Chapter 14

4 2 0
                                    

PALAGING magkasama sina Blue at Helaena nang mga sumunod na araw. Inasikaso nila ang kanilang marriage license at kung anu-ano pang kailangang mga papeles sa pagpapakasal. Naging magaan na ang
pakikitungo nila sa isa't isa. He had been nothing but a perfect gentleman. Pakiramdam nga niya ay nililigawan siya nito. Napapadalas kasi ang pagpapadala nito sa kanya ng mga bulaklak, puwera pa ang maya't mayang pagtawag nito upang kumustahin siya.
Naroon din ito nang ilabas nila ang kanyang ama sa ospital, nakaalalay na parang kapamilya.
Nakipag-dinner ito sa kanyang pamilya sa kanilang bahay. Inasikaso ito ng kanyang ina na parang prinsipe.
"Your parents are really nice to me," sabi nito nang magkasarilinan sila sa garden ng kanilang mansiyon.
"Nasaan ba ang pamilya mo?" wala sa loob na naitanong niya rito.
Napatiim-bagang ito, tumingin sa malayo. "Nasa Amerika ang mother ko. Patay na ang ama ko. Solo akong anak," anito sa walang emosyong tinig, ngunit ramdam niya ang tensiyong lumukob sa katawan nito.
He looked suddenly withdrawn. His eyes seemed haunted by some pain.
"I'm sorry, Blue," nagpapaumanhing sabi niya at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ko alam kung paano mawalang ng magulang, pero alam kong masakit."
Tinitigan siya nito, pagkuwa'y ngumiti. "Kumusta na ang preparasyon para sa reception?"
Nahalata niyang ayaw na nitong pag-usapan pa ang pamilya nito kaya hindi na siya nagtanong pa.
"Okay na. Iyong judge na lang para sa seremonya ang kulang. Sino ba ang kukunin natin?"
"Ako na ang bahala roon. Ipasa mo ang lahat ng bayarin sa opisina ko, okay?"
Ngumiti siya. "Okay. Pero ako na ang bahala sa gown ko. May regalo sa akin si Donna."
Natigilan ito. "About your job in New York..."
"Tinawagan ko na si Donna. Nag-resign na ako. I may need to go back to New York to fix some things there."
"Sabay tayong pupunta. Pero pagkatapos na ng kasal. May business trip din ako sa L.A."
Ngumiti siya. Himalang hindi na siya naiinis sa pagka-bossy nito, bagkus, kinikilig na siya. Parang kasing ayaw nitong magkahiwalay sila kahit sandali. At kung tatanungin niya ang kanyang sarili ngayon, buong puso
na niyang gustong maging asawa ito. Kahit siya ay hindi makapaniwalang ganoon na ang kanyang nararamdaman, pero naroon na lang iyon, pumasok sa kanyang kamalayan nang hindi niya namamalayan.
"Love comes to you like a thief." It was a cliche she often read in books. She never believed it, until now.
Muli, kinabig siya nito, niyakap at hinalikan sa noo. She buried her face in his neck and inhaled his scent, a combination of woodsy cologne and his unique masculine smell. She wanted to lick his smell. Lord, she was absolutely in love and in lust with this man. Magmula nang kanilang engagement ay hindi na siya hinalikan nito nang torrid. Puro chaste kisses na lang ang ginagawa nito sa kanya. A peck on the cheek or a quick smack on the lips. She missed his long and deep kisses, especially his
French kisses."
He cupped her face and kissed her tenderly, lightly savoring her lips. Napapikit siya. She wanted more. Ibinuka niya ang kanyang mga labi. Umungok ito at lumalim ang halik nito. Nanalanta ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. He tasted so good... Huminto ito.
"Helaena..." he groaned.
Dumilat siya. His eyes were intense on her and she could feel him hard and throbbing against her belly.
"I have gone this far without touching you, sweetheart. Ilang araw na lang at magiging asawa na kita. Matitiis ko na yon. As my wife, you will come to me willingly as you promised, right, Helaena?"
