Chapter 11

3 2 0
                                    

RUMATSADA pataas ang blood pressure ni Helaena habang nakikinig siya sa pag-uusap nina Blue at Savanna.
"I kissed my fiance, Vanna."
"Fiance? We both know she is not really your fiance. She's an excess baggage you should get rid of now, Blue."
Excess baggage! Aba't sumusobra na ito, ah!
Narinig niyang bumuntong-hininga si Blue. "Vanna, mauna ka na sa opisina. Doon na tayo mag-usap okay? Susunod na ako."
"Sabay na tayo. We should settle this now, Blue. Hindi puwedeng magpadalus-dalos ka nang ganyan. I think you should just forget your promise to Carlos Monserati. Like you said, you don't have to marry her daughter anymore now that you have Worldnet. Wala na naman siyang habol."
"Vanna, please, not now."
So, lahat ng bagay sa buhay ng aking mapapa-ngasawa ay alam ng babaeng ito.
May kumidlit na kirot sa kaibuturan ng kanyang puso. What was it? A sense of betrayal? Foolish! Bakit naman siya makakaramdam ng ganoon? She and Blue shared nothing except one night of mind-boggling sex. He owed her nothing, least of all, loyalty. And vice versa.
"Damn it, Blue! She's a class A tramp! Hindi mo ba alam ang reputasyon niya sa sosyedad? She's a blue blood all right, but she had been with practically every available man around! How can you marry a woman
like that?
Okay, enough! She was out of there. But first, patitikimin din niya ang bruhang ito ng kanyang katarayan.
Lumantad siya mula sa hagdan at lumapit sa mga ito. Parang tinuklaw ng ahas sa sobrang pagkabigla si Savanna. Nginitian niya ito nang sarkastiko.
Lumapit siya kay Blue at nangunyapit sa leeg nito, Sabay halik sa mga labi nito. Tinagalan niya ang halik na iyon. Alam niyang nakatingin sa kanila si Savanna. 'Ayan, bruha, mamatay ka sa inggit! She pressed her body against him seductively, leaving no doubt in Savanna's eyes as to where she spent the night. Bitch!
Nginitian niya nang pagkatamis-tamis si Blue pagkatapos ng halik. "Darling, I gotta go home. Baka pagalitan ako ni Daddy na hindi ako natulog sa bahay. Ikaw kasi, eh,"
Napaubo ito, naging uneasy. "Helaena, I'd like you to meet my personnal assistant, Savanna."
Pumormal ang mukha ng babae, halatang tinago ang lahat ng emosyon ngunit nababasa niya sa mga mata nito ang matinding galit nito sa kanya.
Nangagalaiti ito, alam niya.
"We have already met," maikling sabi nito.
"Oh, yes, I remember you. Saglit lang tiningnan niya ito at muling binalingan si Blue. "Darling, I really need to go."
"Ihahatid na kita," alok nito.
She smiled up at him sweetly. "Thank you, darling, but you need to go to work. Ako na ang bahala. Is my car outside?"
He smiled at her tenderly. "Yes. Ipinasundo ko kay Santi, remember? It's out in the garage."
Pinapungay niya ang kanyang mga mata. "Oh, that's so sweet of you. So, paano aalis na ako?" She kissed him one more time, then slowly let him go. "Bye, darling." 
She walked away from them.
"I'll call you up, Helaena," pahabol pa nito.
Hindi na siya sumagot. Naglakad siya nang walang lingon-likod papunta sa kanyang sasakyan. Nakita niyang nasa driveway si Santi at
pinupunasan nito ang kaha ng kanyang sports car. Nginitian niya ito. Halatang nahihiya pa itong ngumiti at tumango sa kanya, saka iniabot sa kanya ang susi ng kanyang sasakyan. "Good morning, Maam." "Salamat, Santi." Sumakay na siya sa kanyang kotse at ekspertong pinausad niya iyon palabas ng compound.
The moment she was out of the iron gates, she let her emotions go. She screamed her lungs out. Sarisari ang kanyang nararamdaman: galit, pagkapahiya, pagdaramdam sa kanyang ama, awa sa kanyang sarili at higit sa lahat ay kawalan.
Kawalan? Bakit? Ano ba ang nawala sa kanya?
Itinigil niya ang kanyang sasakyan at isinubsob sa manibela ang kanyang mukha. Sumakit ang kanyang lalamunan sa pagpigil na umiyak.
Naninikip na rin ang kanyang dibdib.
Damn it, why did she feel like crying ? What for?
Finally, she let her tears fall, God. Why am I crying? I don't understand.
Hindi ako dapat manghinayang. He is nothing to me! Nothing! 
Ngunit hindi siya maaaring magsinungaling sa kanyang sarili. For the first time in her life, she cared about what other people would think of her. Nasaktan siya sa panlalait ni Savanna sa kanya, ang marinig sa ibang tao kung paano siya alipustahin dahil sa kanyang liberated lifestyle. Kung ito lang ay walang kaso sa kanya dahil kaya niya itong tapatan. Pero si Blue, she cared about what he thought of her.
So, bakit itinanggi niya ang pagiging birhen niya sa kabila ng suspetsa nito? Pride. She did not want to be laughed at in the arena where Blue held supreme---the bedroom. She wanted him to hold her own against him. She secretly wanted him to like her regardless of her colorful past.
Oh, get real, Helaena! Oh, God, I am really losing it! Here I am crying my heart out samantalang baka naglalampungan na ang dalawa sa bahay ng aking mapapangasawa! Baliw ka, Helaena! Stupid! Get your act
together, girl!
Pinunasan niya ang kanyang mga luha. Tinawan na lamang niya iyon nang may pagdaramdam. First day of not being a virgin. Not bad. Not bad at all. It had been a burden way too long anyway. Maybe she should finally start exploring her sexuality like a real woman of the world. Hah! Why not? Blue del Rosario, you were my first lover. But certainly not the last.

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now