04:

274 9 0
                                    

"Meet me at eleven, okay? Sabay tayong uuwi na hindi lasing dahil walang kasama si Haze sa bahay." I once again reminded Emerald.

Nandito na kami ngayon sa sinasabi niyang birthday ni Shanaia. We are just parking her car before we both enter the venue but hindi pa man ako nakakapag-ayos ay lumabas na ito ng kotse.

"Esmeral-"

"Yes, mahal! I'll meet you here at eleven!"

Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na akong magawa kung hindi ang panoorin siyang mabilis na maglakad papalayo sa akin. Dumiretso na kaagad ito sa bulwagan upang hanapin ang mga kasama niya.

Shanaia is our friend. Well, one of Esmeralda's friends. Nagkakila na kami once or twice kaya naman isinama na rin ako rito. She is also a common friend of my friends, so I am here, too. Nakasuot ako ng tux and Esmeralda on her green dress. It is the theme of the party. Inayos ko lang ng pagkakapark ang sasakyan ko saka mabilis na nagtungo na rin sa bulwagan. Hindi pa ako nakakailang hakbang sa loob ay may umakbay na sa akin. Nang lingunin ko ito ay ang nakangising si Rigor pala iyon. Rigor is one of my friends. Kagaya ko ay nakatuxedo rin ang mokong at ngingiti-ngiti pa.

"Ang tagal mo ah. Naunahan ka pa ni Emerald." he said. Despite the noise of the music on the background plus the decent swarm of elegant people, I heard what he said. "Mukhang hahanap ng lalaki ang isang iyon ah. Ako na lang kaya ang ireto mo?"

"Gago." bahagya ko siyang siniko. "Mas lalaki pa nga sa'yo 'yon, e."

Naiiling kaming sabay na naglakad ni Rigor. Kanina pa pala ako hinihintay ng isang ito at mayroon na siyang sariling table kung saan may ilan pa siyang kasama. Rigor actually is the only friend of mine who believes that Esmeralda and I are not in a romantic kind of way relationship. Siya lang ang naniniwala sa dinami-rami nila.

"Oops." napalingon ako sandali sa kaliwang gilid ko nang marinig ang boses na iyon. "It's okay."

Hindi ko mapigilang mapatitig sa babaeng nakita ko. She is tall and elegant even though she just bumped into a guy. Her smile suits her algae hue dress. I don't know but she just captured my attention. Ang ganda niya at hindi ko maiwasang mapatitig nang matagal lalo na at nasisilayan ko ang ngiti niya.

Her presence is just too beautiful.

 

"Doon tayo." naputol lang ang pagtitig ko sa babae nang marinig ko na ang boses ni Rigor.

Wala akong choice kung hindi ang maglakad na rin. Sinubukan kong lumingon muli sa babae ngunit wala na siya roon. She quickly got in between the dancing people around. Sayang na sayang. I should have asked what her name is.

"Pare!" si Lucas nang makaupo kami ni Rigor sa mesa gayundin sina Patrick, James, at Paul. "Kamusta? Halos isang buwan kang nawala ah."

"Umuwi ako sa Marinduque, e. Isang buwan kaming nagcelebrate ng 50th anniversary ng parents ko. Kayo, kamusta?"

"Okay lang. Same same lang."

Iyon lamang at nag-umpisa na ang kasiyahan. We got here at exactly eight forty-five and now it's ten thirty in the evening. Mas nagkakaingay na at mas magulo na lalo na at medyo may tama na ang mga ito. Nakita ko na si Shanaia, the birthday woman at nakipagsaya na rin siya sa amin. She is with Esmeralda that is now a little bit tipsy. Sinamaan ko na siya ng tingin kanina at alam niya kung bakit but she just smirked at me. It's fine though since ako ang kasama niya sa pag-uwi. She is in safe hands.

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now