38:

116 4 0
                                    

Ala una nang makabalik ako sa bahay. Mabuti na nga lamang ay pinagbuksan pa ako ng gate ni Haze. I was about to get mad at her for being awake so late, but I did not have the chance to. Siya rin kasi ang maya't maya kong taga-update.

"Nasaan ate mo? Umiiyak pa rin?"

"Ha? Ewan kasi kanina ko pa siya iniwan sa kwarto niya, e. Sabi ko tutulog na ako tapos ayaw ko siyang katabi. Ayon na lang dinahilan ko kasi alam ko namang gusto niyang umalis ako ayaw niya lang sabihin."

"Matagal siyang umiyak kanina?"

Umiling si Haze na para bang nag-iisip pa. Ako naman ay nagmamadali na ring maglakad papasok ng bahay matapos ayusin ang pagkakaparada ng kotse ko. Tahimik naman na sa bahay. Wala na ring ilaw sa itaas dahil nakapatay na iyon.

"Matulog ka na." sambit ko na lang kay Haze.

Ngumuso lang siya sandali sa akin saka padabog ngunit tahimik siyang nagmartsa patungo sa kwarto niya. I made sure to lock the door and heaved a deep sigh before coming up to Esmeralda's place. Naghihingal pa ako nang kaunti sa ngayon dahil kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. I had to drive faster that is why I even got anxious on the way home. Muntik ko pang hindi maihatid nang maayos si Cia dahil medyo nagpapanic na ako. Ang dapat na tatlong oras ay nakuha ko ng halos dalawang oras at labinlimang minuto lang dahil sa pagmamadali ko. Hindi naman na ako kumatok pa nang subukan kong pumasok sa kwarto ni Esmeralda. Gladly, it's not locked. Agad na bumungad sa akin ang tahimik na kwarto at ang ilang kalat sa may inuman area, sa sahig, malapit sa kaniyang kama niya. Two bottles of gin Ginebra are empty. Sa katabi noon ay ilang mga lagayan ng pagkain at ang baso niyang ginamit. Nang lingunin ko ang kama ay naroroon siya't nakadapa. Hindi ko alam kung natutulog na siya o sadyang tahimik lang. Binuksan ko naman ang ilaw para hindi ako mangapa sa dilim. Marahan ngunit mabilis din akong nagtungo sa kama niya para tingnan kung tulog na siya o umiiyak. To my surprise, she's doing both. Tulog siya habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Kaagad akong napabuntong-hininga dahil doon. Kulang na lang ay mapakamot ako sa ulo ko habang tinitingnan siya dahil nagui-guilty ako sa ginawa ko. I should have known that she is in pain. I should have known that she needs me to cry on.

"Mahal,"

Agad akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang mahina niyang boses habang marahan kong pinupunasan ang luha niya at sinusubukang huwag siyang magising. Nagmulat lang siya sandali ng mata at saka walang ganang iniabot ang kamay niya sa akin na agad kong hinawakan bago maupo sa kama niya.

"W-why are you here? Hindi ba't may lakad ka?" sinubukan pa niyang bumangon biglaan pero hindi niya kaya. "Ouch. Tangina. Umaga na ba? Oh my God. Saan natulog si Haze?"

"Shush. Settle down. Huwag kang malikot." sambit ko na lang. Pinaayos ko siya sa pagkakahiga niya at medyo binabaan din ang unan niya. "Natutulog na si Haze sa baba. Tapos na ang lakad ko."

"Ah...ganoon ba?" nagtataka siya. Naniningkit pa ang mata habang tinitiningnan ako. Hawak-hawak ko pa rin naman ang kanan niyang kamay na halos itapon niya kung saan-saan dahil sa kalasingan niya. "But why...do you sound cold?"

"Cold ka riyan."

"No. Nanginginig 'yong kamay mo oh tapos ang lamig." sabay turo niya pa sa magkahawak naming kamay. "Natatae ka ba?"

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now