53:

111 3 0
                                    

"Fucking stop, Cia. Please. Stop, stop, stop. Putangina, stop!"

I screamed. I did not hesitate to swear at her. Nakita kong nagulat siya sa inasal ko. Malamang sa malamang ay hindi niya iyon inaasahan. I heaved deep continous sigh while my breathing is becoming heavier and heavier as seconds pass by. Nahihilo na ako sa biglaang sama ng pakiramdam ko ngunit gayunpaman ay nagawa ko pang maglakad kahit papaano. Mabagal man at hindi dire-diretso ang lakad ay nakabalik ako sa kotse at doon agad na napasandal sa upuan. Nanginginig kong kinapa ang manibela. I started driving even though I know I am not feeling well. I need to get out of this place and far away from Cia because it is suffocating me. It is killing me.

Nakatagal ako nang dalawang minuto sa pagmamaneho. Nakalayo ako kahit paano ngunit hindi ko kinaya. Natigil ako at saka halos hindi na makahinga habang kinakapa ang sarili ko. I looked for my phone. Luckily my eyesight did not abandon me from all these. I called Esmeralda and she answered right away.

"Mahal, hi! Pauwi ka na-"

"M-mahal..." nanghihina kong sambit. "Ple-please get me out of here. Sunduin mo ako, please. I beg you. Those predators are eating me."

I know my voice are begging. I know I am crying now. I know I am weak and only Esmeralda is the only person that my mind automatically thought of. She means breathing. She means strength to me. She means safety.

"M-mahal, okay. Hingang malalim. Sabay tayo. One...two...three. Don't leave me. Huwag papatayin ang phone, okay? Be with me. Paparating na ako. Susunduin na kita." I heard Esmeralda saying. Alam kong nag-aalala siya dahil hindi rin mapakali ang boses niya at medyo garalgal.

"I'll w-wait for you, mahal. Help me..."

I am hearing her talk on the other line. Sumisigaw siyang nagpaalam kay Haze saka ang mga sumunod ko nang narinig ay ang pagkataranta. Ilang minuto matapos iyon ay ang tunog ng kotse na ang naririnig ko at ang boses niya.

"Mahal, breathe tayo. Hinga po, hinga. Please, be with me. Hinga tayo, okay? One...two...three."

I don't know how many times Esmeralda kept on doing that on the phone. Sinasabayan ko lahat ng paghinga niya. Sa kaniya lang ako nakikinig dahil ayaw kong pakinggan ang mga demonyo sa isip ko. Ayaw kong madala ng takot at kabaliwan. Ayaw ko. Ayaw na ayaw ko.

"Mahal, malapit na ako. Please, keep breathing with me. Inhale...exhale....inhale...exhale. Mahal,"

I cannot control myself. Right now, kahit na hirap na hirap pa rin akong huminga ay nilalabanan ko pa rin ang sarili ko dahil alam kong nananalo ang kagaguhan sa isip ko. I am already thinking of ways to harm myself. I am already thinking of dying.

"Mahal..."

More minutes of talking on the phone and breathing with Esmeralda, I felt her embrace. Agad niya akong isiniksik sa dibdib niya at hindi pinapakawalan ang kamay kong kinukutkot ang kanan kong pulso.

"Mahal...shush. Tahan na po. Tahan na. I'm here. You're safe."

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now