Chapter 2

5 2 0
                                    

Hinimas ni Blue ang nasaktang pisngi niya. Napapalatak siya. Wala pang babaeng nakasampal sa kanya. Kung sino man ang misteryosa at tigreng babaeng iyon, may utang itong isang sampal sa kanya at sisingilin niya iyon ng triple.
Muli siyang pumasok sa mansiyon, puwesto sa isang sulok at matamang pinagmasdan ang papalaganap na kasayahan. He hated parties,but this one was an exception. Isa siyang uninvited guest sa naturang pagtitipon. Birthday party iyon ni Issabella de Oliviera, ang sikat na fashion at commercial model, Augusto de Oliviera's only child and heir to his vast fortune. He wanted to have a glimpse of her.
Samut-saring emosyon ang kanyang nararamdaman habang tinitingnan niya ang babae.It hurt to look at her. She was so beautiful, so happy. She was a bright shining light to behold and it showed in her radiant smiles. Tiyak niyang kailanman ay hindi ito nakatikim ng hirap sa buhay. She had been born with a silver spoon in her mouth. In a palace.
While he was born with a knife in his heart. In hell.
He clenched his jaw when he saw Issabella toss her long hair and laugh out loud. Ang halakhak nito ay mistulang gasolinang lalong nagpasiklab sa poot at pag-iimbot sa kanyang puso. She looked so innocent, so sheltered, so safe from the horrors of the outside world.
While he had never felt safe in his entire life.
Naging malupit ang kapalaran sa kabataan niya.
He remembered being young and wise and jaded beyond his age...
"Dali, Blue! Aabutan na tayo ni Pinpin Beho!"
Halos sumabog na ang baga niya sa katatakbo. Dahil mas maliit siya kay Santino ay nasa likuran siya nito. Halos lumuwa na ang dila niya sa pagod, pero kapag tumigil siya ay lagot siya sa intsik na humahabol sa kanila.
Kung saan-saan sumuot si Santino, paliku-liko sa looban ng mga estero sa Quiapo. Bigla ay nawala ito sa kanyang paningin, at dahil gabi na ay nahirapan siyang hanapin kung saan ito sumuot.
Nagpahinga siya sa isang sulok habang hawak niya ang mga ninakaw nila Santino mula sa isang grocery store.Sinilip niya ang laman
niyon--halu--halo--may mga de-lata, sabon, shampoo, at kung anu-ano pa. Tiyak niyang matutuwa ang kanyang Mamang Amanda kapag may
naiuwi siyang pangkunsumo nila sa araw-araw.
Nang bigla na lamang ay sumulpot si Pinpin Beho mula sa kung saan. Sinunggaban siya nito sa leeg at kinaladkad patayo. "Mga walang-hiya kayo! Mga magnanakaw! Ibalik n'yo sa akin mga ninakaw n'yo!" Nagpumiglas siya pero mahigpit ang pagkaka-hawak nito sa kanyang leeg at halos hindi na siya makahinga. Nabitiwan niya ang hawak niyang sako. Sinampal at binatukan siya ng galit na galit na Intsik. "Aray ko po, Beho! Tama na po! Hindi na po ako uulit!"
Dinampot nito ang nabitiwan niyang sako, saka siya kinaladkad patungo sa barangay hall.
Sampal, batok, at tadyak ang tinanggap niya mula sa kanyang amang si David. "Lintik kang bata ka! Magnanakaw ka rin lang ay nagpahuli ka pa!"
Umiiyak na iniharang ng kanyang ina ang katawan nito sa pagitan nilang mag-ama. "David, tama na! Maawa ka sa bata!"
Dinuro nito ang kanyang ina. "Isa ka pa! Lagi mong kinakampihan iyang anak mo, palibhasa'y mana sa iyong bobo! Buwisit! Sa susunod, huwag mo nang tutubusin sa barangay hall 'yan! Hayaan mong mabulok doon para magtanda.
Tinalikuran na sila nito at nagtungo sa kusina ng kanilang barongbarong.
Mula roon ay nagliparan ang kanilang plato at kaldero. "Namputsa naman, Amanda! ' Di ba sinabi kong lagi kang maghahanda ng pagkain pagdating ko? Bakit wala ka pang sinaing? Anong klase kang asawa?! Magluto ka!"
Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang mukha. "S-sandali lang, anak. Gagamutin ko mamaya ang mga sugat mo. Magsasaing lang ako. Huwag kang aalis ng bahay, ha?" Pagkuwa'y dali-dali na itong nagtungo sa kusina. Naiwan siya sa isang sulok ng kanilang barongbarong, pinahid ang dugong umaagos mula sa pumutok na bibig niya.
Mayamaya ay muli siyang nilapitan ng kanyang ama. "Akin na iyong nadelihensiya mo ngayong gabi."
Para makatulong kasi sa kanyang ina ay naghahanap-buhay siya sa kalye bilang tindero ng sigarilyo at candy sa gabi. Palabuy-laboy siya sa gitna ng Kamaynilaan, bawat sentimong kinikita ay ibayong pawis ang puhunan. Ang kanyang ina naman ay nagtitinda ng kung anu-ano sa palengke.
Ipinasok ng kanyang ama sa bulsa niya ang kamay nito at kinuha ang lahat ng laman niyon. Hindi na siya umangal, kinimkim na lamang niya ang galit at paghihimagsik ng kalooban.
Balang-araw kapag malaki na siya ay hindi na siya papayag na saktan na siya nito. Sampung taong gulang na siya. Ilang taon pa at makakapanlaban na siya nang bugbugan sa kanyang walang-kuwentang
ama...
Lumaki siya sa kalye,nagkaisip na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi libre. Na kung mayroon mang gustong makamit ay magpupuhunan muna ng dugo at bayag. And in order to survive in the tough streets of the slums,one would have to loose one's conscience...
"O, ano, pare, sasali ka ba sa lakad mamaya?" tanong ni Santi sa kanya habang panay ang hithit nito ng damo. Binago na ni Santino ang pangalan nito nang mag-teenager na sila, ginawang Santi para mas "rock" daw ang dating. Pareho silang mahilig sa pakikinig ng heavy metal at punk music.
"Malaki ang mararaket natin dito, Blue."
Nakahithit siya sa stick nito habang sinusuklay nito ang buhok nitong mahaba. Iyon ang usong hairdo ng mga kalalakihan ngayon---long-haired look. Pero pinanatili niyang maiksi ang kanyang buhok. Magastos sa shampoo. "Magkano naman ang parte ko? Saka sigurado ba yan? Baka mamaya niyan, sumabit na naman tayo. Puro palpak ka naman kasi. Mainit pa naman tayo sa mga barangay tanod ngayon."
"Ala, pare, sure hit to. May dumating na epektos galing Amerika at itinambak lahat sa warehouse ni Stephen Yu. Kakuntsaba natin ang dalawa sa mga guwardiya niya at iyong mga bodegero. May nakahanda nang sumalo sa mga epektos. Walang sabit, pare. Garantisado."
"Sige, Anong oras tayo magkikita mamayang gabi?"
Oh, yeah. He had lost his conscience and along with it, his conscience a long time ago...
Binilang niya ang naging parte niya sa small-time modus operandi nila ni Santi. Nakalimang libo siya. Hindi na masama. May maiaabot siya sa kanyang Mamang Amanda. Pasipul-sipol siya at lumulan sa isang jeepney.
Daraanan niya si Sally, ang girlfriend niyang dancer sa isang club sa Ermita.
Napangiti siya nang maalala siya nito. Sa malaimpiyernongbuhay niya, ito ay kumbaga pam-breaktime niya. Hindi ito nagdudulot ng anumang problema sa kanya, bagkus pawang glorya.
Matao sa club nang pumasok siya. Kasalukuyang magsasayaw sa entablado ang kanyang nobya. Malakas ang sigawan, paswitan, at mga sipol ng kalalakihan. Mga ulol, hanggang tingin lang kayo, sa isip-isip niya. Si Sally ang star dancer ng naturang club at siya ang nobyo nito.
Nang matapos ang number nito ay pinuntahan niya ito sa backstage. Binati siya ng iba pang mga babaeng naroon.
"Hello, Blue.Ang galing ng porma natin ngayon, ah.Ang guwapo mo talaga!" bati ng isang dancer sa kanya, sabay haplos sa kanyang dibdib paloob sa kanyang black leather jacket. "Pag break na kayo ni Sally, tayo naman, ha? Type kita," anitong pinapungay pa ang mga mata.
