Chapter 20

19 4 0
                                    

California, USA
LUMAPAG ang eroplanong kinalululanan nina Blue, Augusto, Issabella sa paliparan ng Los Angeles. Halos walang tulog si Blue nitong nakaraang buwan. He had been very, very busy.
Napakarami niyang inasikasong mga papeles. Una na roon ay ang pag-back out niya sa Central Bank project para pagbigyan ang bid ng kanyang ama. Nagbayad siya ng multa pero bale-wala na iyon sa kanya. Pero naipasya na rin pala ng kanyang ama na hindi na tumuloy sa pagbi-bid. He had talked about so many things with his father including a partnership. He discovered that his father was a man he could respect, if only with the way he took care of Issabella. Kung hindi man ito naging ama sa kanya, naging mabuting ama ito ng kanyang kapatid.
Issabella became his little sister. Una ay labis itong nagulat sa pagkakatuklas ng pagiging magkapatid nila, ngunit agad din nitong natanggap ang katotohanan. They had bonded instantly not only as siblings but because they both shared one thing in common---their love for Helaena. Hers as a friend and his as a man passionately in love with his wife.
And there was the matter with Savanna. He had asked for her resignation. He hated doing that but he had to. Pagkatapos ng mga nalaman niya ay hindi niya maatim na manatili pa ito sa kanyang empleyo. Savanna proudly gave him her good news. Ibinalik ni Helaena sa kanya ang shares nito sa Worldnet. Pagkatapos ay buong lugod nitong ibinigay sa kanya ang marriage contract nila ni Helaena na pinunit umano ng kanyang asawa. The she told him, "Wala na siya, Blue. I took care of everything.
Malaya ka na."
Pansumandali siyang nablangko noon. Then he put two and two together. She had trusted her too much. Savanna had deliberately sabotaged his marriage. Marahil ay kasalanan niya. Dapat ay sinabi niya rito na nagbago na ang damdamin niya para kay Helaena. But it was too late for that now. The damage had been done. Pero gagawin niya ang lahat para maitama ang lahat.
Niyakap siya ni Issabella. "Excited?"
Ngumiti siya. "Nervous."
"Everything will be fine, bro. Trust me."
Sumakay sila sa isang rented limousine palabas ng airport. Katanghaliang tapat sa California.
Tinapik ng kanyang kapatid ang hita ng kanyang ama. "Dad, hindi ka na umiimik diyan. Ninenerbiyos ka rin, ano?"
Nagpahid ito ng pawis. "Oo."
"Everything will be fine, Dad. Tita Amanda would be great. I know so.
She had raised a wonderful person." Nginitian siya ni Issa. "I can't believe
I have a brother. Not to mention brilliant and, oh, so, gorgeous!"
Natawa na lamang siya. Napangiti naman ang kanilang ama.

LUMARAWAN ang pagkagulat sa mukha ng kanyang ina nang
mabungaran sila nito sa malaking sala ng kanilang modernong mansiyon sa Beverly Hills.
"Azul! Anak! Bakit hindi ka nagpasabing darating ka?!"
Niyakap niya ito. "Mang, kumusta ka na?"
"Mabuti naman, anak. Parang namayat ka."
"Ah, Mang, may mga kasama ako."
Saka lamang nito pinagtuunan ng pansin ang kanyang ama at kapatid. Parang natulala ito.
Lumapit ang kanyang ama rito, nakikiusap ang mga mata. "Amanda, kumusta ka na?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ng kanyang ina sa kanilang mag-ama, hindi makapagsalita.
"Siyanga pala, Amanda, gusto kong makilala mo ang aking nag-iisang
dalaga, si Issabella."
Humalik ang kanyang kapatid sa pisngi ng kanyang ina. "Hello, Tita." Hindi pa rin ito makahuma. Inakbayan niya ito.
"Mang, alam na niya ang totoo. I guess you two need to talk. Maraming bagay ang malilinaw kapag nag-usap kayo."
"Amanda, bigyan mo sana ako ng pagkakataong maitama ang aking mga pagkakamali."
"S-senor Augusto... hindi ako makapaniwalang nandito ka."
Ngumiti nang malamlam ang kanyang ama. "Ako man, Amanda, ngunit nagpapasalamat akong muli tayong nagkita. At tawagin mo na lamang akong Augusto. Maaari ba tayong mag-usap nang sarilinan?"
Tiningnan siya ng kanyang ina. Tumango siya, may encouragement sa mga mata, pagkuwa'y inakay na ito ng kanyang ama palabas ng sala.

NANG muling bumalik sina Augusto at Amanda sa sala ay maaliwalas na pareho ang mga mukha ng mga ito, tanda ng katiwasayan ng kalooban. "Nagugutom na ba kayo? Kumain na lamang tayo sa labas," yakag ng kanyang ina.
"Mang, I need to catch a flight for New York," ani Blue.
Kumunot ang noo nito. "New York?"
Bumuntong-hininga siya. "I guess it's time we talked in private, Mother.
Excuse as, Dad, Issa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now