompanya. Alam kong unfair sa iyo 'yon, anak."
"No. Nakapagdesisyon na ako, 'Pa. Pumapayag na akong magpakasal kay Azul del Rosario."
Lumarawan ang galak sa mukha nito, nangislap sa luha ang mga mata at niyakap siya. "Salamat, anak. Salamat."
"Pa, isa lang ang hinihiling ko. Hayaan ninyong ako ang makipag-usap kay Azul del Rosario tungkol sa kompanya. I will bargain with him. Kung magpapakasal man ako sa kanya ay sisiguruhin kong hindi ako madedehado. I will not be his wife and become doormat without a voice.
I will have a rightful place in his life. After all, walang diborsiyo rito sa
Pilipinas. Kung mag-aasawa man ako, let me deal with it my way."
Nagbaba ito ng tingin at tumango.

בלוי דעל ראָסאַריאָDonde viven las historias. Descúbrelo ahora