Chapter 15

4 2 0
                                    

HELAENA del Rosario. She was his now. His wife.
Blue must be some ten kinds of fool to marry her under her terms. But he did. And looking at her now, so beautiful and graceful in her simple wedding dress, laughing with his friends, he did not feel any single regret.
He felt anticipation and excitement instead. And possessiveness.
Lumapit siya sa grupo kung saan naroon ang kanyang asawa.
Napapalibutan ito ng ilan sa kanyang mga kaibigan.
"Lena, ang daya mo.Akala ko ba, may date tayo? I can't believe na pinili mo si Blue over me." narinig niyang sabi ni Dylan sa seryosong tono, saka tiningnan siya nang nakakaloko.
Namula ang kanyang asawa. "Dylan!"
Hinapit niya ito sa baywang. "Sorry, pare. She's taken now. Buzz off," seryosong sagot niya.
Mayamaya ay tumawa si Dylan. "Nagbibiro lang ako."
Bago ang kasal ay nag-usap na sila nito. He had settled the score with his friend. Pareho nilang kagustuhan ni Helaena ang magpakasal at
naiintindihan nito iyon.
He was thankful that Dylan finally let it rest. Dahil kung hindi ay baka mag-away sila dahil sa isang babae, and where Helaena was concerned, he absolutely did not want to share.
Tinapik siya ni Dylan sa balikat. "Congratulations, pare. Naunahan mo ako. Ang suwerte mo," sinserong sabi nito.
"Yeah," panabay na sabi naman nina Alexis at Jonty.
Tiningnan niya si Helaena. She was blushing. Muli ay nakaramdam siya ng matinding selos pero iyon ay isang bagay na dapat na niyang tanggapin sa kanyang sarili kahit masakit. Hindi naman kasalanan ng kanyang mga kaibigan na minsang nakarelasyon ng mga ito ang kanyang asawa. It was all in the past. Ang importante ay ang ngayon. They would start a new life together and he will be the only one man in her life from now on.
Pumailanlang ang isang malamyos na musika mula sa violinist. "And now, the bride and groom will have their first dance together as husband and wife," ani Issabella.
Nagpalakpakan ang mga bisita. Inakay niya ang kanyang asawa papunta sa gitna ng hardin at isinayaw ito. 

BLUE'S open possessiveness made Helaena feel so special. No man had ever desired her like this. Blue del Rosario, a computer genius, a very wealthy man in his own right, so gorgeous that it hurt to look at him sometimes, and he wanted her like an obsession. It was both flattering and frightening.
Every other woman would kill to have him especially as a husband. At siya ang pinakasalan nito.
Masaya na ang kanyang ama. Nakuha na niya ang gusto niya sa
kasunduan nila ni Blue sa Worldnet. Blue had given her the papers earlier before the wedding. She was now the new vice president of Worldnet. Today, he also wrote a staggering twenty million-peso check for her foundation as a wedding present. He was always true to his words. A rare virtue in these days. Kung tutuusin, ang araw na ito ang isa sa pinakasuwerteng araw sa kanyang buhay.
Alam niyang may ibang pagkatao ang kanyang asawa na nakatago at hindi nakikita ng ibang tao. May puso ito para sa mga naaapi, para sa mga mahihirap. Magkakasundo sila sa bagay na iyon at marahil ay sa iba pang mga bagay.
She stared at him. He still looked arrogant and tyrannical, and he still expected everything to come his way.
But he was holding her so tenderly, like he was afraid to hurt her. Ano na nga ba ang sinasabi nila? "The toughest and the fiercest of hearts actually the most capable of tenderness and deep affection." She has read that somewhere.
Nasasaktan siya. Natatakot. Pero naroon na siya. She might as well make the most of her situation. Susubukan niyang makuha ang tiwala at pagmamahal ng kanyang asawa.
He was still such a mystery to her. Habang tumatagal ay gusto niyang malaman ang buong pagkatao nito. Gusto niyang arukin ang
kaloob-looban nito. And maybe as his wife, he would loosen his guard and let her in his heart and soul completely.

"CONGRATULATIONS, Helaena."
"Salamat, Savanna."
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You look nice in that dress," anito sa hindi sinserong tono.
"Too bad you're not the one in this dress."
Umiling ito. "Marumi ang utak mo, Helaena."
"Hindi. Marunong lang akong kumilatis ng tunay na saloobin ng ibang
tao."
Nagkibit-balikat ito. "Believe whatever you want. Wala akong ginagawang masama."
Tumaas ang kilay niya. "Gano'n ba? Well, mabuti naman kung ganoon. Ayoko pa namang maging magkaaway tayo. I would hate to fire you." Tumawa ito. "Really? You can't do that. Only Blue can do that. You've got no power over his business decisions. And he will never let me go. Magaling ako, eh."
"Oh, I wouldn't bet on that, Savanna. You see, I am now your boss wife. Alam mo ba ang ibig sabihin niyon? Puwede akong makialam sa lahat ng aspeto ng negosyo niya kung gugustuhin ko."
"You're dreaming, Helaena. Blue will never allow that to happen."
"Really? Huwag kang pasisiguro. We'll see."

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now