Chapter 5

3 2 0
                                    

Lothario...
IT WAS Friday night. Bachelor's night. Kapag Biyernes ay punung-puno ang elite gentlemen's club dahil may special strip shows ang mga geisha ng Lothario. May fifty percent discount ang mga pagkain at inumin, at ang mga babae ay libre. Not that the members could not afford the real prices. Parang may party atmosphere lang ang club kapag Biyernes kaya gusto ng mga miyembrong magbayad doon. Sa loob ng napakalawak na Moroccan-style suite ni Alexis Benedicto ay bumabaha ng inumin, nagkalat ang mga nimpa na naghihintay na tapunan ng pansin ng limang lalaking naroon. Ang iba ay sumasayaw sa malamyos na tugtugin na pumapailanlang sa ere. Ang iba naman ay nakahiga sa malapad na kamang may brocade canopy at silk covers, o kaya'y sa carpeted na sahig na napapaibabawan pa ng mga orihinal na Persian rugs.
Kapag Biyernes ay siguradong absent ang mga may-asawa na sa barkadahan na sina Lucky, DL, Marco, Russel. Alam kasi ng mga ito na no-holds-barred ang mga activities sa Lothario kapag Biyernes. Para hindi naman maging killjoy sa iba nilang mga kaibigan ay hindi na lamang pumupunta ang mga ito.
"Hey, I heard that you're taking over Worldnet. Pare, mukhang isa-isa mong nilalapa ang mga kalaban, ah! Ang bilis mo. Dapat na ba akong mag-ingat sa 'yo?"
Uminom si Blue mula sa hawak na kopita at dumulog sa mesang kinauupuan nina Nico, Alexis, Dylan, at Jonty. "Nic, nagpapatawa ka ba? Higante ka na while I am just getting started. At alam mong wala akong tinatalo alinman sa mga kaibigan ko. Saka iba naman ang linya ng mga negosyo mo."
"So, how did Carlos take it?" tanong ni Dylan.
Sumimangot siya. "He will sell the company to me for six hundred fifty million.
"Whoa! Mukhang nakuha mo nang mababa,ah?" ani ni Nico.
"Hah! That's what you think!" aniya, sabay ismid.
"Bakit naman? I think that's a great price, pare. Nahihiya nga ako kay Carlos. 'Buti na lang, hindi ako ang nakikipagnegosasyon sa Worldnet. Huwag mong idadawit ang pangalan ko sa deal na 'yan, ha? Out ako riya. Kaibigan ko ang anak ni Carlos," ani Dylan habang nagdi-deal ng baraha.
Natigilan siya at sinulyapan ito. Sa simula pa lamang ay sinabi na nito na hands off ito sa binabalak niya sa Worldnet. "Yeah, yeah. Some partner you are, Dylan. Teka, ilan ba ang anak ni Carlos?"
"Iisa lang. Bakit?"
Napalatak siya. "Too bad. By the way, I'm getting married."
Ang lahat ay napatungangang tumingin sa kanya. 
"You're kidding, right?" ani ni Alexis na hindi sineryoso ang kanyang sinabi. "Ikaw, mag-aasawa?" Natawa pa ito.
Itinigil ni Dylan ang pagdi-deal ng baraha at dinampot ang sarili nitong baso. "Ah, are we having a serious talk here?"
Umiling siya. "Nah, nothing serious, man. It's actually a business arrangement."
Nagulat si Alexis. "Teka, klaruhin natin. A marriage of convenience, is that what you're saying?"
Tumango siya. "Parang ganoon na nga."
"So okay, how much are you getting out of the deal?" curious na tanong ni Dylan. "Is she worth your freedom?"
"A whole lot, man. At sino ang maysabing magpapatali ako sa kasal na ito?
Hell, no. Negosyo 'to?"
Tinapik ni Alexis ang balikat niya. "Tama ka, pare. So, sino ang babaeng ito? Kilala ba namin?"
Natigilan siya, bago muling nagsalita. "Ang totoo niyan ay hindi ko pa siya nakikilala. Pero baka kilala n'yo?."
"What?!" panabay na bulalas ng lahat.
"Naloloko ka na ba, pare? Pakakasalan mo ang babaeng ni hindi mo
nakikita?" ani ni Jonty.
Ngumiti siya, may naglalarong imahe sa utak. Imahe ng isang babaeng may gintuang mga hibla ng buhok at maladiyosang katawan. She was fiery, elusive, and mysterious. Lalo niyang nagugustuhan ito. He will have her for his mistress. He did not care if he had a wife somewhere as long as he had that sexy little vixen in his bed. It would be a perfect setup. "I don't care. It will be a marriage in name only."