"Oy, Alona malandi kang babae ka, narinig ko 'yan ha!" sigaw ni Sally mula sa loob ng dressing room.
Umingos ang babae. "Hus, 'di ka na mabiro,Sally."
Ngumingising pumasok siya sa dressing room at isinara ang pinto. Kaagad niyang kinabig si Sally pero itinulak siya nito. "Na-miss kita," paglalambing niya rito.
"Nagpapalandi ka naman sa babaeng 'yon."
Natawa siya. "Ang lagay niyan ay nagseselos ka pa kay Alona? Gago ba ako para ipagpalit kita ro'n?" Hinalik-halikanniya ito.
Mayamaya lamang ay hindi na ito umiiwas. Lumaban na rin ito ng halikan. Isinampa niya ito sa dresser at pumagitna sa mga hita nito.
"Huwag dito, Blue. Baka may pumasok," pigil nito sa kanya. 
"Sandali lang 'to, Sal. Na-miss talaga kita."
Sumimangot ito. "Bakit ang tagal mong hindi nagpakita sa akin?"
"Alam mo namang pumapasok ako sa eskuwela sa araw at rumaraket naman ako sa gabi. Ngayon lang ako nagkalugar."
"Pa-school-school ka pa kasi. Ano naman ang mapapala mo sa
pag-aaral?"
"Hayaan mo na. Si Mamang ang may gusto,eh. Pinagbigyan ko na para hindi magalit sa akin. Iyon lang ang hinihingi n'on sa akin kaya hindi ako makatanggi." Ipinaloob niya ang kanyang kamay sa suot nitong roba at hinagod niya ang mga dibdib nito. Napasinghap ito.
Nang-tanggalin niya ang panloob nito ay hindi na ito tumanggi. Alam
niya ang lahat ng kiliti nito...
And how he hated his father,the good-for-nothing son of a bitch,the plague of his good-for-nothing life...
Malayo pa siya sa kanilang tinitirhan ay naririnig na niya ang pagmumura ng kanyang ama. Napakaripassiya ng takbo papasok sa kanilang bahay. Inabutan niyang tinatadyakan nito ang kanyang ina na nakahandusay na sa sahig, duguaan ang mukha at gulapay na sa hirap.
Nagdilim ang kanyang paningin. Sinugod niya ang kanyang ama na parang nauulol na hayop.
Dahil sa pagkagulat ay hindi ito nakapaghanda sa kanyang pag-atake. Kinubabawan niya ito at pinagsusuntuk nang walang patid. Nang duguan na ito ay tumayo siya at pinagsisipa ang gulapay nang katawam nito. "Tang 'na ka! Demonyo ka! Papatayin kita! Papatayin kita, 'tang 'na ka!" Saka lamang siya parang natauhan nang yakapin siya ng kanyang ina para awatin. Humihingal siya sa bugso ng galit. "Tama na, anak.Azul! Azul! Tama na!"
Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa duguang mukha nito at sa duguang mukha ng walang-malay na ama niya.
Maraming taon na nilang pinagdurusahang mag-ina ang presensiya ng kanyang ama sa kanilang buhay. Isa itong walang-kuwentang tao na mistulang halimaw na nagsasamantala sa kahinaan nilang mag-ina.
Pero hindi na ngayon dahil siya ay labingpitong taong gulang na. At magmula sa araw ma iyon. Isinumpa niyang tapos na ang kalupitan ng kanyang ama sa kanilang mag-ina.
Marahil ay pinakinggan siya ng langit. Isang araw ay hindi na nagising ang kanyang ama. Lumabas sa awtopsiya na inatake ito sa puso habang natutulog.
Ni isang butil ng luha ay walang nalaglag mula sa kanyang mga mata. Ipinalibing nilang mag-ina ang bangkay nito nang araw ding iyon sa isang pambublikong sementeryo.
"Mang, huwag kayong magagalit sa akin, pero hindi ako malulungkot o nanghihinayang na wala na siya. Ang totoo ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Kailanman ay hindi ko naramdamang naging ama ko siya.
"Anak..."
"Kinamumuhian ko siya 'Mang. Ilang beses kong tinanong sa Diyos kung bakit siya pa ang naging ama ko. Pero ngayon ay wala na siya. Wala nang magiging balakid sa mga pangarap natin." Hinaplos niya ang mukha nito. "Magmula sa araw na ito. 'Mang, ay tayong dalawa na lang. Ipinapangako kong hinding-hindi ko kayo pababayaan."
Tumangu-tango ito. "Anak, may ipagtatapat ako sa 'yo. Patawarin mo sana ako at inilihim ko ito sa'yo, pero panahon na para malaman mo ang katotohanan. Gusto kong maghilom ang sugat na iniwan ni David sa iyong puso at isipan. Gusto kong magbagong-buhay tayo pareho."
"Ano po 'yon, 'Mang?"
"Azul, anak, hindi si David ang tunay mong ama."
For once in his life during that moment, he felt happy. So, the son of a bitch was not his real father after all. He did not care who fathered him, as long as it was not cruel son of a bitch! Iisa lamang ang taong kinikilala niyang pamilya---ang kanyang ina...
Sa kabila ng paghihirap nilang mag-ina, iisa lamang ang panata nito sa sarili---ang mapag-aral siya.
"Anak, ang tangi kong pinapangarap sa buhay ay ang makita kang makapagtapos sa kolehiyo. Iyon lamang ang tangi kong maipapamana sa iyo, anak, para mas maging maganda ang kinabukasan mo, para hindi ka matulad sa akin. Sana ay huwag mo akong bibiguin.
Tumango siya. "Ipinapangako ko, Mang."
Naigapang siya nito hanggang makatapos siya ng high-school. Hindi naman niya binigo ito sa mga inaasahan nito mula sa kanya. Nagtapos siya bilang salutatorian sa isang public school. Pangalawa lamang siya dahil hindi siya nag-excel sa extracurricular activities na ang katapat na medalya ay ang Gerry Roxas Award. Wala kasi siyang pera para panggastos sa mga out-of-town conferences at seminars. Ngunit nakuha niyang lahat ang major awards sa Science at Mathematics. Siya ang naging pambato ng kanilang eskuwelahan sa Math Olympiad.
Kaya naman nang magkolehiya siya ay alam na niya kung anong kursong kukunin niya at alam niyang magiging mahusay siya roon---Computer Science.
Nalungkot ang kanyang ina nang banggitin niya ang kursong nais niyang kunin. "Baka hindi ko kayanin ang gastos, anak. Mahal ang kursong ganoon.Kailangang may sarili kang computer."
Inakbayan niya ito. "Huwag kayong mag-alala, Mang. Ako na ho ang bahala roon. Magwo-working student ako. Kukuha ako ng entrance exam sa UP.Kapag naging scholar ako ay malilibre ang halos kabuuan ng tuition ko. Sisikapin kong ma-maintain ang mga grades ko, 'Mang." Naluha ito. "Azul, anak, patawarin mo ako. Gusto kong magtagumpay ka, anak, pero..."
Hinaplos niya ang likod nito. "Mang, huwag n'yo nang alalahanin 'yon. Malaki na ako, kaya ko nang suportahan ang sarili ko. Ang inaalala ko ay kayo. Mabuti pa ay magpahinga muna kayo sa trabaho. Nangangayayat na kayo nang husto."
Umiling ito, "Naku, wala ito, anak. Sayang naman ang kikitain ko sa sa palengke. Kaya ko ang sarili ko. Wala ito. Basta, pagbutihin mo ang pag-aaral mo, ha?"
Gusto niyang magprotesta, pero alam niyang hindi rin naman ito susunod sa kagustuhan niya. "Sige ho, pero kapag napagod na kayo nang husto ay sasabihan ninyo sa akin, 'Mang. Titigil na kayo sa pagtitinda sa palengke at ako na ang bahala sa inyo."
"Anak, ngayong magkokolehiyo ka na, sana ay tumigil ka na sa pagsama sa mga lakad ni Santi. Ayokong magkaroon ka ng police record kapag nasa kolehiyo ka na."
Umiwas siya ng tingin dito. "Oho, 'Mang."
"O, sige, babalik na ako sa tindahan sa palengke."
Parang kinukutkot ang kalooban niya sa awa para dito. Sa murang edad ay maliwanag na sa kanya ang kalakaran sa mundo. Mahirap ang maging mahirap; walang seguridad at madaling yurakan ang mga karapatan at dangal; laging nakataya ang dignidad; parang asong kalyeng nakikiagaw palagi sa kakarampot na grasang nalalaglag mula sa tore ng mga palasyo ng mga mayayaman; laging nakatingala roon at laging nakatingin mula sa malayo habang umaasam na masilip man lang kahit sandali ang kasaganaang tiyak na matatagpuan sa loob niyon.
Sawang-sawa na siya sa kahirapan. Pagod na siyang pagmasdan ang pagod at hapis na mukha ng kanyang inang mula pa sa pagkabata ay alam niyang hindi man lang nakatikim ng ginhawa.
Isinumpa niya sa sarili na balang-araw ay magtatagumpay siya. Magiging hari siya ng kanyang nasasakupan, titingalain at rerespetuhin ng lahat ng mga tao, at kailanman ay hindi na magpapaalipin kaninuman.
Balang-araw...
At nagsimula siyang mangarap...
Pumasa siya sa entrance exam sa UP Diliman para sa kolehiyo. Socialized ang tuition fee ng naturang unibersidad. Isa iyong napakagandang pribelihiyo ng isang mahirap ngunit matalinong katulad niya. Hindi niya sinayang ang oportunidad na dumating sa kanya. Kung mayroon man siyang natutuhan sa pamumuhay niya sa lansangan, iyon ay ang samantalahin ang bawat pagkakataon para makabenta.
And he had to give himself credit for his brains. He actually got to
college...
"Matagal pa ba 'yan honey?"
Hindi niya pinansin ang babae. Abala ang kanyang daliri sa pagtipa sa computer keyboard. Parang ipuipo sa bilis ang mga daliri niya. Kapag computer ang kaharap niya ay naglalaho ang paligid sa kanya, maliban sa mga numero at mga letra sa screen, na kung ordinaryong tao ang titingin ay malilito o kaya ay mahihilo. Ngunit siya ay hindi. His mind was working as fast as his eyes and his fingers obeyed in perfect accord. Sue Anne was a very rich kid. Classmate niya ito sa kolehiyo at ngayon ay kapwa na sila graduating sa kursong Computer Science. She was spoiled and pampered by her parents who were into the computer business. Pag-aari ng pamilya nito ang isa sa mga pioneering Internet service providers ng Pilipinas.
Ang ama nito ay isang computer genius na dalubhasa sa Estados Unidos at Europa at isa sa mga prime movers na naging dahilan upang madala ang teknolohiya ng Internet sa Pilipinas.
He was in awe of the man but he knew that he would kill him if he learned he was screwing his only daughter while he and his wife slept peacefully in the master's bedroom.
Ayaw man niyang aminin sa sarili, hindi ang ganda ni Sue ang higit na umakit sa kanyang atensiyon kundi ang sophisticated computer setup nito sa mismong silid nito.It was complete with internet connection, her advanced graduation gift from her father, na hindi naman nito pinapansin na labis niyang ikinaiirita. Sue Anne liked to pay more attention to his dick than to that absolutely awesome machine of the twenty-first century! Bago pa lamang lumalaganap ang Internet at mga mayayaman lamang ang nakaka-afford niyon. Sue, for a girlfriend, was really convenient. Nagagamit niya ang computer nito sa gabi. He would sneak into her room and they would make out and then she would fall asleep and finally he could enjoy her computer.
But right now, the woman was hungry again. She was insatiable. Tumayo siya mula sa swivel chair at niyakap ito. She kissed him eagerly in the mouth. She knew a lot of tricks in bed. Sa katunayan ay ito pa ang nagtuturo sa kanya kung paano ang makipagtalik sa iba't ibang posisyon. She was very experienced and he did not mind at all. She was a great lay and it was not everyday that a nobody from the squatter's area like him got to screw a rich pussy like Sue.
A few minutes later, he was already inside her, giving it to her hard and fast and deep, just the way she wanted it. She came passionately with a muffled scream and he came right after her. Sampung minuto lang mahigit ay tulog na ito. Pagkuwa'y kaagad siyang bumalik sa computer. Pansamundali niyang iniwan ang program na ginagawa niya at nag-log in sa Internet. Surfing the cyberworld was the biggest thrill for him. Para siyang isang alien na sumasaliksik sa isang mundong punung-puno'ng misteryo at mahika.

בלוי דעל ראָסאַריאָWhere stories live. Discover now