She smiled lovingly at him. "Yes."  "And you will give me everything I want?"
"Yes." And she meant it with all her heart.
He smiled down at her boyishly. Her bones seemed to melt with loving him. "Then we'll save the best on our honeymoon and the rest of our lives together. 
"The rest of our lives together." She wished that he meant it. She would like nothing more than to be with him forever.

"WOW! ANG ganda! Babagay 'yan sa 'yo, Lena. It's so exquisite! You will really look beautiful in this gown, girl. Lalong mai-in love sa 'yo si Blue."
Guilty na nilingon niya si Issabella. Her friend was so sincere and supportive of her. Pinagseselosan pa niya ito gayong wala naman itong
kamali-malisya kay Blue. Botung-boto pa ito sa kanyang
mapapa-ngasawa para sa kanya.
"Issa, ano ba? Ayan ka na naman."
"Hmp! Kunwari pa ito! Alam ko namang in love ka sa boyfriend mo. Nagtu-twinkle 'yang eyes mo at ngumingiti ka palagi na parang
luka-luka."
Naramdaman niyang pinamulahan siya ng mukha.
"Hindi, ah!"
"Hay naku, nag-deny pa, eh, obvious naman!"
Natahimik siya. Mayamaya ay hindi niya mapigilan ang maiyak.
"O, bakit ka biglang naiyak diyan? Tama ako, ano?
Tumango siya. "Tama pala sila. You can't chose whom you love. I don't even like him. But I just love him. Period."
Kinilig naman ito sa sinabi niya. "Hay... how romantic. Ako kaya, may darating din kayang Prince Charming? Naiinip na ako. Baka maging old maid na ako, Lena."
Umikot ang mga Mata niya. "Siyempre naman. You are beautiful, famous and rich. Mabait pa. Ano pa ang hahanapin ng lalaki sa 'yo?"
"Thanks, Lena, kahit alam kong binobola mo lang ako. Best friend talaga kita," anito at nagkatawanan sila.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya. Nagulat siya sa naka flash na pangalan sa screen, Vanna.
"Hello, sino to?" anang tinig sa kabilang linya na halatang nagulat.
"This is Helaena, Savanna."
"Oh! Hindi ba telepono ni Blue 'yan?" mataray na sabi nito.
"Yes, kanya ito, pero pansamantala niyang ipinagamit sa akin," sagot niya na nagtimping magtaray din. Intrimitida talaga ang babaeng ito! Akala mo'y kung sinong makaasta!
"Oh, well, never mind. I've been trying to contact you through Worldnet pero mukhang palagi kang busy. Puwede ba tayong magkita? May importante lang tayong pag-uusapan."
Natigilan siya. "Tungkol saan, Savanna?" aniya nang makabawi.
"Oh, it's about Blue."
Kahit asar siya rito ay naintriga siya sa sasabihin nito. "Sige. Saan tayo magkikita?"
Sinabi nito ang pangalan ng isang mamahaling restaurant sa Glorietta.
"Sige, I'll be there."
NAROON na si Savanna nang dumating si Helaena. Tila maaga itong dumating at halatang nainip na sa paghihintay sa kanya. Sinadya niya kasing magpahuli nang ilang minuto.
"Would you like to drink?" tanong nito nang makaupo siya sa karatig na
silya.
"Melon juice lang."
Tinawag nito ang waiter at um-order. Nang makalayo ang waiter ay may kinuha ito mula sa attache case nito, isang folder, at inilapag ito sa mesa.
Napakunot-noo siya. "What's that?"
Ngumiti ito nang bahagya. Nabasa niya ang panunuya sa mga mata nito.
"Blue asked me to personally take care of this."
Binuklat niya ang laman ng folder. It was a prenuptial agreement. Isang kasulatang nagsasaad na kapag nakasal siya ay wala siyang anumang makukuha mula sa mga personal na ari-arian ni Blue maliban sa mga assets na maipupundar nila bilang mag-asawa. It was a black-and-white document that emphazised clearly what she and Blue had. A marriage with convenience.
Nagkahigik sa lalamunan niya. Gumapang ang kirot sa kanyang dibdib.
Totoong kalakaran na ngayon ang mga mayayaman ang magkaroon ng prenuptial agreement bago ikasal para maiwasan ang komplikasyon ng hatian ang properties kapag hiwalayan na, pero nasaktan siya kahit ang sinasabi ng kanyang utak ay praktikal iyon sa panig ni Blue at sa panig niya.
Alam niya kung bakit. She had fallen in love with him and she wanted to share everything that she had with him. Pero hindi ganoon ang damdamin nito. Para dito ay parang isang negosyo ang kanilang kasal, isang transaksiyong ilalagay sa kontrata, isang pagsasamang walang pundasyong emosyonal.
"I hope you are satisfied with the contents of the agreement. I am sure, mayroon ka ring sariling pre-nup na gustong papirmahin kay Blue? I suggest na ipagawa mo na sa abogado mo ang kasulatan bago kayo ikasal. Alam mong praktikal, lalo at isang marriage convenience ang magiging setup ninyo ni Blue. Ihanda mo na ang sarili mo. Kilala ko si Blue. Kapag nakuha na niya ang gusto, he would want out of the marriage. Ayaw
niyang naiitali."
Gusto nang kumawala ang kanyang galit pero nagtimpi pa rin siya. She fastened a confident smile on her lips.
"You don't like me, do you, Savanna?"
Nagkibit-balikat ito. "Huwag mong personalin ang usapan, Helaena. This is purely business."
Ngumiti siya nang nakakaloko. "Alam mo, noong una pa lang tayong magkita, alam kong asar ka na sa akin."
"At bakit naman? You are presuming things, Helaena."
"Am I? Let's cut the bullshit, Savanna! You don't like me because I am getting between you and Blue. I will be his wife, ang pinapantasya mong posisyon sa buhay niya na hindi na mangyayari ngayon."
Pumalatak ito. "Alam mo, hindi ko papatulan ang mga sinasabi mo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. I am Blue's personal assistant and I have never been waiting in my responsibilities. Pagdating sa trabaho ay perfectionist ako dahil iyon ang hinihingi ni Blue. I don't have to listen to some spoiled socialite's jealous tantrum. Wala akong pakialam anumang klase ng relasyon meron kayo ni Blue. He consulted me about this and he asked me personally see to this matter. You will be his wife, yes, but I will answer to no one but Blue. Mabuting nagkakaintindihan na tayo habang maaga pa." She looked so cool and unraffled. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang petty. "So, are you going to sign the document or not?"
Dinampot niya ang folder. "Dadalhin ko ang kopyang ito. I need to consult my lawyer first. I will call you up the moment na mapirmahan ko ito. Or better yet, ako na mismo ang magbibigay nito kay Blue." Ngumiti ito. "Good. Kung ganoon ay hindi na ako magtatagal. Marami pa akong gagawin sa opisina. Blue is waiting for me there. "Salamat sa oras mo."
Naiwan siyang nakatingin sa kawalan. She felt a painful pressure in her heart. Dumating ang kanyang melon juice. Nag-iwan na lamang siya ng pera sa mesa at umalis na rin ng restaurant na iyon. Sumakay siya sa kanyang kotse, ilang minutong nakaupo lamang sa driver's seat.
Hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya. Lord, bakit ako nasadlak sa ganitong sitwasyon? Would she throw all her dreams away for money and power?
She had longed for love to come into her life. At nang sa wakas ay naramdaman na niya ang mga emosyong iyon para sa isang tao, kakambal naman niyon ay ibayong lungkot, takot, at sama ng loob. Dahil siya lamang ang nagmamahal.
But she had other responsibilities. Sa kanyang pamilya. Sa Worldnet. It was too late to back out now.
Dumiretso siya sa kaniang abogado de campanilla.

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now