02:

361 10 0
                                    

"Kuya!"

Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Haze. Alas diyes na pala ng gabi at ang ibig lamang sabihin noon ay malapit na kami sa bahay. Nasa biyahe pa rin naman kami. Nakatulong ang magaang traffic kaya mabilis kaming makakarating. Kung medyo mabigat iyon ay baka mga ala una pa kami nang umaga darating.

"What?"

"Do you think I should stop studying?"  Haze continued.

Napaarko ang kilay ko. I don't know why I am still talking to this kid with all her nonsense and shit. Kahit ano talaga ang sabihin ng batang ito ay talaga namang walang matino. I just looked at her and did not answer her. Bumaling lang ako sa daan only to see that we're so close to our house. Nakapasok na kasi kami sa gate ng village.

"Ano, kuya?" si Haze ulit na talaga namang kinudlit pa ako. "Matagal ko na itong pinag-iisipan, e."

Hindi ko ulit pinansin si Haze bagkus ay tiningnan ang cellphone ko. I checked the time again and it is exactly ten twenty-seven in the evening. Medyo maaga pa. Baka maabutan ko pa sa bahay nang gising si Esmeralda.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo." sambit ko na lang kay Haze dahil natatanaw ko na ang bahay. "Boss, ayan lang sa tapat ng blue na gate."

"Dito ho? Sige, boss."

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na kami sa tapat ng bahay. Nagbayad lang ako sa driver ng door to door van since marami kaming dala ni Haze ngayon. Karamihan ay mga gamit niya sa kung ano-ano. Hindi naman pwede ang bus dito, of course. I looked at the house. I have my spare key with me, and Emerald have one, too. It is a two-story house. Sa akin ang baba, kay Esmeralda ang taas. I can see na walang ilaw sa itaas. Maybe she is still out right now. Hindi ko rin naman sinabi sa kaniya na uuwi ako at isasama ko pa itong si Haze. Kung sinabi ko ay malamang ay nandito na iyon at sinasalubong kami.

"Kuya, ang bigat." reklamo ni Haze.

"Gamit ko ba 'yan? Kaltukan kita tamo."

I heard my sister's sigh as I see her enter the gate with all her bags. Tinulungan ko rin naman siya since I do not have any choice. Nang maipasok ko nang maayos lahat sa loob ng gate ay isinara ko na rin iyon.  It is not Haze's first time in my house. It's maybe her fifth or sixth stay here that is why she is familiar with all the doors. Ni hindi siya nagtanong kung saan siya didiretso o saan liliko. Nakarating naman kami nang matiwasay sa loob after a minute of struggling with all of Haze's things.

"Kuya, sa kwarto ulit ako? The blue one?"

"Saan pa ba?" I hissed at her na ikinanguso niya.

I only have three rooms here. My room, her room, and the guest room. Siya lang ang pinagawan ko ng kwarto since siya ang bunso sa amin and she is the closest to me plus the fact that she is always here.

"Okay, bye! Matutulog na ako. Gisingin mo ako kapag dumating na si Ate Emerald so I can kiss her."

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now