43:

116 4 0
                                    

Natapos ang hapunan. Nakapaghugas na rin ng mga pinagkainan si Haze at nakapaglinis na. It is time for bed, yet Esmeralda is still ignoring me because of what happened. Hindi gumana ang halik ko pati na rin ang panunuyo ko pero naiintindihan ko iyon dahil sumobra ako kanina. I understand that she is hurt on what I said on our little fight, and I will understand if she do not want to talk at all.

"Sa kwarto mo ako matutulog, ate?" si Haze mayamaya pa. "Tabi raw kayo ni Kuya matulog e so dito kayo sa baba?"

"No. Hindi naman ako pumayag na magkatabi kami matulog, e. Tayo ang magkatabi ulit."

"Mahal," agad kong pagrereklamo. "Let's sleep in my room tonight. Let's talk."

"No. Wala akong tiwala riyan sa talk mong iyan. Baka kung ano pang gawin mo sa akin." may halong pag-asik at paniningkit ng mga mata niya ang nakuha kong reaksyon sa kaniya. "Isa pa, I still hate you at the moment."

"Kaya nga let's talk. Hindi ka pwedeng matulog na galit ka sa akin."

"Ay wow kasalanan ko ba 'to?"

"Sige bye na ate, kuya. Akyat na ako sa taas! Ayaw ko marinig away n'yo. Co-corny n'yo eh kadiri nagkikiss pa kayo sa harapan ko ah." si Haze na naparoll eyes pa. Nagmartsa siya papaakyat sa kwarto ni Esmeralda at narinig namin ang pagsarado ng pintuan. "Good night!"

"Wala ka nang ibang choice, mahal. Naka-lock na ang kwarto mo."

Esmeralda just rolled her eyes at me. Hindi na rin ako sinagot pa at nagdiretso sa sala. Doon siya nahiga sa sofa. I heaved a sigh and then followed her. Hindi niya ako hinayaang makaupo o makahiga rin sa sofa kaya naman wala akong ibang pagpipiliian kung hindi mag-indian seat at nakaharap sa kaniyang mukha na may tabon na ng unan. Pinipindot-pindot ko lang ang tagiliran niya at mahinahong sinubukang tanggalin ang unan sa mukha niya. That went on for minutes. Hindi niya talaga ako pinapansin at wala akong makuhang reaksyon sa kaniya. Ako na rin ang sumuko sw huli. Tumayo ako at dumagan sa kaniya. Doon lang siya kumilos. Itinulak niya ako at doon na kami parehas na naupo sa sofa pagkatapos.

"Papatayin mo ba ako?"

"No." sabay iling ko. "I was curious if you're still alive because you are not responding at all."

"Alam mo Puso tigil-tigilan mo ako sa kakaganiyan mo." she hissed. Napapapikit pa sa pagtitimpi niya. "Hindi ako natutuwa."

"It has been ages since the last time you called me Puso. You're really mad at me."

"Oo nga galit nga ako sa'yo kaya lubayan mo na ako para hindi madagdagan iyong galit ko sa mukha mo."

"Sabado bukas, mahal."

"Oh, ano naman?"

"Wala kang excuses para umiwas sa pagod."

"What?"

"Ahm, ano, I want to make love with you again."

I saw her heaving a sigh. Hindi ko alam kung buntong-hininga ba iyon na totoong disappointed o inisyal lang niyang reaksyon sa sinabi ko iyon. She is even looking at me like I did something wrong.

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now