32:

111 3 0
                                    

Naalimpungatan akong may nagbubukas ng gate sa labas. Dali-dali akong napabalikwas ng bangon only to find out it's already quarter to seven o'clock. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay may dalawa akong missed calls mula kay Emerald. I also quickly got up to my room and had to curse so much when I saw Cia comfortably sleeping.

"Kuya!" narinig ko ang boses ni Haze. "We're here!"

Napamura ako sa isip ko saka tinakbo sa may pintuan para kunin ang sapatos ni Cia at dalhin sa kwarto. I also tapped her quickly and shushed her to be quiet when her reaction became confused.

"Tangina ba't hindi mo ako ginising? I told you na ayaw kong makita ka ni Esmeralda." I hissed at her.

Ngumiwi naman siya at mukhang nainis.

"You called me here-"

"But you, ahm…" napahilamos ako sa mukha ko. "Be quiet. Huwag na huwag kang gagawa ng ingay dito ah. Huwag na huwag ka ring lalabas."

Cia just rolled her eyes on me and then continued sleeping. Napabuntong-hininga naman ako saka mabilis na ring lumabas ng kwarto at ini-lock iyon.

"Kuya," halos mapapitlag ako nang pumasok si Haze sa may pintuan. Ngingiti-ngiti ito habang kumakain ng ice cream kasunod si Esmeralda na ganoon din ang reaksyon. She even waved at me and blew a kiss. "Gugutom na kami. Anong ulam?"

"Wala. I was waiting for you to arrive. Akala ko may dala na kayong order na pagkain. Nakatulog ako eh."

"Hmm kaya pala hindi mo sinagot tawag ko ah." si Emerald.

"Yes." sabay tawa ko nang mahina. "Ahm, by the way, wala ba kayong dalang ulam?"

"Wala. Akala ko e nagluto ka, e."

"Okay, sige. Order na lang ako sa labas. Akyat na kayo sa taas. Magpapalit lang ako tapos- "

"Wait. Ikaw mismo ang lalabas para umorder?"

"Yes. Malapit lang naman 'yong kainan diyan sa kabilang kanto. Magdrive na lang ako para mas mabilis. For the meantime, magpahinga na muna kayo tapos sa taas na lang ako aakyat mamaya."

"Hmm," naniningkit ang mata ni Haze mayamaya. "Sabi mo kakagising mo lang kuya pero bakit namamawis ka?"

"Ah, kasi nakalimutan ko palang buksan aircon sa kwarto kanina eh tinamad na akong tumayo." sabay tawa ko pa.

Tumango-tango naman nang sabay ang dalawa pero ang mukha ni Haze at halata mong hindi naniniwala sa akin. This kid is really something else kahit na pagdating sa mga ganito. I can't even slip a lie to her because she always knows.

"Sama ako, kuya."

"No." agad kong sambit. "Walang kasama ang ate mo. Sige na, akyat na kayo sa taas."

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now