17:

132 4 0
                                    

Nagising akong pangalan ni Esmeralda ang bumungad sa screen ng cellphone ko. She has been ringing me multiple times now na akala mo ay may napakaimportanteng sasabihin. Kahit na nga wala pa sa katinuan at hindi pa halos nagmumulat ng mata ay sinagot ko ang tawag.

"Hi, kuyaaaa!" It is Haze. Siya ang bumungad sa akin. I then realized na siya pala ang tumawag sa akin at hindi si Esmeralda. It is just five in the morning and Esmeralda could never wake up so early. Ngingiti-ngiti pa nga ang walanghiyang bata. "Pangit mo naman."

"Haze, anong problema mo?" I asked still sleepy.

"Wala naman. Ang aga kong nagising kuya e tapos wala akong kausap kasi si ate tulog pa oh." she said and then itinapat ang cellphone sa pwesto ni Esmeralda na mahimbing pa ngang natutulog. "See?"

I sighed. I can see Esmeralda is asleep comfortably. Yakap-yakap pa nga niya ang kaniyang unan. She's always so beautiful even though she has her mouth open while sleeping.

"Oh, in love ka na naman kay ate oh. Don't worry hindi ko naman sasabihin, kuya. Alam naman niyang patay na patay ka sa kaniya, e. Saka ako ang nagbabantay sa kaniya habang wala ka para hindi siya lapitan ng mga boys."

"Haze, hindi nakakatuwa. Bakit pinapakialaman mo ang cellphone ng ate mo?"

"Hindi mo naman sasagutin ang tawag ko, e. Kay Ate one call away ka lang siyempre hindi kasama ngayon kasi sobrang aga at tulog ka pa. Tumawag nga pala si Mama kagabi. Kung uuwi raw pala tayo sa fiesta next month?"

"I don't know. Hindi ko hawak ang schedule ko pero ikaw siguradong papauwiin ko."

"Saka nga pala kuya, sabi ni ate-"

"Diyos ko parang awa mo nang bata ka. Tigilan mo na ako kakatawag mo. Napakaaga pa." pagrereklamo ko saka siya pinatayan ng tawag.

I sighed. Itinabi ko na ang cellphone ko at handa na ulit akong matulong nang muling tumunog ang cellphone ko. It is still from Esmeralda na malamang ay hawak pa rin ni Haze ngayon. Napapikit muna ako sa pagpipigil bago iyon sagutin muli.

"Hindi ka titigil?" asik ko rito. "Kakaltukan kita pag-uwi ko."

"Kuya, I still have chika." she smiled. "It's about ate's ex."

Kahit na gusto kong mainis ay medyo napatahimik ako dahil sa sinabi niya. Napatikhim pa nga ako nang makitang nagbago ang reaksyon ni Haze na ngayon ay mukhang nang-iinis na. She might be thinking something else.

"Oh?"

"Yiee ikaw kuya ha masyado kang halata."

"Ano ba kasi iyon at nang makatulog na ako, Haze. Nangigigil na ako sa'yo ah."

"Ganito kasi 'yon, kuya. Sabihin mo muna maganda ako,"

"Haze!"

"Okay. Sorry heto lang ako." sabay tawa ng bata. "Kahapon kasi habang nakain kami sa labas, 'di ba kapag restaurant mandin e sosyal-sosyal? So, ayon nag-unli wings kami kagabi."

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon