Chapter 4

4 2 0
                                    

KADARATING lamang ni Helaena mula sa paglilibot. Pagod na pagod siya. Inikot na yata nila ni Issabella ang buong Maynila sa paghahanap ng mga donors para sa foundation na gusto nilang itayo para sa foundation na gusto nilang itayo para sa mga abused children. Nais nilang magtayo ng libreng eskuwelahan para sa mga batang lansangan at mga inaabuso ng mga magulang. It required hard work, strong determination, and endless charm. But she came home almost empty-handed.
Dumiretso siya sa dining room. Nadatnan niya roon ang mga magulang niyang naghahapunan. Humalik siya sa pisngi ng mga ito. "Hi", 'Pa, 'Ma." Her mother smiled, still the glamorous socialite Paloma Monserati even at fifty-eight. Thanks to the wonders of plastic surgery. "Hija, kumusta ang lakad mo?"
Matamlay na inokupa niya ang isang dining chair sa tabi ng kanyang ina. "Nakakuha naman ako ng ilang donors pero malayo pa ako sa target goal ko, 'Ma. Sobrang kuripot ng mga kompanya ngayon sa charities. Lahat ay nagtatanong kung ano ba ang affiliations namin. Bakit ba ganoon ang mga tao ngayon? Gusto nilang tumulong pero lahat ay may kapalit na publicity. Gone are the days when people just give for the sake of giving. Nakakadismaya talaga."
"Magkano na nga ba ang kailangan ninyo para makapasimula sa proyektong ito hija?" tanong ng kanyang ama.
"We need around fifteen million pesos, Papa, para sa building at starting operating fund. Nag-donate na ng lupa ang Tito Augusto sa bandang
Mandaluyong."
"Why, that is great news, hija!"
"Yes. But we are still fourteen million short of budget, 'Ma. Patapos na ang bakasyon ko rito sa Pilipinas. I need to go back to New York in time for the summer. Tambak ang naghihintay sa aking trabaho sa studio. May fashion show kami sa Paris in two months. Nagagalit na sa akin si Donna.
Super extended na raw ang bakasyon ko rito."
Isa siya sa mga designers ng sikat na international women's label na Donnatella. A few years back, she took a crash course in fashion designing at the Parsons School of Design.
Nagkatinginan ang mga magulang niya, waring nagpalitan ng mensahe ang mga mata. "Magbibigay kami ng iyong mama ng dalawang milyon, hija," anang kanyang ama.
Nangislap ang mga mata niya. "Oh, 'Pa, 'Ma! Thank you!" Tumayo siya at niyakap ang kanyang ama sa tuwa, pagkatapos ay hinagkan ang kanyang ina. "I am so touched. Wow! Ang laki n'on! I'm so happy, Papa!"
"Alam mo namang susuportahan ka namin sa lahat ng ng endeavors mo, Lena," madamdaming sabi pa ng kanyang ama.
Hindi niya napigilang hindi maluha. "Salamat, Papa, Mama. I love you."

"A WOMAN like you should never be alone, Helaena."
Itinukod niya ang kanyang mga siko sa mesa. Alam niyang na-emphasize ang kanyang cleavage sa ganoong pose.
"A woman like me? What do you mean?"
Ngumiti ang lalaki, his deep blue eyes flashing devilishly, even in the dim lightning of that exclusive restaurant inside a five star hotel in Makati.
With his longish hair, he looked like a pirate in modern-day clothing. "Ang babaeng katulad mo ay dapat na inaalagaan, binabantayan, at pinapaliguan ng pagmamahal," anito sa Tagalog pero may American twang.
Napangiti siya. Kilala si Dylan Anderson sa jet-set world. An international playboy. Nagkakilala sila sa New York nang manood ito ng isang fashion show. Kasama nito noon ang girlfriend nitong fashion model. Naging magkaibigan sila. Matagal na itong nagpapakita ng interes sa kanya pero hindi niya pinapatulan ito. Alam naman kasi niyang iisa lang ang habol nito sa kanya.
"Really, Dylan? Bakit hindi mo na lang ako diretsahin? You wanna get under my skirt."
Nagulat ito, pagkuwa'y humalakhak.
"Did I hit the mark?"
His eyes were smoldering. "Is it surprising, Lena? I like you very much. I am very attracted to you."
Nginitian niya ito nang buong tamis, pagkuwa'y nagkibit-balikat.
"Ah, well, you're gonna turn me down as usual." "It's not like you're short on women, Dylan."
"I'd throw all of them away if I have you, Lena."
Umarko ang isang kilay niya. "Really?"
"I will be exclusive to you for as long as we are together," agad na bawi nito.
Natawa siya. "Ahh, men."
"What's that supposed to mean?"
Sumeryoso siya. "Look, Dylan, you are gorgeous, gorgeous man, darling.
Maraming naghahabol sa 'yo, so please stop hitting on me. We are friends. Mas gusto kitang kaibigan. Iyong may makakausap ako tulad nito, walang attachment. 'Pag naging lovers tayo ay mag-aaway lang tayo."
"Bakit naman?"
"Kasi, baka ma-inlove ako sa 'yo, 'tapos maging possesive ako. Eh, ayaw mo pa namang patali sa iisang babae. I'll just cramp your style darling. Not a good idea, isn't it?"
Muli itong tumawa. "Ah, Lena, you do know how to soothe a man's battered ego. Okay, I rest my case. Friends kung friends. On the second thought, as sexy and beautiful as you are, baka ako pa ang ma-inlove, mahirap na."
They both laughed good-naturedly. "And speaking of friendship, tulungan mo naman ako," paglalambing niya rito.
Tumigil ito sa pagkain. "Ano na naman 'yan?"
"I need some benefactors para sa itinatayo namin ni Issabella na school for streetchildren."
Nang makaumpisa siyang magsalita tungkol sa kanyang proyekto ay hindi na siya naawat. Para daw matigil na siya ay nag-donate ito ng two hundred fifty thousand pesos nang wala sa oras. Napayakap siya sa sobrang tuwa.
Napailing ito. "Grabe ka, Lena. Puwede ka na sales.
Umingos siya. "Para naman sa good cause ito. Saka tax shield, 'di ba?" "Sabagay," natatawang pagsang-ayon nito.
Mayamaya ay tumunog ang kanyang cellphone. Nagtext sa kanya si Issa. Napabuntong-hininga siya pagkatapos niyang basahin ang message nito. "My friend, Issa. Hindi na raw siya makakarating dahil naipit sa
pictorial."
"Ah, ganoon ba? So... Kailan ang balik mo sa New York?"
"Hmm... I still have a month or so. Paano 'yan, I need to go? Naabala tuloy kita, Dylan. Pero blessing in disguise naman, 'di ba? You are a quarter of a million poorer," natatawang sabi niya.He was a major industrialist and he opened here and abroad. Barya lamang marahil para dito ang ibinigay nitong donasyon sa kanyang foundation.
"Wala 'yon. I am glad to be of help, Lena. I am waiting for a friend also, kaso'y mukhang male-late din."
"Ganoon ba? Sige, mauna na ako."
She kissed him on the cheek. "See you around, gorgeous. Iimbitahan kita sa launching ng foundation, ha? Huwag kang mawawala. Ipakikilala kita sa amiga kong si Issabella de Oliviera."
"Sure. Is she as hot as you?"
Napangiti siya. "Hotter."
"Ah, well, I'll be the judge of that. I've seen her shampoo ad though. A tad too naive and sweet for my taste."
Natawa siya. Si Issa, naive? Sweet? Hah! This man was in for a big surprise, sa loob-loob niya.
"A dinner date next time perhaps?" he asked hopefully.
"Promise you won't try hitting on me again?"
He laughed. "I will try very hard not to, Lena."
"Okay, deal. Bye, Dylan."
Nilisan na niya ang restaurant at tinungo ang hilera ng elevators ng hotel. Hustong bumukas ang isang pinto ng elevator. Kaagad siyang pumasok sa loob at bumangga siya sa isang taong papalabas naman sana. Napaatras silang dalawa papasok sa loob ng lift. Awtomatikong nangunyapit siya sa damit ng lalaki upang hindi siya mawalan ng balanse. Saglit lang ay sumara ang elevator doors.
Hiyang-hiya siya. "Oh, I'm sorry..." Umangat ang mga mata niya para tingnan ang mukha ng nakabangga niya. At lumundag yata sa lalamunan niya ang kanyang puso sa kanyang natuklasan. "You..!" Iyon lamang ang nasabi niya.
He smiled down at her, his hands firm on her waist. Dumukwang ito at pinindot ang isang buton.Huminto sa pagbulusok ang elevator.
"What are you doing?" protesta niya.
"I've been looking for you, sweetheart, pero mailap ka."
"At bakit mo naman ako hinahanap?" medyo nahintakutang tanong niya rito. Ang huling pagtatagpo nila ay tatlong araw nang nakalipas--sa party ni Issabella. Sinampal niya ito noon at iniwang nakatunganga sa parking lot. Baka gusto nitong gumanti ngayon sa kanya. She was trapped with him inside the elevator!
He smiled lazily, surveying her body. "Alam mo kung bakit. Kailangan ko bang ipaalala sa 'yo kung bakit?"
Umikot ang mga mata niya dahil sa pagkayamot. "Oh, stop it, you conceited jerk! Napipikon na ako sa kayabangan mo! Paraanin mo nga ako!" Pilit niyang inabot ang control buttons ng elevator pero hinarangan siya nito.
"Mataray ka bang talaga or you're just playing hard to get? Ganyan ang mga babae kapag nagpapapresyo. Why don't you just tell me what you want, para hindi parehong masayang ang panahon natin? You've never told me your name."
"Of all the... oh!" Dinuro niya ito sa dibdib at gigil na nagsalita. "For your information, Mister, I have tons of money! I am an heiress at hindi ko kailangan ang pera mo! How dare you even think that I am for sale!
Saang lupalop ka ba ipinanganak at wala kang ka-finesse-finesse?! Walang matinong babaeng papatol sa 'yo unggoy ka! And no!
Hinding-hindi ko sasabihin sa 'yo ang pangalan ko!"
He grinned at her, obviously enjoying her fury. "Ah, hellcat. Even heiresses have a price, mas malaki nga lang ang katumbas. Maybe a couple of millions. I am sure you are a woman of the world and I am a man who hates women who play games. Iyong masyadong pakipot pero bibigay rin naman pala sa huli,"
"Ang kapal mo talaga! Wala ka na bang makuhang babae at bumibili ka na lang? Puwes, nagkakamali ka ng binibili! A couple of millions, huh? Ang cheap mo, ha! Maghanap ka riyan sa labas ng mga bayaran!" She spat at him, so insulted by his crude words.
"I don't want anything else from you sweetheart just your body and the pleasure it can give. Kaya tutumbasan ko 'yon ng pera ay para wala tayong sagutin sa isa't-isa pagkatapos. So come on, quit playing games. Magkano?"
She was beyond fury. If she hit him again, baka saktan na siya nito. So she calmed herself and brought on the Ice Queen. "You cannot afford me," she purred seductively.
He smiled with pure arrogant confidence. "Try me."
"Marry me." His face went still emotionless. 'Ayan natameme ang demonyo! Ngumiti siya nang buong tamis. She touched his lips boldly with her fingers. "You want this body, darling? You gotta marry me first. That's my price. Can you afford it?"
He dragged her against him. Nandilat siya. She could feel his hard, warm body pressing so close to her. Pinangapusan siya ng hininga. She remembered him in the game room with that woman, driving so hard
inside her...
"L-let me go..." she gasped faintly.
He held her face with his palms firmly and pressed his lips to hers very slowly, letting his tounge lick the seams of her lips. Nanlambot siya. Then his tounge delved inside her mounth in a hot possessive kiss. Napapikit siya. He tasted of wine and mint and a hint of cigarette. He was delicious! Her hand went around his neck involuntarily and she started returning his kisses. She couldn't help it. He tasted so good and she had not been kissed in ages!
"Marry you? I don't think so, sweetheart."
Napadilat siya. He was no longer kissing her.
We don't have to marry to fuck. Hindi ka na menor-de-edad. You are a woman with sexual needs and looks like you haven't been getting any lately and I could give that to you. I could even set you up in a mansion as my mistress. I am very generous man. Money is no object. Just say
'yes."
"Let me go..!" Nagsimula siyang magpumiglas.
"Gusto mo ng hinahabul-habol ka, hmm..? Pagbibigyan kita, if only to whet both our appetites. I'll give you a few days, then, I'll come and get you. Kahit saan ka magtago, matatagpuan kita. I'll see you again, sweetheart. Soon."
He punched a button. Bumukas ang pinto ng elevator. She was all too glad to escape his overwhelming presence. Dali-dali siyang lumabas.
Nagpaiwan ito sa loob. They stared at each other with burning intensity, hanggang muling sumara ang elevator.
She went home in a daze. Her dreams that night were full of man, making love to her in the most erotic way.

KINABUKASAN ay mistulang isang bangungot ang sumalubong kay Helaena.
This was not happening! Not in this modern age, especially not to an independent and self-proclaimedmodern woman like her. It was
incredibly ludicrous!
"Papa, I cannot believe this! How can you possibly think that I would agree to this ridiculous arrangement?!"
Bumuntung-hininga ito. "Helaena, hija, para sa kapakanan mo ito. Magtiwala ka sana sa akin."
Gusto na niyang mag-hysteria pero pinilit parin niyang magpakahinaon. "Papa, I am twenty-five years old. Ang hinihiling ninyo sa akin ay isang kalokohan! I will not marry a man whom I've never met, know nothing about, and don't love! Please, this is the twenty-first century, Papa, not the medievel! ages!"
Umupo ito sa isang sofa at waring nanghina, hinagud-hagod ang sariling dibdib.
Nabahala siya sa kanyang nakita. "Pa, are you alright?"
Lumambong ang mga mata nito. "Anak, may dapat kang malaman.
Halika, maupo ka sa tabi ko."
Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.
Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa nang muling nagsalita. "Nanganganib na bumagsak ang kompanya natin, Helaena. We are on the verge of declaring bankruptcy."
Napamulagat siya, hindi makapaniwala. "W-hat Paano nangyari 'yon?" "Two years ago ay nag-loan ang kompanya mula sa tatlong malalaking bangko ng Maynila nang daan-daang milyong halaga para sa expansion ng ating operasyon. Tinamaan tayo ng pagbagsak ng dolyar. We cannot even afford to pay the interests."
"But... but the company is doing well..."
"Oo, ngunit hindi mahabol ng kita ng kompanya ang mga bayaran natin. The banks are threatening to call in our loans at wala tayong pambayad." Natutop niya ang sariling noo, ilang saglit na nanahimik. Para siyang binagsakan ng bomba sa balitang hatid nito. "Oh, I'm sorry, Papa. Paano na 'yan? Ano na ang mangyayari sa kompanya natin?"
"Isang higanteng kompanya ang gustong bumili sa Worldnet, hija. Maganda ang alok nilang deal but it will be like a takeover."
"But you don't want to sell, Papa! Palagi mong sinasabi sa akin noon na kahit ano ang mangyari ay hindi ninyo ibebenta ang kompanyang pinaghirapan ninyong itayo."
Tumango ito. "Oo anak, iyan sana ang nais ko, pero sa sitwasyon natin ngayon ay wala tayong pagpipilian kundi ang magbenta. Kapag bumagsak ang kompanya, daan-daang empleyado ang mawawalan ng trabaho. Kawawa naman ang mga iyon na tapat na naglingkod sa Worldnet nang mahabang panahon. Kapag nangyari 'yon ay hindi ko alam kung kaya pang bayaran ng kompanya ang mga benefits nila at separation pay. Ipit na ipit tayo."
"Oh, Papa... I'm sorry. Hindi ko alam na nagkakaproblema na pala kayo rito and I was in the US at ni walang kamalay-malay sa nangyayari. I feel so guilty."
"Sshh... don't say that, hija. Wala kang kasalanan dito."
"At ang lalaking ito na gusto ninyong maging asawa ko, ano ang
kinalaman niya sa lahat ng ito?" she asked reluctantly.
"Siya ang may ari ng Blue Chips, Incorporated, ang kompanyang nagbabantang mag-take over sa 
Worldnet."
Natigilan siya, bago muling nagsalita. "Hindi ba si Dylan Anderson ang may-ari ng kompanyang 'yon? Kaibigan ko siya, Papa. I will talk to him myself. Pakikiusapan ko siya."
"Dylan is only a minor stockholder of the company, Lena. Ang may-ari ng Blue Chips ay si Azul del Rosario.
She had never heard of the man but she hated him already.
"At magtatagumpay ba siya, Papa?" Malungkot itong tumango.
Nagsimula na siyang manlumo.
"Iisa lamang ang naisip kong paraan para manatili pa rin sa ating pamilya ang kompanya maski ibang tao na ang namamahala at nagmamay-ari ng majority of stocks---ang magpakasal ka kay Azul del Rosario."

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now