Nagkatinginan ang mga kaibigan niya, may pag-aalala sa bawat mukha. Marriage talks always made them uneasy.
"Blue, hindi ka ba nabibigla lang sa desisyon mo, pare? Baka mukhang kabayo 'yang magiging misis mo," ani Jonty.
"Hindi naman siguro. Hindi naman mukhang kabayo si Carlos. Malamang na maganda ang asawa nito, so most like ay hindi naman siguro pangit ang anak nila."
"Carlos?" Napalakas ang boses ni Dylan.
Tumango siya. "Yap. Pakakasalan ko ang anak ni Carlos Monserati kapalit ng pagbebenta niya sa akin ng majority of stocks ng Worldnet." "Carlos' daughter? I remember her. I haven't seen her in a while though," ani ni Nico na nangislap ang mga mata.
"Helaena Monserati." ani Alexis.
"Si Lena?" Nandilat ang mga mata ni Jonty.
"My Lena?" ani ni Dylan na parang tinuka ng ahas.
Napansin kaagad niya ang kakaibang reaksiyon ng mga ito. Para bang may alam ang mga ito na hindi niya alam. "Yeah, Helaena whatever. So, you all know her. What does she look like?"
Ngumisi si Alexis. "Oh, yeah. Lena is very beautiful Blue. And... uh..." Tumingin ito kina Jonty at Dylan.
Umarko ang mga kilay niya. "And...? Bakit parang may hindi kayo
sinasabi sa akin? Come on, I can read it in your faces. Spill it out."
Sumeryoso ang mukha ni Alexis. "Baka hindi mo magustuhan ang
sasabihin ko, pare."
Asar na ibinaba niya ang kanyang kopita sa mesa.
"Quit stalling, man. Ano ba 'yon? She'd be nothing to me. Just a wife. A stock investment. Nothing personal."
"Really? Ah, well, yamang nagpupumikit kang malaman. Sabagay, eventually ay malalaman mo rin."
"Damn it! Say it, X!"
"Ah, you see, Blue, si Lena ay naging girlfriend ko dati. Pero matagal na
'yon," bantulot na sabi nito.
"At naging girlfriend ko rin dati," ani Jonty.
Na naging girlfriend din ni Russel dati," saad naman ni Nico.
"And I am dating her, damn it, Blue!" singhal ni Dylan sa kanya. "Ano na namang kalokohan 'to, pare? Bakit nasali si Lena sa negosasyon?" Matigas ang tono nito.
Hindi siya nakapagsalita. Isa-isang tinitigan niya ang mga ito, inaarok kung binibiro lamang siya. At natanto niyang hindi. Nagbaka-sakali pa rin siya. "Tell me you're all kidding."
Walang umimik, lahat ay umiwas ng tingin maliban kay Dylan na mukhang papatay ng tao.
Tiim-bagang na tumango-tango siya. "So, I'm about to marry the syota ng bayan."
"She's not like that naman, pare," mabilis na depensa ni Alexis. "Lena is a decent woman."
"Very intelligent and classy," komento pa ni Jonty.
"Uh-oh. She's one in a million, all right," ani Alexis.
Nabayo niya ng kanyang kamao ang mesa. "Cut the crap, will you? Kahit ano pa ang sabihin n' yo ay hindi magbabago ang isang bagay. That you all had her!"
"Ah, Blue... Pare..." Tila hindi alam ni Alexis kung paano magpapaliwanag.
"Shove it," aniya at muling tumungga mula sa kanyang kopita. "I ain't having her anyway. Pakakasalan ko lang siya dahil sa Worldnet. It's her father's company I want, not her. She's just an inconvenient part of the package, but once I'll get rid of the moment, I got Worldnet. So don't worry. Wala sa akin 'yon." 
"Damn you, Blue! She's a good woman!" asik ni Dylan.
"Dylan, get off my case, buddy. This wasn't my idea. I don't want her. Si Carlos ang nagpupumilit na ipakasal ako sa anak niya. Tuso ang matandang 'yon. Naniniguro."
Bumuntong-hininga si Alexis. "Tama si Dylan. "She's a good woman, Blue. Actually, masuwerte ka."
Sarkistong humalakhak siya. "Oh, yeah? Let's toast to that then. To me and my marriage of convenience and my friends who already fucked my future bride."
Walang dumampot ng baso.
Inubos niya ang laman ng sarili niyang baso at padarang na tumayo na.
"Mauuna na ako. Imbitado kayong lahat sa kasal."

בלוי דעל ראָסאַריאָWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu